Loading..

104 7 2
                                    

This Game is only open between 8pm to 5am.. 

Are you Ready to Play the Game? Press Start

Start..

Let's Get started

Username: Gamer0001 

Password: *******

"Kuya! Naglalaro ka na naman ba niyan? Hating gabi na ah" sabi ko,sa iisang kwarto lang kami natutulog ng aking kuya. Nagising ako sa liwanag ng computer ng aking kuya.Naglalaro na naman siguro ng Dota, kung hindi baka Call of Duty.

"Gusto ko lang subukan itong bagong online game na Midnight Terror. Maganda daw eh, kaso masaydo mga duwag yun mga kaibigan ko kaya susubukan ko."

"Kung ganun bakit gantong oras mo linalaro, pwede mo na siguro ilaro yan kelan may araw na. Hirap matulog eh. "

"Eh kasi nga tuwing 8pm to 5am pwede laruin ito."

"Edi ilaro mo sa umaga, tapos ibahin mo na lang ang oras sa may computer mo, para malaro mo. " Ewan ko ba sa kuyang kong ito kung bakit nakahiligan maglaro ng mga online games at ito pa. Tuwing gabi lang rin niya naiisipan ilaro. Jusko kaya palagi akong puyat dahil sa mautak kong kuya eh. =_=

" Ayoko nga, hindi ako duwag. Hindi katulad mo "

"Kuya naman kasi hirap kasi matulog kapag maglalaro ka. "

"Wag ka na matulog, ito panuorin mo na lang ako. Panigurado naman naging bali-balita na rin sa inyo yun laro na ito nu.."

"Anung laro uli yan?"

"Midnight Terror..."

"Oo, may namatay daw pagkatapos laruin yan" Seryoso ako, may namatay talaga. Nakita daw ng magulang nun umaga ang walang kabuhay buhay na anak sa kanyang higaan ang huli bagay lamang ang kanyang ginawa ay ang paglalaro ng laro na Midnight Terror.

"Duwag ka lang eh" asar ng kuya ko.

"Hindi naman" bulyaw ko

"Edi anu pa iniintay mo. Tabi ka dito"

Wala na akong magawa , mahihirapan na rin ako bumalik at matulog. Kaya tumabi na ako sa kuya ko at pinanuod yun laro.

Sa minuto na pinindot ni Kuya ang start botton isang message agad ang lumabas sa screen. Ang nakalagay..

Warning: The Game is not responsible for any coincidental events that may occur to the player.

This Game is completely dangerous. Once you play it there is no turning back. When you start, you MUST END IT. You have three lives, three chances to get rid of THE MIDNIGHT TERROR.

If you try to abort the game after already starting, if you try to cheat, if you try anything that is against the game. The Midnight Terror will come for you and YOU WILL DIE..

If you fail to get rid of the Midnight Terror, then the Midnight Terror will get rid of you.

This is No Joke. If you lose.. You.. will.. Die...

Are you sure you want to Continue..

Nun nabasa ko yun message bigla ako kinalibutan, this seems like a bad idea. Paano kung totoo nga itong Midnight Terror na laro. Pano kung mamatay talaga kami. Nakakatakot. Ngunit ang kuya ko, mabilisan na lang pinindot ang "continue... "

The Online GamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon