How to name names

5.1K 181 55
                                    

How to name names

© Shupershimmer

Someone suggested kung paano raw ibabagay ang name ng characters sa ugali. I find it cute kaya pinili ko, and I added some echos.

Salamat nga pala sa mga nauuto nitong book na 'to. Nawa'y madagdagan pa kayo.

Shimmer's Suggestions:

1. Please pick normal names

Realtalk: Hindi niyo kailangang pahirapan ang sarili ninyong pagbuhubuhulin ang alphabet, makabuo lang ng weird na name.

Yes, you can try it. Mix the X, Y, Z, S, Q, or any fucking letters but please, hwag push na push. Sa totoo lang, ang bantot kasi. Super bantot pa minsan. Tapos may magrereact, "Bakit po kayo, may character na Kleinder? Weird kaya 'yon."

Tanga. Nakuha ko siya sa kilala ko sa twitter. Atleast, nag-e-exist yon.

Why choose normal-- but not usual-- names?

Simple lang. Mas madaling matandaan. Mas madaling spelling-in.

Sa totoo lang, di kailangan ng magandang-magandang pangalan, e. Ewan, bakit ang daming nagpapakamatay dyan. But not normal like Pedro, Juan, Nena, or any name na panahon pa nung nasa semilya ka pa lang ng tatay mo.

Hindi naman sa nagyayabang pero yung Home Sweet Home, jusko, James at Jennifer lang ang bida ko. Oo! Pinaglaanan ko ng oras mag-isip nun! Pota, pinag-isipan ko yun nang isang araw. Pero pumatok naman, diba?

It will help the readers to make your story remarkable. Period.

2. Must be related to character's age

Madali lang intindihin 'to. Kung adult fiction ang story, huwag mo silang pangalanan ng "Xylene", "Amoxycillin", "Psycho" or what. You know, kasing edad din dapat ang pangalan. Duh.

Ganun din kung bata or teenager ang character. You can experiment names but don't push too hard. Ako nga di ko pinag-aaksayahan ng panahon ang pag-iisip sa mga bida ko e.

3. Must be relative with the attitude

Kung malandi, bitch, pokpok, whore, maldita, at nakakairita ang isa sa mga characters, please, huwag mong bigyan ng pang-Virgin na pangalan. Tipong di makabasag pinggan. (Lilibeth, Clarissa, Maria, or kahit ano)

Try mo ang name mo sa ganyang character. Baka match. Joke.

Minsan kasi, makikilala ang character sa pangalan pa lang. I mean, dun pa lang, napapanindigan na ang attitude. Kaya nga character, e. Name pa lang, may dating na. Name pa lang, alam mo na kung naliligo everyday, kung malibog, kung plastic or what.

Kung bakla, edi gamitin mo yung "Piolo." Kung half-Korean-half-Shepperd, umisip ka ng kapani-paniwalang korean name. You know, you get the picture. At wala akong balak punuin ang page nito ng "name suggestions".

4. Related with the genre

Especially sa Fantasy, or Sci-Fi stories. Yes, malaya kayong umimbento ng unique at weird na pangalan para naman dagdag quality sa story mo.

In that sense, mas powerful at imaginative. Kunyari, may power si ate na maglabas ng apoy sa kili-kili niya, okay na siguro yung "Kili-Kill."

Oh yeah, it sucks.

Kaya nga wala pa sa isip ko gumawa ng Sci-Fi kasi baka ang maipangalan ko, e, Dyesebel, Gagambinay, Enteng, o kung ano mang pangalan ng mga bida sa Encantadia, at Majika sa TV. Uy, namiss.

In humor, you can add twists in their names or nicknames. Like, Pututoy, Pepito, or whatever. Just to add colors.

Wala na po akong maimbentong name! What to do?

Ways to look for names:

Browse your FB chatbox

Oo, ginagawa ko 'to, at halos lahat ng supporting characters ko, pati mga extra, galing sa facebook ang pangalan. I just don't use the whole name.

Minsan first name ni ganito, tapos apelyido ni ganyan.

Di ko na kasalanan kung konti lang friends mo sa FB.

Mag-add ka ng mga gangster. Baka mapakinabangan mo ang Bhoxsz, MhalditAhhh, or KhuletXz nila. Malay mo.

Browse the twitter

Hi sa mga may twitter! Follow niyo ko @shupershimmer.

Anyway, kung wala kang natripan sa FB, there's twitter. Scroll mo ang mga nasa feed mo o mas okay kung mag-click ka ng mga "trends" para mas marami kang makitang pangalan ng mga nagtitweet.

Wider range, wider opportunity.

Browse google

Simple lang. Type mo kay google ang "Cute names" or whatever.

Maghanap sa Song Book/Videoke Book
I seriously tried this. Kung may karaoke kayo sa bahay, maghanap kayo ng mga names sa list ng singers. I think it will help. Again, switch the names.

Example:

Sarah Collins

Pero syempre sample ko lang 'yan. Choice niyo parin ang paghahanap.

NEXT: Soul searching... 85%

Writing Tips (Filipino)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon