TFGR: 1

2K 51 11
                                    

Chapter One

Bea's POV

December 13, 2011

"Haha! Tumabi kayo! Dadaan na siya! Tabi! Baka hindi siya magkasya!"

"HAHAHAHA!"

"Ano 'yang nasa tiyan niya? Ay teka! Bilbil nga pala! HAHAHA!"

"Bea! Bea! Ilang months na 'yang nasa tiyan mo?"

"HAHAHAHAHA"

'Yan ang laging kong naririnig tuwing umaga, ang mga tawanan nila. Hindi na sila nag sawa sa mga panglalait nila sa akin. Lagi nalang, "Bea, bakit ang taba mo?" "Bea, ano ba ang mga kinakain mo? Kita mo, ang laki laki mo na!" "Bea, gusto mo, shopping tayo? Mukhang hindi na magkasya 'yang pantalon mo sayo eh."

Ano bang masama sa pagkain nang marami? Pakialam niyo ba? At least, masaya ako diba? Masaya ako kahit na hindi ako nanglalait ng iba. Hindi katulad niyo, parang sa taba ko lang kayo sumasaya! Mas mabuti na ngang malusog ka at sobrang taba, kesa 'yung sobrang payat na akala mo malnourished na.

Hindi ko na lang sila pinapansin at pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko. Mas mabuti pag mabilis akong makakarating sa classroom. Matitigil na 'yang mga pangkukutsa nila. Kahit hindi permanenteng solusyon ang pagiwas, 'yun lamang ang tangi kong magagawa. Kesa naman patulan pa sila, diba? 'Di ko nalang sila papansin para iwas narin sa gulo.

"Oooooops!"

And the bell rings! Signaling the start of my first class.

And nope, 'yung nabasa niyong 'Oooooops!' na 'yan ay hindi tunog ng kampana. Akala niyo ba na porket sa sosyalang paaralan ako nagaaral, e ganyan na ang maririnig ko araw-araw mula sa school bell? Hinde. 'Yan ay ang narinig kong ingay na sabay sa pag-ring ng bell. Ang nakakairitang boses ng ilan sa mga nambubully sa'ken dito sa school. 'Yung mga babaeng sobrang iksi ng shorts/palda na suot. E sana, nagpanty na lang kayo papuntang school, ano?

Tuwing 'Wash Day Friday' kase, pwede kameng mag civillian sa school. Short shorts and Mini skirts ang madalas nilang suot. Halos kita na nga ang kaluluwa e.

Mindy Dela Cruz and friends.

Anong nangyare? Bakit sila napa-'Oooooops'?

Nilagay lang naman kasi ni Mindy ang kanyang 'oh-so-flawless' leg sa dinaraanan ko, kaya ay nasubsuob ang mukha ko sa sahig. Literally. Subsob. Face first.

Ahhhh. Sakit sa panga. Namumula na siguro ang mukha ko ngayon. Dahil sa pagdive ko at dahil na rin sa kahihiyan. I heard the laughter of many students. Maraming nakakita... Kapansin-pansin rin kase ako.

It took me about 5 minutes to stand up. Nahihirapan kase ako. Ikaw ba naman, ilang pounds ang bigat, matumba tapos susubukang tumayo. Sa page-explain ko palang nga, parang ang hirap hirap na. Ugh.

And when I was able to stand up straight, it suddenly hits me. Ako nalang ang tao dito sa hallway.

They are all in class.

And I'm late.

I tried to run as fast as I can to somehow get in class, despite of my tardiness.

15 minutes late. 10 minutes akong nagtakbo papunta rito. Yes, kahit na malapit lang ako kanina sa room ay natagalan parin ako. I ran, yet I was still slow. With my weight, how'd you expect me to 'run' as fast as normal teenagers? My running is like their walking pace.

Nandito na ako ngayon sa harap ng pinto ng classroom ko.

Kumatok na ako at ni-twist ang door knob para mabuksan ito. I slowly opened the door, only to get everyone's attention. All eyes are on me now.

The Fat Girl's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon