Caren's P.O.V.
Kakatapos lang naming kumain ni Hazel. Nandito kami sa loob ng tree house.
Nagsusulat ako ng nobela ko habang si Hazel naman ay gumuguhit ng kung anu-anung mga larawan.
Me: "Hazel, bakit nga pala hindi mo ako tinatawag na ate? Eh magkasing edad lang naman kami ni Jace ah?"
Hazel: "Ah . . . . . hindi kasi bagay na tawagin kitang ate eh . . ."
Me: "Bakit naman hindi?"
Hazel: "Kasi hindi naman kita kapatid at . . . . . . . . . . at . . . . . . . . . . basta ayaw ko."
Me: "Pwede mo naman akong ituring na parang tunay na kapatid diba?"
Hazel: "Basta ayoko."
Madyo nalungkot ako sa sinabi niyang iyon. Bakit naman kaya ayaw niya? May mali ba sa'kin? Bakit ayaw niya akong maging kapatid? Siguro nga hindi na maibabaik ang samahan naming dati.
Pero sa kabila ng lahat ng ito, parang may part sa'kin na natutuwa dahil sa narinig ko. Napansin niya siguro na nag-iba ang expression ng mukha ko. . . . . .
Hazel: "Hey . . . hey . . . that's not what I meant, okay? . . . . . wag kang malungkot. Nalulungkot din ako pag nakikita kang ganyan."
Lumapit ako sa tabi niya at umupo sa tabi niya.
Me: "Alam ko naman yun eh.
Anu yan?"Tinuro ko yung nasa sketch pad niya.
Hazel: "Ah ito . . . hindi ko alam eh. Basta parang naalala ko, tapos sinubukan kong iguhit. Hindi ko nga alam kung saan galling yan eh. Basta parang nag-flash back lang ang mga yan sa utak ko."
Me: "Pwede ko bang tignan?"
Hazel: "Oo naman! . . . eto oh . . . pahangin lang ako sa labas ah."
Me: "Sige."
Lumabas na siya at umakyat sa isa sa mga sanga ng puno. Tiningnan ko ang mga iginuhit niya. Unang-una na dun ang mismong araw ng aksidente.
Nung nabangga kaming dalawa ng Bus. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Iginuhit rin niya kaming dalawa na masayang naglalaro ng manika.
Nandun rin ang larawan naming dalawa kasama si Jace. Ang galling pala niya kasi kuhang kuha niya ang mukha naming niJace, pero sa lahat ng iginuhit niya ay malabo ang kanyang mukha.
Ibig sabihinba niya, bumabalik na ang mga ala-ala niya? Kung ganun malapit na niya akong maalala. Tuluyan nang umagos ang aking mga luha. Sobrang saya ko ngayon.
Maya-maya ay pinuntahan ko siya.
Me: "Aghm, Hazel . . . . . OK ka lang ba?"
Nakapikit kasi siya habang ang kanang kamay niya ay nakahawak sa dibdib niya. Tila pinapakiramdaman niya ang tibok ng kanyang puso at ang kanyang paghinga.
Hindi siya sumagot sa tanong ko, kaya hinawakan ko ang kaliwang kamay niya. Napakalamig nito. Bigla akong kinabahan . . .
Hazel: "Bakit ganun Caren? . . . . . . . . . . parang abnormal ang tibok ng puso ko. Hindi naman ako nagpagod kaya imposible namang umatake ang asthma ko. . . (sigh)"
Hindi ko siya sinagot . . . humiga lang ako sa tabi niya. Umusog naman siya ng bahagya para mas makahiga ako. . . . Wala sa amin ang nagsalita. Pinapakinggan lang naming ang huni ng mga ibon, habang marahang inuugoy ng hangin ang hinihigaan naming. Hanggang sa nakatulog na kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
My boyish-heart still beats for you
Teen FictionThis story is based from my own imagination. madalas na nating naririnig ng tungkol sa mga tomboy. lagi silang naka ngiti pero sa likod ng mga ngiting iyon nagkukubli ang lungkot at sakit na mas pinipili nilang itago. pero isang araw ay mapupuno rin...