~~~~
Tulala ako habang naglalakad papasok sa st. kung saan ako nakatira,hindi ko pa rin kasi alam kung papayag ba ako sa gusto niyang mangyari,makakasama ko ang buong grupo ng EXO sa loob ng isa't-kalahating buwan.Dahil gusto daw diumano ng buong grupo na magbakasyon sa isang isla na sila sila lang ayaw pa nga daw nila ng kasama pero buti nalang daw at napapayag nya ang mga ito.
Kailangan daw kasi nila ng makakasama na kahit isa lang upang mangalaga sa kanila,tinanong ko din siya kung bakit hindi nalang isa sa mga staff tutal trabaho naman nila yun pero ang sabi niya ay isa din daw ito sa mga hiling ng EXO,na pati ang mga staff ay makapag pahinga kahit sandaling panahon lang.
Tinanong ko rin nga siya kung bakit ako pa pero paulit-ulit lang din ang sagot niya na kesyo daw kakaiba ako.Exotic lang?! Tss.
~~~~
Pag dating ko sa tapat ng apartment ko ay nakabukas ang ilaw.Maggagabi na rin kasi akong nakauwi kaya medyo madilim na,malamang ay nandiyan pa rin ang mga kaibigan ko at siguradong hinihintay pa rin ako.
Pag-ikot ko palang ng door knob ay nakarining na agad ako ng kalabog,medyo napangiti ako dahil sigurado akong nag-uunahan na iyong mga iyon na magtago.
Kaya pag-pasok ko pa lang sa pinto ay nagsalita na agad ako.
"Hindi ako galit,kaya lumabas na kayo jan,matutulog na ako kaya kung pwede pakilinis yung mga kalat nyo"
Akmang aakyat na ako ng hagdan ng nagsalita ang isa sa kanila,si Tara Yui ang pinaka-pasimuno sa kanilang tatlo sa lahat ng kalokohan.
"Teka lang,talaga bang hindi ka galit dahil iniwan ka namin?Okay ka lang ba?"
Hindi ko pa nga nasasagot ang tanong niya ay nag-ingay naman si Javel Lee at Hyolyn Soo ang dalawa sa tanging tatlo kong kaibigan.
"Bakit ang tagal mo?hindi ka ba talaga galit?may ginawa ba silang masama sayo?Okay ka lang ba?"
Sunod-sunod na tanong ni Hyolyn sa akin ang pinakamaingay sa kanilang tatlo habang dumadaldal din si Javel pero hindi ko ito maintindihan dahil wikang Chinese nanaman ang ginamit niya half Chinese kasi siya.
"Hahahaha. I'm Okay, hindi nga kasi ako galit,matutulog na ako.Goodnight"
Natatawa nalang ako sa mga itsira nila habang naglalakad ulit ako paakyat ng hagdan.
"Hindi ka naman siguro nila ipapakulong diba?"
Nagpasalamat ako dahil sa wakas ay nagsalita na rin ng matino si Javel pero parang nainis rin ako sa tanong niya,naalala ko nanaman kasi ang mga nangyari kanina pero hindi ko naman sila pwedeng sisihin kaya naka-isip ako ng paraan para makaganti sa kanila ...
"Oo makukulong ako, kaya please linisin nyo na yung kalat nyo bago kayo umalis ayokong iwanan tong apartment ko ng marumi"
At saka ako nagmadaling pumasok sa kwarto habang palihim akong tumatawa ..Sigurado kasi akong makokonsensiya talaga sila dahil sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
The Twist of the Star [EXO_HZTao]
FanfictionWhen the star twist your ordinary life into an extraordinary.