4

0 0 0
                                    

4

●●●●●●


Trisha's PoV

Its Christmas Day.....


This Christmas hindi ko alam kung masaya ba dapat ako o hindi...

Namimiss ko siya....

Yung dito siya saamin nakikikain ng noche buena tapos papupuntahin niya dito parents niya para sabay sabay kaming magcelebrate ng christmas

Iba ngayon.


Walang magulo.

Walang bisita...



Kami kami lang family. Kahit nga boyfriend ko wala dito eh. May celebration daw sakanila. I understand naman kasi family first pero kasi hindi man lang siya nag tetext saakin. Ni hindi niya man lang ako magawang replyan.



Minsan naisip ko. Tama pa ba to? Tong pagpapakatanga ko kay Dave




Makatarungan ba yung pag F.O ko kay Zach? Di na rin kasi ako nakapag isip ng maayos nung araw na iyon eh. Hindi ko man lang nakausap ng matino si Zach that day





Haaayst siguro namimiss ko lang yung bestfriend ko :( Hindi ko man lang napakinggan yung side niya. Inaamin ko may mali rin ako, masyado akong nagtitiwala kay Dave to the fact na hindi ako nakinig sa bestfriend ko




"Oh anak bakit hindi ka masaya? Dapat masaya kasi its Christmas Day" napansin ni Mama na hindi ako masaya ngayong Christmas nihindi nga ako makapagconcentrate sa ginagawa ko kanina.. Agad agad naman akong sumagot ng .... "Ah wala to Mama hahaha. Siguro ano lang hmm pagod lang to Mama" halata naman na nagsisinungaling ako



"Ah sige. If may problem ka anak pwde mo ishare kay Mama ha?"sabi ni Mama sabay yakap saakin. It was the most comforting hug ever :( Naiiyak na ako pero di pwede




"Hahaha Oo naman Ma" sabi ko itinawa ko nalang yung lungkot ko. Sa ngayon magpapakasaya muna ako with my family dahil namimiss ko na sila



"Family hug ba yan?" biglang sulpot ni Papa, agad agad namang tumakbo si Papa at niyakap niya kami ni Mama

Buti nalang andito parents ko para icomfort ako sa mga ganitong panahon




"MERRRRRRY CHRISTMASSSSSSS"sigaw naming tatlo habang magkakayakap at tumatalon pa hahaha




Ganto kami eh. Pero hindi maipagkakailang kulang kami dahil nasanay na rin sila Mama na dito lagi sila Zach kapag Christmas. Hindi pa rin pala alam nila Mama at Papa ang nangyari saamin ni Zach





"Nakakamiss si Zach ah. Ilang week ding di dumalaw dito ah. Last na yung pumunta siya dito nung sinundo ka ng boyfriend mo"biglang sabi ni Mama



Wait. Sinundo ako ni Dave? Kelan na nga ba yun?


Ay shoooot. Friendsary namin yun Dec.6 !!!! What the~~~ Kaya pala one week niya akong di kinausap nun tapos after nun yung accident na. Hala! Ano ba to. Ano bang nagawa mo TRISHA!!!!!!!!! 



"Oh Trisha. Bat napaiyak ka dyan?"tanong ni Papa..




Napaiyak? Ako? Hinawakan ko yung pisngi ko saka lang nag sink in saakin na napaiyak pala talaga ako.






"Okay lang ba kayo ni Zach? O ni Dave?"tanong naman ni Mama






I don't know. Naguguluhan ako. Ako ang may kasalanan ng lahat. Nangako ako sakanya na ililibre ko siya pero hindi eh ang babaw naman nun kung iyon lang ang dahilan nung lahat ng iyon





Saka kilala ko si Zach di naman agad magtatampo yun about sa ganun. Hmm siguro nga may tampo siya pero naman siguro todo yung pagkatampo niya para sugurin si Dave. Pero teka...... siya ba talaga ang nauna o hindi?

I shook  my head then faced my father.

"Friendship over na po kami ni Zach!"pagkasabi ko nun nasamid si Papa



Si Papa kasi mas gusto niyang maging boyfriend ko si Zach kasi daw mas mapagkamatiwalaan. Pero pinaliwanag nanamin ni Zach na bestfriends lang talaga kami



"WHAT?" sabay na sabi ni Mama at Papa gulat na gulat dahil sa pinabalita ko sakanila dahil alam nila na mula palang noon ay si Zach na ang kaibigan ko. Buti hindi awkward eh.. Buti nga napigilan ko ang feelings ko....


Wrong timing christmas ngayon. Hmm ibahin ko kaya yung topic?



"Pero PaMa. Wag muna natin pag usapan yan. Christmas ohh kailangan happy tayo diba? Saka na muna yung senti mode ha?" pag iiba ko ng topic ang awkward eh



Kahit na alam kung kahit anong pilit ko hindi naman talaga ako magiging hyper ngayong gabi because of what happened between Me, Zach and Dave. I hope everything fall into places soon. I'll pray for it. Guide me oh lord please.



"Are you sure that your okay?" Tanong ni Papa syempre alam niyang masakit para saakin na hindi ko kasama ngayon ang bestfriend ko na sobraaaang tagal ko ng kasama every christmas


"Don't worry to much anak. Everything will be okay soon. And for now lets enjoy our quality time together okay?"sabi ni Mama tama siya dapat ienjoy mo muna yung time na kasama ko sila dahil by Feb aalis sila para pumunta sa US doon na sila magtratrabaho which is sobrang nakakalungkot dahil maiiwan nanaman akong mag isa dito



Inalalayan kami ni Papa paupo doon sa lamesa at si Mama naman ay panay picture ng moments every second na ata siyang nag tatake ng picutures eh dahilan niya ay sobrang mamimiss daw nila ako dahil first time nilang malayo saakin awwww :(




Kahit naman ako eh nalulungkot kung bakit biglaan nalang out of nowhere nagdecide silang aalis para magtrabaho sa ibang bansa to the fact na sobrang ganda na ng trabaho nila here sa phil well i susupport ko nalang sila dahil wala namang magagawa ang pagtatampo eh dahil alam kung para rin naman sa future ang ginagawa nila...




Kaya naman we treasure each day na magkakasama kami dahil 101% sure wala pang 1day dun sila Mama gusto na nung umuwi hahaha



Matapos ang christmas dinner namin ay pumunta na ako sa room ko. Pinagpahinga na rin kasi ako nila Mama dahil pagod daw ako pero ang totoo sila tlaga yun pagod na hahaha



Habang mag isa ako sa room naisip ko na sayang pala yung friendship namin ni Zach, bigla ko nalang siyang inifri-friendship over ng hindi ko man lang alam kung ano yung dahilan niya kung bakit niya sinuntok si Dave nun ang nakita ko lang kasi nung mga oras na yun ay si Dave dahil naisip kung galit si Zach kay Dave pero alam kung hindi ganung tao si Zach alam kung may dahilan siya kung bakit niya sinuntok si Dave nung gabing yun

Pero nasaktan din kasi ako sa lahat ng mga pinagsasabi niya tungkol saakin. Nasaktan ako. Ganun pala ang tingin ng iba para saakin. Masyadong nagpaoakatanga.....



Muli kong naalala ang mga sinabi niya saakin noong gabing iyon



"Wow. HAHAHA. Talagang concern na concern ka dyan sa boyfriend mong yan. Hahaha nakakaawa ka Trisha. Nasasaktan ako para sayo. Bestfriend kita at alam kung alam mong hindi ako mahilig mag umpisa ng mga gantong away pwera nalang kung tungkol sayo or sa parents ko. Sa lahat, ikaw ang nakakakilala saakin ng lubos. Well nagpapakatanga ka nga pala dyan sa boyfriend mong walang ibang ginawa kundi paiyakin at saktan ka. Ewan ko ba sayo bakit sa lahat ng lalaki yang ganyang klase pa ng lalaki ang minahal mo. Lalaking walang kwenta"






Nasasaktan parin ako kahit papaano masakit rin yung mga salitang binitawan ko. Friendship Over. Alam ko siya lang ang kaibigan ko kasi mapili ako minsan ng kaibigan at mapagkakatiwalaan siya...





Sana lang mabigyan ako ng pagkakataon ni Zach na makausap ko siya para narin malinaw niya yung sarili niya at sana mabalik kung ano kami dati yung bestfriend kong laging nandyan para saakin.

●●●●●●
Happy Birthday to meeee🎉🎉 Here's my birthday gift fornyou all❤

I'll BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon