Kathryn Bernardo
Umaga na . at nandito na rin ang mga boys , hinihintay nalang namin si Julia Barretto at yung kaibigan niya . Hindi ako makangiti kasi kinakabahan talaga ako , baka may kung anong gawin si Julia .
“Baby . Okay ka lang ba ?” hindi ko namalayan na nasa harapan ko pala si Enrique .
“Oo naman . Bakit ?” sagot ko nalamang .
“Kanina ka pa kasi nakabusangot , sige ka papanget yung magiging baby natin .” Niyakap niya naman ako mula sa likod at sumandal ako sa dibdib niya .
“Hahahaha . Wala lang ,siguro kulang lang sa tulog” sabi ko na lamang .
“Sure ? Gusto mo ba talagang kasama si Julia and yung friend niya ?” tanong sakin .
“To be honest baby , ayoko talaga , pero ayos lang , nanjan na eh . Tsaka mas marami mas masaya diba ?” sabi ko nalamang . Haaaaay ! Gusto ko sanang sabihin na may feeling ako na may gagawing hindi tama si Julia .
“Sorry talaga baby ha . Nung nalaman niya kasi kinulit niya na agad ako na , isama ko daw siya . Sorry talaga” sabi Enrique .
“Okay lang yun baby . Ano ba ?” sabi ko at tumawa .
“Nandito na kami !” may narinig kaming nagsalita , kaya tinignan namin . Si Julia at S-si John . Anong ginagawa niya dito ?
Tumingin ako kay Enrique , naka kunot na ang noo niya .
“Julia . Bat kasama mo yan ?!” pagalit na sabi ni Enrique .
“What ? He’s my friend . Sabi niyo okay lang diba ? Tara na !” sabi ni Julia at sumakay na sila sa sasakyan .
“Enrique . Okay lang ba sayo na isama si John ?” tanong ko kay Enrique .
“Nanjan na eh . Ikaw ? ayos lang ba sayo ?” tanong niya sakin
“Okay lang . Matagal na naman yun eh . Kalimutan nalang siguro natin ha ?” sabi ko kay Enrique .
Tumango na lamang siya at hinila na ako para sumakay ng sasakyan . Doon kami sa dulo umupo ni Enrique kaming dalawa lang .
Si Daniel yung nag ddrive tapos katabi niya si Julia .
Sa Unang upuan naman si Marco at Miles
Sa Gitna naman si Julia at John .
Sa Dulo na kami ni Enrique , nasa may bintana ako .
Nung umandar na ang sasakyan , inilagay na ni Enrique yung ulo ka sa balikat niya .
“Tulog ka muna . Inaantok ka diba ?” sabi niya sakin at ngumiti .
Ginawa ko naman yung sinabi niya . Kaya natulog muna ako . Zzzzzzzzzzzz -.-
Julia Barretto
Haaaaay ! Ang tagal naman ng biyahe .
Tumingin ako sa likod , mas lalo akong nabadtrip kasi nakita ko si Enrique at kathryn , natutulog at magkayakap pa .
“Nagseselos ka noh ? Hahahaha” sabi sakin ni John . Siraulo to ah !
“oo ! Bat ikaw hindi ?” pagtataray ko sakanya” sabi ko sakanya at natulog na lamang .
Humanda yang kathryn na yan pag dating namin sa Batangas . Iiyak ka ! :P
--
Abangan ang update mamaya . Guys ! J)))
Hihihihihi . Pabitin muna Ha ? Later uliiiit :D
Comment . Vote ?
- Laine <3
