Enrique Gil
Flashback ....
Nandito kai ngayon ni Julia Barretto sa bilihan ng mga towel . Habang namimili si Julia , ako naman atat na atat ng umuwi . Nagsisisi nga ako na sumama kay Julia eh , dapat magbobonding na kami ni Kathryn eh -.-
"Enrique . Tara na , tapos na akong bumili" sabi ni Julia sakin . Haaaay salamat !
"Tara !" sabi ko sakanya , at pinauna na siyang maglakad .
Naglalakad kami ni Julia ngayon . Nag uusap , nagkwekwentuhan tungkol sa mga bagay bagay .
"Anong nakita mo kay Kathryn ?" tanong sakin ni Julia . Napatigil naman ako .
"Bat mo naman naitanong ?" sabi ko , nakakapagtaka kasi .
Nga pala , dito kami napatigil sa harap ng malaking puno .
"Para malaman ko kung anong nagustuhan mo sakanya na wala sakin" sabi niya . Huh ?!
"Julia . ano bang pinagsasabi mo ?" tanong ko , na medjo kumunot yung noo ko . Hindi ko kasi siya naiintindihan eh .
"Gustong kong malaman kung bakit siya ang pinili mo , bat hindi ako ?! Bat siya pa yung pinili mo , hindi ako ! Kung sa pagandahan , pasexyhan lang naman , panalong panalo ako eh , mabait naman ako , matalino . Dati sabi mo PERFECT na ako . Bat hindi ako yung minahal mo Enrique ? Sana ako nalang . Mahal na mahal kita" Sabi ni Julia habang umiiyak .
"Gusto mong malaman kung bakit siya ang pinili ko ? Oo maganda ka , sexy , mabait , matalino . Pero si Kathryn kakaiba eh , simple lang siya , at unang pagkikita ko sakanya tumibok na agad ang puso ko sakanya , na kahit kailan hindi ko naramdaman sayo . Sorry Julia pero si Kathryn talaga ang mahal ko" sabi ko , na may kalmadong boses , kalmado kasi alam kong galing sa puso yung sinabi ko , lahat yun totoo , mahal na mahal ko si Kath .
"Hindi Enrique , sakin ka lang" sabi ni Julia , at nagulat ako ng bigla niya akong hilahin at hinalikan . Yung Torrid Kiss . Sa sobrang higpit ng hawak ni Julia sa , hindi ako makaalis , at nagmukha lang na gumagalaw yung ulo ko kasi , ginagalaw ito ni Julia .
"Julia . Enrique" napahinto kami ni Julia , at napatingin dun sa nagsalita .
At laking gulat ko na si Kath , kasama si John !
End of flashback
Umiiyak parin ako , ngayon lang ang ako umiyak ng ganito dahil sa babae , galit na galit ako sa sarili ko , ipinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ko sasaktan si kathryn . Pero anong ginawa ko ! P****** Ina ! Gusto kong magdabog .
Aalis na dapat ako , para humingi ng sorry kay Kath sa Manila , pero may naalala ako , hindi pa pala ako tapos dito .
Kinuha ko ang bag at cellphone ko at lumabas ng kwarto .
Pupuntahan ko si julia barretto , siya ang may kasalanan ng lahat ng ito .
Nandito na ako sa harap ng pinto niya , hindi na ako kumatok , at bigla na lang binuksan ang kanyang pinto , at ayun nakita ko siya , nakahiga at nagcecellphone . Wala talaga siyang pake ! Putek .
Hinila ko yung kamay niya ng sobrang hipit .
"Ano ba enrique . Nasasaktan ako !" sabi niya sakin . The Fuck i Care ?
"Wala akong paki ! Doble o Triple pa jan ang nararamdaman ko ngayon , tandaan mo Julia , sa ginawa mong ito , mas lalo kitang hindi magugustuhan , tandaan mo yan , ang panget ng ugali mo , desperadang babae ka ! Ang landi mo !" sabi ko sakanya , at sa sobrang galit ko , nasampal ko siya , at hinayaan ko siyang bumagsak sa sahig .
Lumabas na ako ng kwarto niya at pumunta na sa labas para kunin ang sasakyan at babalik na ako ng Manila para makapagexplain kay Kath .
Sobrang lakas ng ulan at ang dulas ng mga daan . Nagiisip parin ako , Mapapatawad parin kaya ako ni Kath ? At dahil sa sobrang pagkakaisip , natulala ako , at di ko namamalayan , na may kasalubong na pala akong Truck ! then
BOOGSHHHH !
--
OMO ! Anyare kay Enrique Gil ? :/
Sorry ngayon lang nakapag update :((
Hihihi . Sana magustuhan niyo KQs :))
COMMENT VOTE ?
- LAINE <3
