7th Mess

25.4K 292 4
                                    

First Hookup: Three months ago  

MULA nang makilala ni Erica si Josh sa club kung saan niya ito "in-order," hindi na naputol ang komunikasyon nila.

Nang mangailangan kasi ng bagong modelo ang women's magazine ng kompanya nila, inirekomenda niya si Josh. Kailangan lang naman ng "back up" para sa main model, kaya madaling nakuha ang binata. At iyon na nga ang naging simula ng pagdating ng mas marami pang oportunidad sa buhay nito na naging susi para makaalis ito sa pagiging call boy.

Sa tatlong taong lumipas, naging magkaibigan sila ni Josh. Hindi niya sasabihing mag-best friend sila dahil ayaw niyang bumagsak sa cliché ng magkaibigang may itinatagong pagtingin—o pagnanasa—para sa isa't isa. Pero aaminin niya na kahit mas bata sa kanya nang tatlong taon si Josh, ito ang naging security blanket niya sa mga lumipas na taon. So siguro, iyon nga ang papel nito sa buhay niya. Ayaw niya lang lagyan ng common label.

Hindi nakakalimutan ni Erica na tuwing nag-aaway sila ni Jeff ay si Josh ang parating dumaramay sa kanya. Well, gaya nga ng madalas sabihin ng binata, madalas siyang "akitin" nito kapag malungkot siya, dahil ayon kay Josh, gusto lang nitong pasayahin ang taong nagpabago ng buhay nito. Siya raw iyon. Pero siyempre, tinatanggihan niya noon ang lalaki.

Ang gusto ni Erica kay Josh, hindi nito pinipilit ang sarili sa kanya. Isa itong malaking flirt at dakilang mang-aakit, pero isang "Hindi" o "Stop" niya lang, mabilis namang humihinto ang binata at bumabalik isa pagiging platonic na kaibigan. Kahit na maglasing sila nang magkasama, hindi siya tinatangkang gawan ng masama ni Josh sa kabila ng nararamdamang pagnanasa sa kanya. Oo, alam naman ni Erica na may malaking sexual tension sa pagitan nila noon pa man. Pinipigilan niya lang dahil may boyfriend siya.

Pero aaminin niyang may mga gabi na naiisip niya kung ano ba ang pakiramdam ng may makasamang lalaki uli sa kama. Na may iba namang papasok sa loob niya maliban sa mga daliri at laruan. Sa mga pagkakataong iyon, si Josh ang naiisip ni Erica na magpapaligaya sa kanya. Pagkatapos, mararating na niya ang rurok.

She felt dirty whenever she did that, but she didn't regret it. She got the best orgasms in her life from imagining Josh as her lover anyway.

Naisip ni Erica na siguro, sa ibang paraan ay nagtaksil din siya kay Jeff. Ang kaibahan lang siguro, sa isip niya lang ginawa ang mga bagay na ginawa ng dating kasintahan sa ibang babae. At baka matagal nang natapos ang relasyon nila, pareho lang nilang ayaw aminin. Kaya ang resulta, kinailangan pa nilang magkasakitan bago tanggapin ang katotohanan.

Ramdam naman ni Erica na matagal nang nawala ang "sparks" nila ni Jeff. Sa palagay nga niya, ang pagtatalik na lang ang nag-uugnay sa kanila. Pansin naman niya dahil tuwing magkasama sa mga bihirang pagkakataon, hindi na sila nag-uusap masyado. Maliban na lang sa mga dirty talk nila kapag nagsisiping sila. Pero ang mga malalim na pag-uusap tungkol sa kanya-kanyang buhay ay unti-unti nang nawala hanggang sa nasanay na sila sa katahimikan. Oo, umabot na sila sa puntong dumarating ang ilang linggo na hindi sila magka-chat o magkausap sa telepono.

Kaya ngayon, madali nang napakawalan ni Erica ang walong taon nila ni Jeff. Kung may natitira man sa kanya, malaking panghihinayang iyon. Sayang naman kasi talaga.

Naputol ang pagmumuni-muni ni Erica nang maramdaman ang paghigpit ng yakap ni Josh sa kanya. Lalo siyang sumiksik sa tabi nito dahil wala rin namang silbi ang subukan pang kumawala sa mga bisig ng lalaki. His biceps were probably bigger than her waist, no joke. Pero ang nakakamangha roon? He still held her in his arms in the gentlest way. "Josh, do you think I'm dirty for sleeping with you just three months after I broke up with my ex? Idagdag pa na kahit noong kami pa ni Jeff, there were times I got myself off thinking about doing the very thing we did last night," pagtatapat niya rito.

Something Messy (R18/SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon