Two

12 0 0
                                    

Leche

Endriga

Oh my gosh! Ang lalaking gwapong ito pala ang bumili sa bahay namin. Hmmm. Pag may pera lang ako, bibilhin ko talaga pabalik ang bahay namin.

Mabilis ang paglakad ko para makakain na sa bahay. Ang Endriga naman na ito ay pinapahinay niya ang kanyang motor. Nagpasya akong doon muna sa likod ng motor niya maglakad kasi nakasilong ito. Kumuha ako ng sliced bread at kumain habang naglalakad. Gutom na gutom na ako e.

Ang sarap! Kaya kumuha na naman ako ng isa pa sa cellophane na hawak-hawak ko sa kabilang kamay ko. Nang pagkagat ko sa sliced bread ay siyang nagpahuromentado sa motor niya. Shit. Ang nangyari ay napagtaponan ako ng mga usok na itim, pati ang sliced bread ko. Wtf

"Hoy!" Sigaw ko sakanya ng pagalit.

Hindi siya lumingon kaya mas lalo lang akong nagalit. Shutang inerns. Pisteng lalaki iyon ah! Gwapo nga pero wala namang modo. Leche.

Huminto siya sa basketball court at nagpatuloy naman ako patungo sa bahay. Nilingon ko pa siya na nakatingin na saakin at kagat-kagat ang labi. Ngumiti pa siya saakin at nag wave. Leche nakakainis! Inirapan ko ang gago at inirolyo ko ang mga mata ko sakanya. Peste siya!

"Oh? Anyare sayo? Ba't bad trip iyang mukha mo?" Salubong saakin ni Zero. Naka topless lang ito at naka jersey shorts.

"Wala ka na don."

Inirapan lang ako ng ugok at dumiretso na ako sa bahay. Inilagay ko sa ref ang mga pagkain at nagsimula na akong pumapak ng mga chichirya. Inagaw ni Zero ang kinain ko kaya makakatikim talaga siya saakin.

"MAAAAAAAAAAA!"

"Oh eto na, binibiro lang naman e." Sabay halakhak ni Zero.

Natapos ang araw ko sa panonood lang ng TV at sa pag u-update ng mga kaibigan ko sa bagong tinitirhan namin. Kwinento ko pa nga sakanila iyong Endriga e. Kinilig sila ngunit ako naman ay umuusok na sa galit. Humanda lang talaga saakin ang lalaking iyon!

Chelsea:

Diyan ka na ba mag-aaral? Nakakalungkot naman kung ganoon.

Ako:

Oo dito na nga, nakakalungkot pero wala na akong choice e.

Iniligpit ko na din ang phone ko dahil inaantok na din ako. Well, this day sucks! Hindi dahil sa pagtira namin dito, dahil sa ginawa ng lalaking iyon. Leche talaga siya!

Napatigil ako sa pag-iisip ko ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Pasok."

Si Mama iyong kumatok at agad na umupo sa kama ko.

"Nagustuhan mo ba dito anak?" Tanong niya ng nakangiti. Ang ganda talaga ni Mama, hindi nakakagulat na maganda din ako.

Tumango lang ako dahil hindi ko naman masyadong nagustuhan dito. E ayaw ko namang sabihin na 'hindi'.

"Okay. Pero last enrollment na daw bukas sa high school dito. Gusto mo samahan kita?" Tanong ni mama at tumayo na.

"Hindi na po. I can handle it."

Tumango lang si Mama at lumabas na ng kwarto. Inisip ko kung ano ang magiging kalagayan ko sa pasukan. Tiyak na madami akong maging kaibigan doon, friendly naman ako. Gusto kung maging maganda ang first day of school ko dito. I laugh and giggle at my own thought.

How it all beganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon