Chapter 3

1.2K 58 2
                                    

Sorry ngayon lang nakapag update!! Peace po tayo guys XDD

**********************************

Kim's pov:

I locked myself inside the restroom.

Dito ko nilabas ang sama ng loob ko.

Hindi ko nga alintana yung natutuyong putik sa katawan ko eh. At patuloy pa rin sa pag-agos ang luha ko.

Why does he have to be mean to me? What did I ever do to him to do this to me?

Ni hindi ko nga siya kilala, hindi ko naman siya ginagalaw. Nananahimik ako, at siya lang ang gumulo sa akin.

And I hate myself.

Bakit ba natatakot akong labanan sila?

Bakit ba hindi ko kayang ipaglaban ang karapatan ko bilang tao?

' Shh.....wag ka nang umiyak dahil lagi akong nandito para protektahan ka sa mga nambubully sa iyo'

Yeah right........lagi kang nandito....

Pero nasaan ka ngayon!

I hate you............

Nagpatuloy lang ako sa pagdadalamhati ko. And I promise after this hindi na ulit ako iiyak.

Wala akong ibang maaasahan kundi ang sarili ko lang. I have to be strong.

Kaya mo yan Kim!!

.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Bes!! I'm so worried sayo kanina!! Ok ka na ba??"

Nag aalalang tanong ni Andrei.

Nginitian ko siya tsaka tumango.

Kasalukuyang naglalakad kami ngayon palabas ng campus. Kakatapos lang kasi ng klase at ngayon lang ulit kami nagpangita ni Andrei since breaktime kanina. Hindi na nga rin ako nakasabay ng lunch sa kanya eh.

"Naku!! Sumosobra na talaga yang si Tyrson!!"

Nang gigigil na saad nito. Halata nga sa mukha niya ang sobrang panggigigil.

"Hayaan mo na siya.....may araw din siya, at may gabi pa."

"Sa susunod talaga ma bobompal ko na ang damuhong yun eh!! Pasalamat siya mabait pa ako."

"Weaah? Ikaw mabait?"
Pang aasar ko sa kanya, napabusangot naman siya ng mukha. Ahahaha

"Ikaw Kim ha! Kala mo walang nangyari sayo kanina.....ang galing mong manira ng mood eh"
Iritang sabi nito at nagcross-arms pa.

"Ewan ko sayo......ok na ako kaya ookrayin na kita. Ahahaha"

Sabi ko na mas lalo niyang kinabusangot. Nakanguso pa ang loka.

"Oy. Wag kang magganyan."
Suway ko sa kanya.

"Eh? Bakit ba?"
Tanong niya at patuloy lang sa pagnguso.

Cute si Andrei, pero di ko siya type.......hindi kami talo noh!!!

"Mukha kang cross breed"

"Huh? Bakit naman?"

Nagtatakang tanong nito.

"Itsurang palaka ka na nga, naka duck face ka pa. Anu ka cross breed?"

Halos natatawang banat ko dito.

"Waaaaaaahh you're so mean!!! Mukhang ikaw pa ang mas bully kesa sa mga nambubully sayo eh!!"

The Bully and a Pregnant Nerd?!  (bxb)(mpreg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon