🔎 Loading...
💻Level Two
Hindi matanggal sa isip ni George ang babae nakita nila. Bigla na lang ito tumakbo sa loob ng gubat. Hindi nga niya malaman kung, TAO ba ang nakasalubong nila o isang MULTO.Sa mismon idea ng multo ay nakakapagtaas ng balahibo sa may braso ni George.
Nasa may rooftop itong si George, naisipan niyang magskip ng klase. Kailangan niya makapag-isip sa mga nangyayari.
Una, kakamatay lamang ng kanilang kaibigan at con man na si Marco ngunit wala man lang naiwan na bakas. Wala man lang silang idea kung sino ang may sala sa kanyang pagpatay.
Pangalawa, ang babae nakita niya kahapon. Para bang may alam siya, para bang binabatayan sila nito. Alam niya na umaandar na naman ang pagiging paranoid niya pero hindi niya matulungan ang sarili niya.
Paranoid talaga si George , pero yun nga bakit siya ang naging the Brains dun sa grupo nila. Siya kasi ang nakakapagsuspect ng mga bagay bagay na alam niyang di tama.
Kahit kelan hindi siya nagkamali, hindi rin niya hahayaan na magkamali ngayon.
Huminga ng malalim si George at tumingin na lang sa may view sa taas ng rooftop.
Nagulat lang ito ng may dalawang kamay yumakap sa kanya. Ngunit kilalang kilala naman niya kung sino kundi yun kanyan kasintahan.
"Babe, anu ginagawa mo dito??" malambing na sabi ni Dennis habang nakayakap ito sa kanyang likod.
"Kailangan ko lang mag-isip baby eh. " kumalas siya pagkayakap ni Dennis at humarap ito sa kanya.
Hinawakan ni Dennis sa kanan pisngi ang kanyang boyfriend at nagsalita. "Dahil ba sa nangyari kagabi?"
Hindi nakapagsalita si George pero hindi na niya kailangan dahil kitang kita na rin naman sa kaniyang mga mata.
"Babe, I promise it won't ever happen again. Hindi muna tayo gagawa ng krimen hanggang sa may mahanap tayong kapalit sa atin con man na si Marco" sabi niya sabay halik nito sa nuo.
Tumingin si George dito, marahil alam niya hilig na ni Dennis ang kanilang ginagawa. Kinasisiya niya yun, ayaw niyang tanggalin ang kasiyahan ng kanyang kasintahan pero mukhang nakapagdesisyon na rin ata ito kaya hindi na ito nagpumilit pa.
"Pero, ano na gagawin natin habang wala pa yun replacement para kay Marco" tanong ni George sa kanya.
"Ano pa ba, maghahanap na tayo ng bago natin biktima sa walang kwentang paaralan na ito" isang malaking ngiti sa labi ng kaniyang kasintahan.
Alam na alam niya ang ngiti na yun. Alam na alam niya ang ibig niyang sabihin.
"Maghahanap na tayo ng bago natin ibubully dito sa Welligton High"
Ng walang kamalay malay, hindi niya napansin ay nakangiti na rin pala siya.
--
4th day na ng pasok sa may Welligton High.
Halos nakalimutan nila ang insidente , hindi rin masyado nakakabungo ang babaeng nagngangalang Hanna. Baka tama si Dennis na akmang nababaliw lang siguro ang babae at namamatapang lang.
Ito sila sa may cafeteria. Sinabi na ni Dennis na hindi muna sila gagawa ng kung anu man kababalaghan hangga't wala pang kapalit si Marco.
Sa ngayon kikita na lang sila gamit ang pagpupusta sa mga computer shops. Yun tulad ng dati.
Kumakain ang grupo hanggang sa may napansin silang lalake. Maputla an balat nito. Hindi katangkaran at mukhang mahina ang katawan dahil sa liit nito.

BINABASA MO ANG
The Online Gamer
HorrorIlalaro mo pa ba ang laro na ito, kung sa minuto na matalo ka ay mamatay ka na?? Basa na..