CHAPTER THREE

104 12 2
                                    


CHAPTER THREE:
The prophecy

Pagkatapos naming kumain ay dumeretso na ako sa dorm namin. Kaya ngayon ay nandito na ako sa kwarto ko, nakaupo sa kama.

Unang araw ko pa lang dito ang dami ko nang nakabangga, oh scratch that hindi pa pala ako nagsisimulang mag-aral ang dami ko nang nabangga at worst mukhang matataas ang pwesto ng mga 'yon.

Paano ako magiging mahina sa paningin nila kung binangga ko abg prinsesa ng apoy? Stupid, Keiyrah.

Buntong hininga akong humiga at tumitig sa kisame. Hindi ata ako matatahimik sa pananatili ko dito.

"Ah, ate?" tawag sa akin ni Katie sa labas ng pinto ko kaya bumangon ako at pinagbuksan siya

Ate, huh?

"Yes?" malamig kong tanong na ikinatigil niya saglit

"A-ah ate may---"

"Drop the ate, call me Keiyrah" napatango naman siya sa sinabi ko

Naalala ko hindi pa ako nagpapakilala sa kanila, kaya niya siguro ako tinatawag na ate. Pfft.

"Keiyrah may dumating na sulat kanina habang tinutour ka ng mga superiors dito. Para sayo raw, eto oh" Kinuha ko na ang papel na inabot niya at sinaraduhan siya ng pinto.

Umupo muli ako sa kama ko at tinignan ang sulat.

Keiyrah Leveigniah

- D

Ayan ang nakasulat sa harap ng sulat kaya napangisi na lang ako. Binuklat ko na ang sulat at binasa ito.

Entering the academy will make your life a mess, princess.

Mas lalong lumawak ang ngisi ko sa sulat na 'to. I'm not a princess, jerk.

Nilukot ko ang papel at sinunog ito sa kamay ko. Your letter won't threaten me, moron. So, try harder.

SOMEONE

"Lady Sharmaine! Umiilaw ang libro ng propesiya!" nagising ako sa sigaw ni Shaira kaya napabangon ako ng wala sa oras

"Ang ingay mo Shai! Natutulog ako, hindi mo ba nakikita?" medyo inis kong sabi dahil ang ayaw ko sa lahat ay ang ginigising ako

"Pagpasensiyahan mo na ang aking kapahangasan, Lady Sharmain. Ngunit nais ko lang ipahatid na umiilaw ang libro ng propesiya. May nais itong sabihin, Lady Sharmaine" nakayuko nitong pagpapasensiya

Dahil sa narinig ay napatayo ako bigla at dali daling pumunta sa kwarto kung saan nandoon ang propesiya.

Pagpasok ko sa kwarto ay nandodoon ang mga oracle na nangangalaga sa libro ng propesiya. Nang makita nila ako ay nagsiyuko sila at nagbigay daan.

Umiilaw nga ang libro ng propesiya, naglalabas ito ng ginto at puting kulay.

Nilapitan ko na ito at hinawakan. Ramdam ko ang pagbabago ng mata ko sa oras na hinawakan ko ang libro. May mainit na dumaloy sa katawan ko hanggang sa may lumabas na mga salita sa ulo ko. Salitang griyego ito ngunit naiintindihan ko ang nais nitong sabihin.

Central Academy: The First QueenWhere stories live. Discover now