6th Mess

29.9K 371 9
                                    

Note: Change of sched. Will now update on weekends only. Thank you.

***

First Hookup: Three months ago

WHEN did they start sleeping with each other?

Tumaas ang kilay ni Erica nang pagbukas niya ng pinto ay sumalubong sa kanya ang guwapong-guwapo na si Josh. Ayaw man niya, mabilis bumaba ang kanyang tingin sa katawan nito dahil, well, masyado iyong malaki para hindi pansinin.

He wore a white button-down shirt, denim pants, and sneakers. Argh, it was a messy mix and match of wardrobe, but for some miracle—which had probably something to do with his oozing hotness and gorgeous body—he pulled it off like the professional model that he was.

Pero kung si Erica ang tatanungin, kahit sino pang fashion expert ay siguradong makakalimutan na ang tungkol sa suot ni Josh, lalo na't nakabukas ang ilang butones ng polo nito dahilan para sumilip ang malapad na dibdib ng lalaki na parang ang sarap-sarap hawakan. O puwede ring dilaan. And with how tight his jeans were, she had an idea how huge his cock was, considering that the little guy down there was deflated and yet it was accentuated in a way that told women he had an impressive package just waiting to be unzipped.

Tumikhim si Josh na parang kinukuha ang atensiyon niya. "Puwede bang pumasok muna sa loob bago mo 'ko hubaran sa isip mo? Puwede naman kitang bigyan ng live show, eh. Libre pa."

Ipinaikot lang ni Erica ang mga mata. Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto, pagkatapos ay nauna nang pumasok sa loob ng condo niya. Dumeretso siya sa kusina para ipaghanda ng makakain at maiinom si Josh. "Bakit hindi ka nagsabing bibisita ka? Akala ko, may party kayong pupuntahan ng mga kaibigan mo ngayon?"

Narinig niyang sumara ang pinto bago sumunod si Josh sa kanya sa kusina. "Wow. Parang nakakapagtampo naman yata na nakalimutan mong birthday ko ngayon."

Natigilan si Erica sa paglalabas ng mga bote ng beer mula sa ref at nanlalaki ang mga matang binalingan si Josh na nakasandal sa hamba ng pinto habang nakahalukipkip. Nakasimangot ito. "Oh, my God! I'm so sorry, Josh!" Ibinibaba niya sa kitchen island ang mga bote para lumapit sa binata. Tumingkayad siya at hinalikan ito sa pisngi. "Happy twenty-fifth birthday, Joselito Duran!"

Nanatiling nakakunot ang noo ni Josh habang binibigyan siya ng kakaibang tingin. "Ano ba'ng nangyayari sa 'yo, Eri? Ilang buwan na kitang hindi nakakausap nang matino, ha. Tuwing nagkikita naman tayo, parati kang nagmamadali."

"You're welcome," sarkastikong sabi ni Erica, saka niya tinalikuran si Josh para balikan ang mga bote ng beer. May iba't ibang alak siya gaya ng red wine at champagne, pero alam niya kung ano ang paborito ng binata. "And I'm fine, thank you."

"'Kala mo naman makakapagsinungaling ka sa 'kin."

Hindi na lang pinansin ni Erica si Josh. Nilagpasan niya ito bitbit ang apat na bote ng beer. "Instead of talking about me, let's just celebrate your birthday, big guy." Pagdating sa sala, ibinaba niya ang mga bote sa ibabaw ng coffee table. Pagkatapos ay umupo siya sa couch at tinapik ang espasyo sa kanyang tabi. "Sit with me."

Tumalima naman si Josh. Then he did the most amazing thing ever: he rolled his sleeves up to his elbows in the manliest and sexiest way possible.

Nakagat ni Erica ang mga labi habang pinapanood si Josh na buksan ang dalawang bote ng beer gamit ang tansan ng isa sa mabilis at halatang praktisado nang paraan. She couldn't take her eyes off his sexy and powerful forearms. Gah, men really became hotter when they rolled up their sleeves like that. Dapat gawin nang batas iyon, o ideklara bilang natural treasure.

Iniabot ni Josh sa kanya ang isang bote ng beer na bukas na. "Eri, kapag nalasing ka ba, magsasabi ka na sa 'kin ng totoo?"

Iniangat ni Erica ang mga binti sa couch bago kinuha ang bote ng alak mula kay Josh. "Bakit ba ganyan ka kaintresado sa buhay ko?"

Something Messy (R18/SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon