~~~~~
"What?ilang beses ko ba kasing sasabihin na hindi nga ako ang naglagay ng mga camerang yun sa cr! As if naman kasi pagnanasaan ko yung mga baklang yun!"
Hindi ko na napigilang sumigaw dahil kanina niya pa ako pinapaamin,at kanina ko pa rin itinatanggi na hindi ako yun.
Wala naman akong paki-alam kung sabihin man nilang wala akong galang dahil sa totoo lang gustong gusto ko nang manakit dahil sa sobrang inis pero hindi ko naman pwedeng gawin iyun dahil alam kong mali iyun at baka lalo ko lang rin itong ikapahamak.
At lalo ko pang ikinaiinis ang ino-offer niyang trabaho sa akin ...
"Miss Mayu,kasama mo ang tatlong babaeng iyun hindi ba? Ibig sabihin lang niyun ay alam mo ang gagawin nila at kahit sabihin mo mang hindi ikaw ang naglagay ay damay ka pa din dahil kasabwat ka pa rin nila "
"Pero ma'am -..."
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pinutol niya agad ako...
"Pero hindi ba hindi lang din ito ang unang beses na nahuli ka namin,sa pagkakatanda ko ay sobra 20× na ito, hindi ba?"
Hindi ko na alam ang isasagot ko dahil sa totoo lang ay tama naman talaga ang mga sinabi niya napayuko nalang ako dahil nahihiya na din ako..
"I'm sorry po kung nakakaabala na talaga ang ginagawa ng mga kaibigan ko,hindi na po talaga ito mauulit, promise po,just please wag nyo lang akong ipapakulong"
Nanlulumo na ako nang sabihin ko iyan,takot akong makulong dahil kapag nalaman ito ng papa ko ay malalagot nanaman ako.
"Kaya nga I'm making a deal with you,kapag pumayag ka hindi na kami magsasampa ng kaso sa iyo at pati na rin sa mga kaibigan mo"
"Alam niyo na po kung sino sila? "
Gulat na gulat kong tanong.
"Yes miss Mayu,alam ko na, malawak ang connection ko kaya kahit tumakbo ka pa ngayon ay wala ka na ring magagawa, "
Hindi pa ako nakakapag-react sa sinasabi niya ay nagsalita nanaman siya ..
"Kapag pumayag ka papalampasin namin lahat ng ginawa ninyo,so please pumayag ka na ikaw lang pwede kong pagkatiwalaan"
"At.paanu.nyo.naman.po.nasabing.ako.lang? "
Mabagal kong tanong sa kanya,dahil takang taka na talaga ako kung bakit sa dami ng taong gustong gawin yun ay ako pa ang gusto nya samantalang hindi naman ako fan pero lalo pa akong nagtaka dahil ngumiti lang siya imbis na mainis sa itinanong ko.
"Dahil ikaw lang ang kaisa isang babaeng nakakatagpo ko na walang interes sa kanila,kaya naisip ko na kapag ikaw ang nakasama nila sa bakasyon nila ay magiging komportable sila"
Nagtataka pa rin akong nakatitig sa kanya kaya siguro nagsalita siya ulit na lalo lang nagpagulo sa isipan ko.
"Magiging komportable saiyo ang buong miyembro ng EXO dahil kahit may maggawa man silang mali ay hindi mo sila huhusgahan ....
....dahil kakaiba ka sa lahat ng babae"
~~~~
BINABASA MO ANG
The Twist of the Star [EXO_HZTao]
FanfictionWhen the star twist your ordinary life into an extraordinary.