One

20 0 0
                                    


Endriga

"Zonia! Aba't bilisan mo diyan at paalis na kami." Sigaw ni Mama.

"Opo andiyan na."

Dali- dali akong bumaba sa engrande naming hagdanan na iiwan na namin. Haaaay! Kung pwede lang talagang hindi umalis at lumipat ng bahay. Nakaka- miss din itong bahay na ito. Sayang nga lang at hindi na namin ito pwedeng matirhan kasi may bibili na.

Naka high waisted maong shorts ako at black fitted long sleeves, naka bun din ako. Kinuha nang mga katulong namin ang mga luggage ko at pinasok na ito sa sasakyan. Kinuha din nila ang mga karton kung saan nandoon ang mga kabinet ko. Sumakay na din ako sa likod nang SUV naming Fortuner.

"Doon ka sa front seat!" Sigaw ng leche kung kapatid.

Naka earphones sila nang isa ko pang kapatid nasa isang tenga niya ang isang earphone at nasa isa naman ang kabila. Sa pagkaka- alam ko ay nanonood sila ng porn. Nakakadiri!

"Ang mga baboy niyo! Susumbong ko kayo kay Papa!"

Hindi naman nila ako pinakinggan kaya itinuloy ko ang balak ko. Pumunta ako sa likod kung saan busy si Papa sa pagtulong sa mga karton para magkasya sa truck. Si Mama naman abala pa sa pag- uusap ng mga kasambahay naming mawawalan na ng trabaho.

"Papa si Zero at Zach may kabastusang pinanood!" Sigaw ko at wala akong paki kung makarinig man ang ibang tao.

Lumingon naman si Papa at agad na umiling "Boys will be boys dear." Aniya at papunta na sa kotse at pumasok na din sa driver's seat. "E hindi mo naman ba nakita o narinig ang pinapanood nila?" Umiling ako, nilingon niya ang dalawa na concentrate sa panonood at tumatawa pa. "Itigil niyo na yan!" Utas ni Papa.

Agad naman nilang en-off ang iPad at tinignan ako ng masama. Inirapan ko na lang sila at nakinig nalang ng music. Sumakay na din si Mama at agad na kaming umalis at pumunta na sa bago naming bahay.

Umalis kami dahil hindi na masyadong malaki ang kita nila Papa at Mama sa negosyo namin. Hindi naman kami as in super lulubog na sa hirap pero medyo hindi na namin kaya ang expenses sa luma naming bahay. Malaki kasi iyon at may pool pa, mahal na ang tubig at kuryente kaya naisipan namin na lumipat sa bahay na hindi masyadong malaki. Iyong sakto lang naman.

Matagal-tagal ang byahe kaya nakatulog ako.

Pagbukas ko ng mga mata ko ay mga puno agad ang bumugad saakin. Nakasakay pa naman ako sa sasakyan pero ibang klase ang view. Ang layu na nga dito kasi parang nagfo-fog pa ang kalsada sa lamig. Agad kung inilabas ang iPhone ko at kumuha ng mga pictures.

"Honey naka-usap mo na ba ang mga Endriga?" Tanong ni Papa.

"Oo, sabi nila pirma na lang daw natin ang kulang at makukuha na nila ang bahay. Bukas pupunta tayo sa office at pirmahan ang mga iyon." Sagot naman ni Mama.

So mga Endriga pala ang bumili sa bahay namin. Ang swerte naman nila dahil bahay pa namin ang nabili nila. Kaya dapat na alagaan nila iyon! Tsaka maswerte iyong magiging kwarto ang dating kwarto ko noh! Maayos ang painting non at ang pagka-ayos, pati banyo ay maayos ang pagkagawa.

Nilingon ko iyong dalawa at nakitang tulog na tulog sila dahil sa byahe. Nakatulo pa ang laway ni Zach at ang panget panget niyang tignan kaya napag-isipan kung kuhanan sila ng picture. Pang blackmail ko na lang ito kung sakaling may gawin silang hindi maganda sakain bwahahaha!

Ibinalik ko ang tanawin sa paligid. Nakita ko ang sign sa itaas na WELCOME TO SAN FERNANDO. Isang malawak na kalsada ang nakita ko. Pinagmasdan ko ang paligid at kumuha naman ako ng ilang picture para sa Instagram ko. Ang ganda naman pala dito!

How it all beganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon