6
●●●●●●
Trisha's PoV
Sobrang tagal na ng panahon na hindi kami nagkikita ng bestfriend ko. Pati rin si Dave di din nagpapakita alam ko naman na nasa kanila siya at kasama ang parents niya. Miss ko lang siguro na may nanggugulo saakin
Maya maya naisipan kong tawagan si Dave pero di niya sinagot, out of coverage area daw sabi ng operator
Dahil sa pagkabagot ko ay wala sa wisyo akong lumabas at maglakad lakad outside the village. Ewan ko ba kung saan ako pupunta gusto ko lang maglakad lakad baka sakaling may mga sagot sa mga katanungan ko
Napadpad ako sa isang abandonadong park pero may ilang mga bata ang naroon para maglaro. Maganda parin kasi ang lugar yun nga lang iyong ibang slides sira na at may nakaharang. Nagtatakbuhan ang mga bata na bakas sa kanilang mga mukha ang walang problema
Ang saya talagang maging bata, yung tipong ang iisipin mo lang ay kung papaano ka makakatakas sa Mama na pagnahuli kang lumabas ng bahay ng di nagpapaalam
Pero this is the reality, darating ang araw na ikaw nalang mismo ang mag-isang haharap sa mga problema mo. Malaya ka pero dumarami ang responsibilidad sa buhay
"Miss gabi na. Di ka pa ba uuwi? Hmm 11PM na"sabi saakin ng guard
Hindi ko namalayan na 11PM na. Hindi ko manlang nakita kung paano natapos ang araw ngayon.
Agad akong tumayo ng bigla akong nahilo
"Miss okay ka lang ba?"tanong sakin ni Manong Guard
Bigla nalang akong nahilo at may mga larawan akong nakita pero hindi malinaw. Sumakit ang ulo ko at napaupo ako sa sakit. Hawak hawak ko ang ulo ko. Hindi naman magkamayaw na tanungin ako ni Manong Guard kung okay daw ba ako
I can't manage to talk. Parang walang lumalabas sa bibig ko. Hanggang sa bigla nalang dumilim ang paningin ko at nawalan ng malay
Ang ganda ng bungad ng araw. Too good to be true sabi nga nila...
Kaya naisipan namin ng mga bestfriends ko na lumabas naman kahit papaano kasi sobrang busy talaga namin sa school lalo na at 4th year high school na kami kaya ang hirap kasi graduating ang pinapagawa saamin
"Ang sarap mamasyal nuh Trisha?"sabi saakin ni Zach na mukhang nag eenjoy dito sa pamamasyal namin....
Ang tagal narin kasi naming hindi nagagawa itong mga ganito eh
"Oo nga eh, buti naisipan mo din to Trisha. Ang saya diba Zach?"sabi naman ni Kyla
Silang dalawa lang ang bestfriends ko at wala ng iba....
Ang saya ko kasi nahanap ko sila unexpectedly hahaha magkaaway kasi kami ni Kyla noon dahil ewan hahaha tapos naging close kami at naging kaibigan rin namin ang president ng class namin si Zach

BINABASA MO ANG
I'll Be
Любовные романыI'll Be💙 Written Date: November 17,2015 Published Date (WATTPAD): December 24,2017