Chapter 5

29 2 0
                                    

Miyuki's POV

Sunday ngayon. Nandito lang kami sa bahay. Kwentuhan pa rin with Trisha. Hays. Ang boring. Gusto kong gumala.

"Trisha, gala tayo?" sana pumayag siya >_<

"May pera ka ba?" yun eh. Hays. Hirap pag walang pera.

"Wala. Ikaw?"

"Wala din eh."

"Pano yan? Ang boring dito."

"Teka. May naisip akong plano! :D" sabi ni Trisha. Ano na naman bang binabalak nito?

"Ano yun?"

"Teka lang." tapos tumakbo siya papunta kay Tita Aireen. Hay naku.

Trisha's POV

Hi! Ako si Trisha Mae Perez. Ang oh-so-beautiful pinsan ni Ate Yuki! Hahahaha. Sandali lamang mga kaibigan at ako ay may gagawin lang. :D

"Ma?" katok ko sa pinto ni Mama.

Sa mga nakalimutan na, si Tita Aireen po ni Ate Yuki ang Mama ko.

Bumukas ang pinto.

"Ano?"

"Ahmm. Eh kasiiii..."

"Hmmm?"

"NaboborednapokaminiAteYukiditosabahaygustoponaminggumala." sabi ko ng mabilis kay Mama. Nahihiya kasi ako. Hihi.

"Ha? Dahan dahan ka nga sa pagsasalita." Hay naku.

"Ahmm. Nabobored na po kasi kami ni Ate Yuki dito sa bahay. Kung pwede po, gagala sana kami. At hihingi na rin ng pera."

"Hay naku. Kayo talaga. Oh siya, eto. Pagkasiyahin niyo yan ah." sabay abot sakin ng 500.00

"Yehey! Thanks Ma. Labyu. Hihihi." sabi ko tapos tumakbo na ako papunta kay Ate Yuki.

Miyuki's POV

Bumalik na si Trisha sa pagkaka upo at tumingin sakin ng may malapad na ngiti.

"Oh? Anyare?"

"Makaka gala na tayooooo!!" pano yun? eh wala nga kaming pera. :3 Readers, pengeng pera. Pleeeeease ToT Hehehe jk. :3

"Ha?"

"Eh kasi, nagpaalam ako kay Mama kung pwede ba tayong gumala. Sabi niya oo daw. Tapos humingi na rin ako ng pera sa kanya. Eto oh, 500.00 *O*" kaya pala -3-

"Oh? Ano pang hinihintay natin? Ligo na tayo." hindi pa kasi kami nakaligo eh 3:00 PM na ngayon. Hahaha

Pagkatapos mag bihis, mag ayos ay nagpaalam na kami ni Trisha kay Tita Aireen. So ayun, naghihintay nalang kami ng jeep.

Makalipas ang 15 mins., may jeep na. Matagal talaga ang jeep dito. Sumakay na kami at nagbayad na.

"Kuya, 2 po. Sa SM po ang bababa. Bagong sakay." sabi ni Trisha at binayad na niya ang 500.00. Binigay naman agad ang sukli. At nung nakarating na kami sa SM ay bumaba na kami.

Pumasok na kami sa SM at ang unang pinuntahan namin ay ang Quantum. Bumili kami ng tig sasampung token at ayun, ready to play na kami. By the way, tig 7.00 pesos ang isang token.

(A/N: di ako sure kung 7.00 ba yun. Nakalimutan ko na. Hehehe peace.)

Laro dito, laro doon.

Hay. Nakakapagod din. Inaya ko na si Trisha na mag merienda. Sa McDo lang kami kumain. Alam na, 500.00 lang ang pera namin eh. Hahaha. 340.00 na nga lang ang natira eh.

Ayun, nag order na kami at tig iisa kami ng coke float habang nagshare lang kami sa medium na fries. 241.00 nalang ang natira. Hehe.

Pagkatapos naming mag snack, lumabas na kami sa McDo ng biglang....

*BLAAG*

"Sh*t."

"Ay sorry po! Sorry po talaga! Sorry." sabi ko dun sa lalaki.

"Audriana?"

"Dayne? Ikaw nga. Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo?" sunod sunod kong tanong sa kanya.

"Ako lang mag isa. Nabored ako sa bahay." first time ko ata siyang marinig magsalita ng tagalog?

"Ah ganun. Nga pala, ito si Trisha. Pinsan ko. Yung new student sa classroom natin." Pakilala ko.

"Hello, Dayne." sabi ni Trisha kay Dayne. Tiningnan lang niya si Trisha at tumingin ulit sakin.

"Uhmm, Audriana, pwede ba akong sumama sa inyo na maglibot dito sa Mall?" tanong niya.

"Uhh sige." sabay ngiti ko sa kanya. Ngumiti naman siya sakin. First time ko din siyang makitang ngumiti. Ang gwapo pala niya-- teka.. Sinabi ko bang gwapo siya? Hindi. Hindi pala. Guni guni ko lang siguro yun.

Pagkatapos nun, inaya niya kaming manood ng sine. Pumayag namin kami since libre raw niya. So ayun.

Ang pinanood namin ay Diary Ng Pangit. Nabasa ko na to sa Wattpad eh. Kaya yun na ang sinuggest ko.

Nung makapasok na kami sa sinehan, nakahanap agad kami ng upuan sa bandang kaliwa sa taas.

Umupo na kami at ako ang nasa gitna nilang dalawa.

Medyo lumapit naman sakin si Trisha at may binulong, "Di kaya, crush ka ni Dayne?" sabi niya. Hinampas ko naman siya at nag pout lang ito. Napatawa naman ako sa reaction niya.

Tawa naman kami ng tawa dun, kinilig kilig, pero itong si Dayne ay nakatingin lang. No reaction. Naka poker face. Psh.

Natapos ang pelikula at di namin namalayan na 6:00 PM na pala. Kaya nagpaalam na kami kay Dayne.

"Dayne, thank you sa sine!" pasasalamat ni Trisha kay Dayne. Tumango lang siya kay Trisha. Sungit.

"Ah ano, salamat sa paglibre samin sa sine. Sige uwi na kami. Gabi na pala. Baka hanapin kami ni Tita." tapos palakad na kami ng bigla niya akong tawagin. Napalingon naman kaming dalawa ni Trisha.

"You're welcome. I hope this will happen again. Bye, take care."

You're Mine, I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon