"Bat ba ang tagal mo" reklamo ko sa kanya.
Panguso naman syang umupo sa may mesa namin at inilapag nya naman ang dala dala nyang pagkain namin.
Nandito kasi kami sa mamihan nang Tita lordes ko ,feeling close din kasi tong kumag na toh sa pamilya ko.
Hindi pa dapat araw para dumalaw at kumain ako dito sa mga Tita ko kaso panira tong kumag na toh hinila ba naman ako papasok ng kotse nya papunta dito .
Badtrip kasi ako !! Hindi ako nakatulog ng maayos dahil nasa tinulugan ko kanina .sino ba naman magiging mahimbing ang tulog kung nakaupo ang sakit kaya sa likod dinagdagan pa ng init ng ulo ko Kay joey.
"May tanung ako??" Sabi nya.
"Sige pero wag lang math!" Sabi ko.
Natawa naman sya at napailing.
"May nagugustuhan kana ba??" Seryosong tanong nya.
"Pwera Kay Paulo!" Dugtong nya.
"Meron pero wala na akong maisasagot na iba kundi si Paulo lang at wala ng iba!!" Pagmamayabang ko sa kanya.
Matipid syang ngumiti at sumubo nalang ng mami .
"Uhmm ang sarap talaga Neto !!!" Sabi nya.
"Para kang timang !! Lagi mo nalang sinasabi yan sa twing pupunta tayu dito wala ka na bang ibang Line???" Sumbat ko.
"Hahahahahahhahahaha" tawa nya.
Nagtaka naman ako sa inaasta nya.
Parang timang."Wag ka ngang tumawa di bagay sau mukha kang aso ,tsaka kung Hindi mo ako dinala dito nagawa ko nang lahat ng gagawin ko sa bahay tsss" sabi ko.
"Sorry naman si ako" natatawa nyang sabi.
Tumalikod ako at naglakad tinawag nya ang pangalan ko pero Hindi nalang ako lumingon .
Pagkarating ko sa amin nakarinig naman ako ng mga sigawan sa labas palamang namin.
Naririnig ko na ang lasing Kong tatay.
"Anu ba !!!!! Wala si Mariel!!!!" Sigaw nya.
Pagkapasok ko ay Hindi ko manlang naagaw kahit konting atensyon nila dirediretso parin ang tatay ko sa pag bulyaw nya .
"Nakauwi na po ako" malumanay Kong sabi .
Dirediretso ako sa pagakyat at bigla naman ko naman na napansin na kararating lang ni Mariel.
"Ohhhh may balak ka pa palang umuwi"bulyaw naman ng Nanay ko Kay Mariel.
Ngumisi naman si Mariel at umakyat din sya pero ng magkatapat kami at hinawakan ko ang balikat nya.
" Sandali nga ,bakit ba ganyan ka umasta??"sabi ko.
"Wow ,mayroon palang may pake sa akin sa bahay na to" sabi nito.
"At kailan ka pa natutong sumagot sagot sa akin ,hah Mariel" sabi ko.
Nagmatigas sya syang bumitaw sa hawak ko at nagpatuloy ng pagakyat sinundan ko naman sya at hinarap ulit.
"Tsss Te wag kangang umasta may pake ka sa nararamdaman ,wala naman kayong pake sa akin ehhh" sabi nito.
Dire diretso syang pumasok ng kwarto nya.at pinagdabugan naman ako ng pinto.
Aakma na sana akong susundan sya para kumportanhin pero narinig ko naman si mama ang nagsalita.
"Hayaan mo muna sya ,maiisip nya rin nya yung pagkakamali " sabi nito.
Napailing naman ako sa pagkampi naman ni mama Kay Mariel.
Bakit lagi nalang sa kanya nakapabor!!.
Inis akong bumaba para kumuha ng tubig sakaling makalma ko ang sarili ko sa bwisit na bahay na to.
"Hoyy ikaw Alam mo ba kung bakit ganyan ngayun si Mariel" rinig Kong sabi naman ni papa.
Napalingon naman ako sa sinabi nya.
Nagtaka naman akong itinuro ang sarili ko."Oo ikaw,wala ka kaseng kwentang kapatid !!! Alam mo yun nagpapakahirap akong magtrabaho tapos uuwi ako walang pagkain !!!! Lumayas nga kayo" sabi nito.
Kumirot naman ng bahagya ang puso ko sa sinabi mismo ng tatay ko .
Hindi ko tanggap na ganun ganun nalang nya ako sabihan ng ganung klaseng mga salita ,Hindi nya manlang naisip ang mararamdaman ko .Hindi ko nalang syang sinagot at naglakad nalang ako papalabas habang may napaka sakit na nararamdaman .
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa nakakita ako ng isang park na walang gaanong tao .
Umupo ako sa isang tabi malayo sa magulo Kong buhay .
Nailabas ko ang lahat ng hirap na nararamdaman ko ,gustong gusto ko nang umalis na bahay yun pero Hindi ko magawa dahil una nagaaral pa ako at walang kasama sila mama .Mahirap para sa akin na maging matapang lalong lalo na sa harapan nila wala kase sa bahay ang Kuya ko na kayang kaya kontrolin ang sitwasyon .ang kaso nga lang Hindi ko kayang maging matapang pero peke naman mahirap yun lalo nat ikaw mismo ang nakakaalam kung ano talaga ako.
Mahal ko ang papa ko mahal na mahal pero parang pagod na ako pagod na pagod.
Napayuko naman ako saka ako humagulgol.
Paulo's POV.
Its already late at night pero wala paring sumusundo sa akin dito sa may park halos 5hours na ako dito.
Bwisit kasi yung mga kabarkada ko.
Hiniram nila yung kotse ang sabi
5minutes lang pero eto ko 5hours na akong naghihintay .I tried to call them but they ignored me .
Wow naman kotse ko kaya ang dala nila paalala ko lang ahh.
Bwisit akong umupo at nangangati na ako dito andami nang lamok dito .bwisittt kayo guysss Alam nyo yun!!!!.
"Hayssss !!" Bulong ko sa sarili ko.
Nasagi naman ng mata ko sa narinig ko ,may humahagulgol .
Taas kilay ko syang tiningnan ,at pinagmasdan.Tamayo ako at lumapit ng kaunti.
Nakayuko sya at nakahawak ang kanyang mga kamay sa kanyang namumugtong mga mata.Umiling nalang at aakma sanang tatalikod nalang .
"Mama ,tingnan mo yung lalaki ohh pinaiyak nya yung babae ohh" rinig Kong sabi ng bata sa kanyang mama.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nya.
"Hoyy lalaki kaming mga babae ay Hindi mo dapat pinapaiyak!!" Sermon sa akin ng babae.
"Nagkakamali po kau hindi-" naputol ang sinasabi ko .
"Kahit na kami pa ang Mali Hindi mo dapat ang mga dadamin naming mga babae!!" Sabi nito.
Napangisi naman ako sa sinabi ng babaeng toh.
"Kaya anak !! Hwag na hwag mong tutularan ang lalaking yan paglaki mo ,masamang magpaiyak ng babae" pangaral naman ng babae sa kanyang anak.
Napailing nalang ako at lumapit sa babae,yumuko ako at tiningnan ko sya.
"Miss" tawag ko.
Umangat ang ulo nya at nakita ko ang namamaga nyang mga mata .
Mukhang may mabigat na nararamdaman ang babaeng to ahh.

YOU ARE READING
Loving A Stalker.
Ficção Adolescente" Mahal mo ko pero kailangan mo sya" Sya si Airene Mendoza at oo may minamahal sya ang kaso nga lang yung Mahal nya ay Hindi naman sya Mahal . At lalong lalo na ni Hindi nga sya kilala ehh. Saklap naman !!