CHAPTER TWO

94 11 0
                                    


CHAPTER TWO :
Academy tour

Nagising ako sa katok sa pintuan ko at dahil sa inis ay ibinato ko sa pinto ang dagger na naabot ko sa ilalim ng kama ko.

"THE FVCK!" napangisi ako sa sigaw nito

Serves you right. No one dares to wake me up, always remember that.

Hindi na rin naman ako makakatulog muli kaya kumuha na ako ng towel at pumunta na sa cr.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at lumabas an sa cr. Tumingin ako sa salamin at napangisi ng wala sa oras. Gorgeous as always, Keiyrah.

May kumatok na naman sa pinto kaya napatingin ako doon.

"Angel, kakain na tayo" napataas ang kilay ko hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa tawag niya sa akin.

Angel? That name don't suit me.

Lumingon pa ako muli sa salamin at saka naglakad na palabas ng kwarto ko. Hindi ko pinansin ang titig niya sa akin at derederetsong naglakad papuntang dining table.

Naabutan ko naman doon si Katie na nakaupo at nang makita niya aki ay para siyang nabalisa.

"Next time don't wake me up" Pagpapaalala ko na ikinatango niya na lang

Nagsimula na kaming kumain nang dumating na si Kate.

"Bago ka ba sa academy na 'to, Angel?" tanong sa akin ni Kate na tipid ko lang na tinango

Ayokong nagsasalita kaaog kumakain ako

"Woah, malapit nang magranking day tapos ngayon ka lang pumasok? Buti pinapasok ka dito ni headmistress" Parang namamangha niyang sabi kaya napairap ako

She's a speaker.

"By the way anong attribute mo? Ako kasi healing ang attribute ko at kay Katie naman ay poison" Hindi ko siya pinansin kay kinulit niya ako at dahil sa kakulitan niya ay nainis ako. Damn this speaker girl.

"Shut up will you?" malamig kong sabi kaya nanahimik siya hindi lang pala siya pati si Katie na natigil sa pagkain

Hindi ko na lang sila pinansin at itinuloy ang pagkain ko

"Nga pala, pumunta dito kanina ang superiors at inihatid nila ang uniform mo, nasa sofa. Babalik daw sila mamaya para ilibot ka sa academy" Pagsasalita ni Katie kaya tumango na lang ako

Ang taas ng ranggo nila dito, huh?

"Angel, sorry na hi---"

"Don't call me angel, it doesn't suit me" malamig kong pagtigil sa ano mang sasabihin niya

"Sorry ulit" hindi ko na siya pinansin pa at tumayo na nang tapos na akong kumain

Dumeretso ako sa sofa at kinuha ang box na nakalagay doon. Dinala ko 'to sa kwarto.

Inilabas ko ang uniform at tinignan ito. Well, okay naman siya. White blouse with blue green ribbon, green and purple stripes shirt, long socks, and black three inch shoes.

Central Academy: The First QueenWhere stories live. Discover now