~ Chapter 1 ~~

31 0 2
                                    

  Mayu POV

"Kuya Guard naman eh!ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi nga ako yung naglagay ng camera dun sa cr nuh! Kaya pwede ba paalisin nyo na ako"

Kanina pa ako nagpapaliwanag sa mga ugok na to pero parang wala lang silang naririnig.Hinahayaan lang nila akong sumigaw pero kapag tatayo naman ako ay agad silang tumitingin ng masama sakin kaya agad din akong napapa-upo sa upuang inilaan nila para sakin.

Ibato ko to sa kanila eh.Tss.

"tsk nakakainis naman kasi ey! Sinabi na nga kasing hindi ako ang naglagay nun!Sino ba namang tangang babae ang maglalagay ng camera sa cr ng boy's diba?!"

Pasigaw na bulong ko nalang sa sarili ko dahil sa sobrang pagkainis,pero agad ko ring naisip na mga kaibigan ko pala ang mga tangang yun,oo kaibigan ko sila at nagpauto nanaman ako sa kanila na samahan sila at ipagdrive.Ayos lang naman sa akin na ipagdrive sila ang kaso lagi namab nila akong pinipilit na samahan nalang sila sa ginagawa nila para daw masaya at ako namang si uto-uto ay sumasa dahil sa totoo lang magaling silang mang-uto.

Tumingin tingin ako sa paligid at baka sakaling makita ko sila pero ni isa sa anino o ulo man lang nila ay wala akong nakita.Tss.

'Parang di ka pa nasanay'

Tila atomatikong naisambit sa akin yan ng Konsensiya ko,oo nga naman parang di pa ako nasanay ganito naman lagi hihilain nila ako pero kapag nahuhuli ako ay bigla nalang silang mawawalang parang bula at kapag pinapakawalan na ako ay bigla nalang silang sumusulpot,bakit ba kasi napakabagal kong tumakbo at napakamahingalin pa kaya ako tong laging nahuhuli kahit na ako tong walang ginagawa.

"Alam mo bata,alam naman naming hindi ikaw yun pero mga kasama mo yung mga yun diba? Kaya damay ka pa rin,ngayon sabihin mo na kasi kung sino sino yung mga kasabwat mo dali"

Sabi sa akin nung uhuging guard at saka niya inilabas yung ballpen at maliit nyang notebook.

Tinitignan ko lang siya at hindi sinasagot kaya tila nagsawa na rin siya at ibinalik nalang sa maliit niyang bulsa sa harapan niya ang ballpen at notebook niya sabay talikod sa akin at bumalik na siya sa pwesto niya pero bago yun ay narinig ko pa aiyang bumulong.

"Tsk tsk,mga kabataan ngayon"

Halatang inis siya ng ibulong niya yan.

Hindi ako nagsalita hindi dahil sa wala akong masabi kundi dahil ayaw ko na silang madamay pa,kasalanan ko rin naman kasi kung bakit ako nahuli,kung hindi kasi ako kukupad kupad ede sana nakauwi na ako ngayon at natutulog o kaya naman ay nagbabasa.

Tss.Namimiss ko yung kama ko.

Naisabunot ko nalang yung kamay ko sa buhok ko dahil sa pagkainis.Hindi ko kasi talaga alam ang gagawin nila sa akin,dati naman kasi pagkatapos nila akong pagsabihan ay pinapaalis na agad nila ako pero ngayon ay halos tatlong oras na akong naka-upo lang dito kaya kinakabahan talaga ako dahil baka ipakulong na talaga nila ako.

Shet.Shet.Shet.Hindi pwede yun.

Ipinikit ko nalang ang mata ko.Pero iminulat ko rin agad dahil may narinig akong pamilyar na boses ng isang babae.

"Where is she?"

Napatingin ako sa pinanggagalingan ng boses at hindi nga ako nagkamali dahil siya yung babaeng may salamin na kapag nahuhuli ako ay pinagsasabihan lang ako at pagkatapos ay papauwiin rin agad ako,kung hindi ako nagkakamali ay Miss Hayui ang tawag sa kanya.

May kasama siyang isa pang babae at tatlong lalaki na sa tingin ko ay security staff dahil sa suot nilang black suit at maliit na headset sa kanang tenga nila,nagtataka talaga ako kung bakit kailangan pa nilang magsuot ng ganun kapormal samantalang babantayan lang naman nila yung mga baklang yun at dudumugin lang naman sila ng mga baklang yun kaya masasayang lang din yang porma nilang yan.

Teka nga,bakit may kasama pa siyang security ngayon?

Hindi naman ako kriminal nuh.Tss.

Napansin kong itinuro ako nung uhuging guard at agad namang lumapit yung babaeng nakasalamin sa akin at sumunod sa kanya ang iba pa. Baka ipapahuli na niya ako at ipapakulong kaya may mga kasama siyang security.

Ohmy.Wag naman po.Aish.

"Miss?" nagitla ako nung narinig ko yung boses ng babae kaya napatayo ako.

"ah ..eh?" Iyan lang ang naisagot ko sa babaeng nasa harapan ko ngayon sa sobrang kaba at gulat,kaba dahil baka kung anong gawin nila sa akin at gulat dahil hindi ko napansing nakalapit na pala sila sa akin.

"Follow me"

Mautoridad na pahayag ng babae sa akin bago siya naglakad pero nananatili lang akong nakaupo.

Nagulat nanaman ako ng hawakan ako sa braso ng isa sa mga security staff pero agad din niyang binitawan dahil kahit siya rin ata nagulat sa naging reaksyon ko.

Tss.Uso gulatan.

"I'm sorry,inaalalayan lang naman kita"

Tumango nalang sa kanya,pati na rin sa mga kasama niya at saka ako sumunod sa babaeng nakasalamin.

Medyo malayo layo na rin ang nalakad namin at sa tingin ko ay bandang dulo na ang silid na papasukan namin.Hindi nga ako nagkamali dahil dulo na nga talaga ang pinasukang silid ng babaeng nakasalaming sinusundan ko.

Napatigil ako sa harap ng pintong yun dahil kinakabahan talaga ako baka pagbukas ko kasi ng pintong to ay may hindi nanamang magandang mangyari.

"Miss,pumasok na po kayo"

Sabi ng isang security staff habang ipinagbubukas niya ako ng pinto,siya rin yung umalalay sa akin kanina.

Tumango nalang ako at pumasok na.

The Twist of the Star [EXO_HZTao]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon