Things 1

38 2 0
                                        

Masyado ata itong cliche na story kaya don't expect na super ganda nito . Hahaha . May pinagbabase kasi ako kaya I can't go out of the box dito sa story na ito . Pero siguro pag asa ending na makakalabas ako sa box . =)

Dedicated to . @lostgirlineverland

Hart! Hart! Friend . Hahaha .

--

“ZEKE!”

“Ano ba yang sinisigaw-sigaw mo ? Problema mo ?” Sigaw niya pabalik saakin . Alam mo yung makulit ? Siya yun eh! ALAM MO YUN ?

“Zeke , alam mo friend . Kung gusto mo yayain si Liana . Yayain mo! Hindi yung para kang ewan kakaunga ng unga kung ano ang problema mo! STAND UP! Be a man!” Sabay hampas ko sa kanya . Medyo mahina naman .

Nakakainis kasi alam mo yun ? Hingi ng hingi ng advice tas hindi nakikinig ? Pwede bang ipatapon ko na lang ito palabas ng Milky Way ?

“IKAW! Wala kang respeto ha . Manghahampas ka sa mas matanda sayo .” Pagbigyan last year na kasi siya sa school namin at gragraduate na siya samantalang ako 3rd year high school . Kaya yun . Hahaha sinusulit ko na .

“Heh! Ewan! Ui Andyan na siya .” Sabi ko ng pabulong kasi andyan na si Liana . Crush niya at ako daw ang magiging tulay . You know . Close friend kami not totally close na close per close kami .

“Ui! Shiyo! Puntahan mo na .” Bulong niya sabay tulak saakin . Child abuse to .

“Oo na ayan na .” Sabi ko sabay alis ng padabog .

Ganda ng Gawain ko noh ? Parang messenger na wala namang bayad . Dapat meron bayad ito . Pero parang tulay , pero ang masakit sa pagiging tulay ? Alam mo lahat ng nararamdaman nila sa isa’t-isa pero sila ni hindi man lang nila alam kuyng ano yung nararamdaman mo . Yung feeling na gamit lang ang turing nila sayo .

Oo , tama kayo ng basa , may gusto ako kay Zeke  , siya naman gusto si Liana . Si Liana ? Gusto rin niya si Zeke . Ayoko ng kumontra . Love story nila toh eh ni hindi nga ako bida nito .

At lease close kami ni Zeke . Pero maakit . Pero close kami! UGH!

“Liana!” Tawag ko sa kanya . Humarap naman siya sabay sabi ng “Ui! Shiyo! Bakit ?”

“Paanp mo ba gustong yayain ka sa prom ?” Tanong ko agad-agad .

“Huh ?” Patuloy lang kami sa paglalakad tsaka umupo sa parang puno na maliit na may malaking bato na nakaikot . Tawag namin batibot . Hahaha . “Sino naman yung magyayaya ?”

“Wala lang! Hahaha . Masama bang magtanong ?”

“Hindi naman . Oh well kahit ano pwede basta wag lang nakakahiya noh! Grabe naman yun ?”

“Tulad ng ?”

“Uhmmm . Basta ayoko ng super paghahanda yung feeling magiging special ka talaga . Tapos sabay marami pang tao ayoko nun .”

“Bakit naman ? Ayaw mo nun ? Mas masaya ?”

“Hahaha ano ka ba . Gusto ko simple lang . Tabihan lang ako sabay sabi ng Pwede ka ba maging prom date ayos lang . Ayoko ng magarbo alam mo yun . Nakakahiya . Tapos ayawan ko . Edi siya din nakakahiya .”

Kaya naman pala madaming nagkakagusto dito . Matalino na , mganda na at pabait pa . Shems . Nung nagpaulan ng mga yan , andun ako sa bahay nagbabasa ng wattpad . Hahaha .

“Hahaha!” Tawa ko . “Syempre naman . Sino ba namang may gustong mapahiya diba ?”

“Pero seryoso . Gusto ko simple lang ayos na .” Sabi niya ng parang may malungkot na tono .

“Oh! Bakit parang malungkot ka ? May problema ka ba ?”

“Kasi alam mo ba umaasa pa rin ako .”

“Na ?”

“Na yayain ako ni Zeke! Alam mo yun ? Nung November ko pa siya gusto up until now .”

Kung alam mo lang Liana! Kung alam mo lang gustong –gusto kang yayain nun .

Pero alam mo yun ? Masakit eh . May gusto sila sa isa’t-isa . Pero ano Ako ng dakilang epal sa love story nila . Dakilang masokista .

“Ah yun ba yun ?” Umiwas ako ng tingin sabay tingin sa langi . “Malay mo yayain ka nun diba ?”

“Sa tingin mo ? ” Bigla naman siyang natuwa sa pagchecheer up ko sa kanya .

“Oo naman .” Sabi ko ng may pilit na Ngiti sa aking mga labi .

“Sana nga! Shiyo sige uwi nako!”

“Sige ingat ka .” Kumaway naman siya tsaka umalis .

--

Pagkauwi ko sa bahay chinat ko agad siya at kinwento ko lahat ng pinaguusapan namin ni Liana kay Zeke .  Ang loko naman tuwang-tuwa! May naisip na daw siya , kaya ayun nagbabaye na muna siya para makagawa ng dapat niyag gagawin .

Ang swerte ni Liana noh ? Kung nagkataon eh baka maging sila . Boyfriend material kasi si Zeke , maalaga , mapagmahal , maeffort . Paano ko nalaman yan ? Ganyan kasi siya sa mga kaclose niya , even saakin kaya yung iba namimiss understand at sinasabihang pafall .

Swerte rin naman si Zeke kay Liana . Kasi nasa kanya na ang lahat , maganda , mabait at matalino pa! Ayan! Perfect combination sila . Eh ako anong panlaban ko kay Liana . Wala .

Sa pagdadaydream ko hindi ko napansin na ang dami ko na palang message .

Anne Beverly Santos  . 53

Me : Grabe makapagmessge ah! Wagas lang!

Siya : Sa wakas! Diyos ko! Kala ko kinain ka na ng computer eh!

Me : May inaasikaso kasi ako . Sorry po .

Siya : Oh siya! Kamusta naman paguusap niyo ni Zeke at Liana ?

Si Beveryly ang may alam na gusto ko si Zeke . Kaya kinwento ko sa kanya . Minsan boto siya kay Zeke para saakin , pero minsan hindi . Magulong kaibigan .

Grabe ruin siya minsan . Kala mo siya yung may crush affected na affected . Pero gusto ko siya pranka kasi may point lahat ng sinasabi .

Siya : Oh ano ? Tutulungan mo ba siya sa plano niya ?

Me  : Ewan ko nga eh . =( Ano sa tingin mo ?

Siya : Wow ha! Just wow! Ako pa ngayon ang tinatanong mo ? Bakit ako ba masasaktan kapag ginawa ko yan ? Sinong masasaktan diba ikaw din ? Uso kasi magisip . Masokista ka friend .

Me : Eh kasi dun siya sasaya .

Siya : Shatap! Dun siya masaya ikaw ?  Duhh . Oh siya iniimbitahan na ako ng kama .

Me : Alis ka na agad ?

Siya : Antagal mo kasi magreply diba ?

Me : Hahaha Oo na oo na . BYE!

Siya : “A heartbreak is just a blessing from God to save you from the wrong one .” Possibleng yes , possible rin namang no . Nasa sayo yan kung paano mo gustong paniwalaan . Iba-iba naman kasi ang tingin ng ibang tao sa isang bagay .

Me : Ayos ah! Saan mo pinulot yan .

Siya : Loko! Pinost ko yan kanina sa page na hinahandle ko . Bye na nga!

Me : Okei .

Anne Beverly Santos is Offline .

Ako si Shiyo Ranielle Perez . Tulay , messenger ng taong mahal ko . Ngayon ko lang Narealize na may pagkata*ng* rin pala ako noh . Umaasa na mamahalin ng taong mahal ko pero ako rin pala ang magiging tulay para sa ikasasaya niya .

--

VOTE , COMMENT , & LIKE! THANKS for reading . =)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind Those ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon