1

1 1 0
                                    

1

●●●●●●



Zach's PoV





Ito nanaman ako  nasa tabi ng babaeng mahal ko.Yakap yakap ko siya habang umiiyak ng dahil sa boyfriend niya. Di ko alam kung bakit ganito niya kamahal ang boyfriend niya. Masyado siyang nagpapakatanga








Ganito naman dapat ang role ko dito eh.Pero sa sitwasyon ngaun parang gusto kong prangkahin si Trisha. Dahil awang awa na ako dito.





Oo ang bading pakinggan pero gusto ko siyang matauhan. Harap harapan na siyang niloloko ng boyfriend niya pero siya pa tong hihinigi ng sorry para sa gagong lalaking yun?






As Trisha's bestfriend, nasasaktan ako na nagpapakatanga ang bestfriend—ang babaeng mahal ko para sa taong mahal niya. Hindi ko maintindihan kung bakit paulit ulit nalang siyang nagpapakatanga para sa isang lalaki?




Tanggap ko naman na hanggang kaibigan nalang talaga kami eh. At kahit di niya alam ang nararamdaman ko para sakanya patuloy ko parin siyang mamahalin kahit bilang kaibigan lang pero higit pa dun ang pag aalaga ko sakanya






"Sorry Zach ah? Nabasa ka tuloy ng luha ko.Dont worry I have your spare uniform sa locker"sabi niya habang nagpupunas ng luha at piniling ngumiti





Naawa ako.Nasasaktan ako.Naiingit ako. Dahil alam kung iniiyakan niya ang isang taong mahal niya na sana ay ako nalang





"Nakss,alam mo talagang iiyak ka ngayon nuh? Ahahaha"tumawa nalang ako para hindi halatang malungkot...err nasasaktan



Clown niya ako eh kaya dapat ako ang magpapasaya sakanya



"Hala grabe.hindi naman.naiwan mo yan nung hinatid mo ako.ngaun ko lang ibabalik"bakas parin sa kanya ang kalungkutan kahit nagpupumilit siyang ngumiti




"Sus,pinagnanasaan mo lang yung damit ko eh"pabiro kong sabi



"What the? No way Zach"sabi ni Trisha


Buti nalang kahit papaano naglighten up yung mood niya


"Ikaw talaga Trisha,sana sinabi mo nalang saakin ahahaha"

"What the heck Zach ano bayang pinagsasabi mo?"


"Pffft ahahahahahaha laughtrip talaga yang pagmumukha mo kapag naaasar"sabi ko I burst out laughing.Sobrang red na ng mukha ni Trisha



"Heh!! Manahimik ka.Pasalamat ka broken ako ngaun"sabi niya


"Sus araw-araw ka namang broken eh"


"Che manahimik ka nga.Okay lang na araw araw broken kaysa naman sa taong TORPE" yan lang sinabi niya



I know kahit papaano okay na siya.Pero sana one day hindi ko na siya makikita pang umiiyak ng dahil sa lalaking mahal niya



"Hindi ako torpe.Sadyang manhid lang talaga yung TAONG MAHAL KO"habang sinasabi ko sakanya yan ay nakatitig ako sa kanya



"Ah-eh so may pinupormahan kana Zach?Oh my"sabi niya ng full of excitement




"Hindi mo naintindihan sinabi ko sabi ko MANHID siya"sabi ko sabay gulo ng buhok niya at nauna ng maglakad


"What the heck.Why did you do that Zach?"


"Can you please stop speaking English?"sabi ko puro kasi English


"Ikaw rin naman ah?"aba't ako pa talaga sinisi


"Oo na.Masyado kang nadadala ng English Subject natin"bawal kasi mag tagalog kapag English subject namin kaya ayan nasanay


"Thank you Zach ah? Thank you for being my bestfriend kung wala ka panigurado wasak na wasak ako ngayon. Thank you talaga. Ikaw lang ang nag iisa kung kaibigan. Basta thank  you"bigla niyang sabi habang naglalakad kami papunta sa next subject



"Para saan?Saka okay lang yun hahaha magkaibigan nga diba?"sabi ko sakanya


"Basta for everything.Parang hindi ko kakayaning wala ka sa tabi ko eh.Thank you kasi isang tawag ka lang.You always at my side iniispoil mo na nga ako eh ahaha pero I appreciate all of that.Thank you Bestfriend"sabi niya sabay yakap






Okay na sana ako eh.Narinig ko pa yung word na bestfriend.One day mapapansin mo rin ako. Andito lang ako para sayo,para bantayan ka, para pasayahin ka at para protektahan ka. Maghihintay ako sa tamang panahon na ako naman...
Ako naman ang mahal mo......


Pero sa ngayon....

Mag-iioon muna ako ng lakas ng loob para masabi ko sayo ang mga bagay na dapat kung masabi.....

Ang gay kung tignan ako bayan...





I'll BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon