Level Three

66 7 1
                                    

"Wilson, sure ka ba sa gusto mo mangyari. " tanong ni Harold sa kababatang kapatid

"Oo, kaya ko na sarili ko. Kuya yun pangako mo. "

"Oo alam ko pero magiingat ka lalo na sa grupo nila--"

Bigla na nagbell kaya itinulak na ni Wilson si Harold palayo dahil nagsilabasan na ang ibang students at tuluyan na naghiwalay ang kanilang landas.

Lunch time na , mag-isa lang si Wilson. Ayaw niya mahalata ng iba na may pagkababae si Wilson.

Oo inaamin niya. May pusong babae siya pero kailangan niya magpakalalake para sa kanyang tatay.

Narinig niya na dito maraming siya makikilala na bully kaya ang plano niya ay magiging matapang siya, dito niya matututo lumaban. Dito niya matuto maging lalake.

Naupo si Wilson sa isang lamesa at dun na siya kumain. Wala kasi nakaupo at mukhang wala naman ata plano umupo.

Hanggang may isang babae na sinigawan siya.

"Hoy ikaw, sino ka ba sa tingin mo para maupo sa lamesa namin ha?"

Hindi umimik si Wilson, nabigla ito sa magandang babae na kaharap niya. May kasama ito apat na lalake na mukhang malalaki rin ang katawan.

Bigla nakaramdam ng takot si Wilson. " Teka do you even know kung sino ako!! Ha?"

Sabi ng babae na dala dala ang kanyang tray of food.

Kinuha na ni Wilson ang lahat ng kanyang katapangan para sumagot.

"Bakit? Sino ka ba? Bakit sayo ba itong lamesa na ito?"

"Aba-aba ikaw pala ang palaban type ? Well ako si Dennis at kayang kaya ko gawin impyerno ang buhay mo dito. Kaya umalis ka na sa lamesa namin!" Inis na inis na sabi ni Dennis at natawa na lang ang kasama niya mga lalake at tinitigan na lang rin ito ng masama.

"I was here first." Sabi ni Wilson ngunit paunti unti na nawawala ang kanyang tapang dahil dumadami na ang nakatingin sa kanila.

"Kung ganun edi ito para sayo" ikunuha ni Dennis yun can of coke na nasa kanyang tray at ibinuhos kay Wilson. Nang hindi sinasadya napatili si Wilson. Creating a huge reaction from the crowd.

Napahalakhak ang grupo nila Dennis. Nagmamatapang itong lalake na ito eh bakla naman pala.

"Sh*t bakla pala yun Puta!" Sabi ni George.

"Hindi ako bakla!" Pagtatanggi pa ni Wilson.

"Edi ayun kani-kanina? Patili-tili pa? Gayshit!" Sabi ni Rennuel.

Lumakas pa ang pagtawa ng grupo at sumunod na rin ang pagawa ng mga nakikinuod.

"Ayan ang napapala sa mga bumabangga sa grupo namin. Take note. Hindi pa dito nagsisimula ang pagiging impyerno ng buhay mo! Nagsisimula pa lang kami!"

Basang basa si Wilson sobra siya nahihiya. Hindi niya alam gagawin niya. Alam na agad ng lahat ang kanyan tinatago. Gusto pumatak ang luha niya kaya tumakbo na lang ito para wala makakita sa kanya.

"Bakla! Bakla! Bakla!" Tuloy na pagsigaw ng grupo hanggang sa tuluyan na nawala si Wilson.

Umakyat sa rooftop at dun na niya inilabas ang sakit. Ang labis na kahihiyan. Dun na niya pinalabas ang mga luha na kanina pa niya tinatago.

Naalala niya ang sinabi ng kanyang ama na kahit kelan hindi siya matatangap. Ngayon nararamdaman niya. Nararamdaman niya na hindi rin siya tanggap dito.

Akala niya makakaya niya sa highschool na ito. Hindi pala, pinagsisihan na niya itong desisyon niya pero kailangan niya.

Kailangan niyang kayanin. Unang araw pa lang. Bawal na siya lumipat, this is his last chance para tanggapin uli siya ng ama niya.

Sunod sunod ang pagpatak ng kanyang luha. Hanggang sa may marinig siyang boses ng isang babae.

"Pagpasesnyahan mo na." Napalingon si Wilson sa direksyon ng kung san nangagaling ang boses.

May nakakita siya ng isang babae. Maputi ang kanyang balat. May maitim na buhok na tinatakpan ang kanan niyang mata.

Nagulat si Wilson at napahisterical! "Ah! Sino ka!!"

"Ako si...

Ako si Ruvina..Isa rin sa binully nila Dennis. "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Online GamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon