Chapter 4

1.2K 56 3
                                    


Sorry po sa matagal na update
******************************



Kim's pov:

Waaahhh......kainis!!

Bakit hindi mabura sa isip ko yung nakita ko kanina??

Waaaaaahhh!!!!!

Fresh na fresh pa rin sa utak ko yung maganda niyang katawan. Makinis at maputi niyang balat.....at yung 6 packs abs niya. ToT yummy!!

O-O waaaaahhh anu ba itong pinag-iisip ko!! Ang hahalay!!!!

Dahil sa mga naiisip ko, hindi ko na namalayan na sinasabunutan ko na pala ang sarili ko.

"Oy! Bes! Naka drugs ka ba?"

"Huh?"

Para namang napabalik ako sa aking katawan noong tawagin ako ni Andrei.

Tinitingnan niya lang ako ng nagtataka.

"Bes! Anu ba nangyayari sayo? Kanina ka pang tulaley diyan."

"Ah..wala lang toh....."

Sagot ko sa kanya, pero mas lalong nagduda ang kanyang itsura.

"Anu..ng kinakabahan lang ako para sa party. Oo. Kinakabahan lang ako."

Palusot ko....sana maniwala siya. At mukhang naniwala naman ito dahil muli siyang nagfocus sa kanyang cellphone.

Nakasakay kami ngayon sa kotse ni Andrei, syempre may nagdadrive para sa amin. Papunta na nga pala kami ngayon sa bahay nung kaklase ni Andrei. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung paano magreact doon mamaya. Hindi naman kasi ako sociable eh.

Pero.....yung kanina kasi eh!!!!

Urgh!!! Bakit kasi sa school pa nila binalak gumawa ng milagro!!!

My poor virgin eyes!!

"We are here!!"

Excited na sabi ni Andrei at agad siyang bumaba ng kotse pagkaparada nito sa tapat ng isang maganda at malaking bahay.

Well maganda at malaki din bahay namin.

Sumunod naman ako sa pagbaba..........

Mula dito sa gate rinig mo na ang tugtugan sa loob. Hindi ba sila nabibingi sa lagay nayan??

"Uy tra na bes! Let's party!!"

Excited na sabi nito sabay hatak sa akin papasok sa loob.

Pagkadating namin sa sala marami nang mga tao na nag sasayawan at nagkwekwentuhan. Akala ko doon na kami ni bes pero patuloy parin siya sa paghatak sa akin hanggang sa makarating kami sa pool.

At talagang napa nganga ako.

Ang ganda dito sa may pool.
May mga tao narin dito na naliligo. Yung mga babae naka two-piece may iba din na naka one-piece, at yung mga lalaki naman ay naka swim trunks, may iba na nakasuot ng polo at nakabukas ang botones.

"Hi Andrei!!"

Bati sa amin ng isang babae na  naka black two-piece. Sexy siya, maputi at matangkad.

"Hi Dianne!! Ay siya nga pala."

Hinatak ako ni Andrei palapit sa kanya bago ako pinakilala doon sa babae.

Magkakandalasog lasog na ang katawan ko kakahatak ni Andrei eh.

"Dianne meet my bestfriend, Kim Lopez. And Kim meet my sexy classmate, Dianne Ferrer"

Pagpapakilala ni Andrei.

"Hi Kim! Enjoy ka sa party ko ha!"

Sabi nito ng nakangiti. Tumango lang naman ako.

The Bully and a Pregnant Nerd?!  (bxb)(mpreg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon