4th Mess

29.9K 394 2
                                    

Present

"WHY DID that Kara girl break up with you again?" hindi makapaniwalang tanong ni Erica pagkatapos magsepilyo. Nakaharap siya sa malaking salamin kaya kitang-kita niya ang malalim na kunot sa kanyang noo, tanda ng iritasyon.

Pinatay muna ni Josh ang shower dahil kasalukuyan itong nagsasabon ng katawan at para siguro mas magkarinigan sila. "Hindi mo ba narinig nang maayos ang sinabi ko kanina? Ang sabi ko, nalaman na ni Kara na dati akong call boy kaya nakipaghiwalay siya sa 'kin. Nandiri siguro sa 'kin. 'Ayun, nagpa-check up pa nga agad sa doktor niya. Natatakot yata na baka nahawaan ko siya ng kung anong sakit kahit hindi naman ako nakakalimot gumamit ng proteksiyon 'pag may nangyayari sa 'min."

Hindi makapaniwala si Erica sa mga narinig. Ang "Kara" na pinag-uusapan nila ay ang naging hook-up ni Josh habang nasa Fall-Out Stage sila noong isang buwan. Gusto niyang magalit, pero nang mapatingin kay Josh ay natigilan siya. Dahil nakahawi ang shower curtain, kitang-kita niya ang hubo't hubad at basa nitong katawan na kasalukuyang nababalutan ng mga bula dahil sa pagsasabon. Pinaraan niya ang dila sa ibabang labi nang biglang nanuyo ang kanyang lalamunan sa pagkauhaw. Pero hindi malamig na tubig ang papawi sa uhaw na iyon. Kailangan siguro niyang dilaan ang nakakatakam na katawang iyon. Sana dila na lang niya ang nagpapaligo sa binata.

Bumaba ang tingin ni Erica sa abs ni Josh. She wanted to lick each rippled muscle and, oh, good Lord. His cock was growing bigger and harder and he was probably aching for her the way she wanted him buried deep inside her. As if they didn't spend the whole night doing exactly what she had in mind right now.

Wala ba silang kapaguran?

"'Ayun nga," pagpapatuloy ni Josh sa kuwento habang sinasabon ang abs na kanina pa niya pinaglalawayan. "Pero hindi ko matandaan kung paano nalaman ni Kara na call boy ako dati. Nagwala na siya habang pinapalayas ako sa condo niya, eh. Siguro may kakilala siya na naging customer ko dati. Karamihan kasi sa mga matrona na 'yon, eh, mayayaman."

Bumalik ang galit ni Erica at pansamantalang nakalimutan ang pagnanasang nararamdaman. Mula sa nakakapaglaway na katawan ni Josh ay umangat ang tingin niya sa blangkong mukha nito na parang ipinapakita na bale-wala lang dito ang nangyari. Pero hindi siya nito maloloko. She knew how sensitive he was about his past.

"Ang kapal naman ng mukha ng starlet na 'yon para mandiri sa 'yo. Siya nga 'tong nagkaluslos dati kasi nakipag-sex siya sa kung sino-sinong matatandang direktor para lang mapasama siya sa mga movie na pulos cameo role lang naman. Por que nabigyan na siya ng big break recently, nagmamalaki na siya?" Naningkit ang kanyang mga mata. "Bakit ngayon mo lang sinabi sa 'kin ang ginawa sa 'yo ng babaeng 'yon?"

Tinaasan siya ni Josh ng kilay. And, oh, look. Sinasabon na nito ang puson pababa sa... "Sino ba sa 'tin ang nag-MIA no'ng nakaraang buwan?"

Okay, nawala uli ang pagnanasa ni Erica. Oo na, kasalanan niya iyon. Pero hindi niya aaminin. "Kasalanan mo rin naman kasi," sa halip ay sumbat niya kay Josh. "Akala ko kasi nagiging seryoso ka na sa 'kin kaya natakot ako. Alam mo namang ayoko ng gano'n, 'di ba?"

"Alam ko. Kaya nga huwag ka masyadong assuming d'yan," nakangising sabi ni Josh.

Ipinaikot lang ni Erica ang mga mata. "Josh, kung anuman ang sinabi sa 'yo ng Kara na 'yon, kalimutan mo na lang. Hindi naman niya naiintindihan kung bakit kinailangan mong gawin ang mga ginawa mo noon. Binuhay mo ang pamilya mo at pinag-aral ang sarili at kapatid mo. 'Yon ang mahalaga. Saka hindi na ikaw 'yong dating call boy na kinakaayawan mo rin. Model ka na ngayon, 'no. 'Tapos, may bar ka na rin na negosyo n'yo ng mga kaibigan mong modelo rin. Naipagpatayo mo na ng bahay ang pamilya mo sa probinsiya. Then heto, may apartment ka na."

"'Sinlaki lang yata ng walk-in closet sa condo mo ang apartment kong 'to," natatawang sabi naman ni Josh. Walang insecurity sa boses. Gusto lang talaga siya nitong asarin.

Something Messy (R18/SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon