Chapter 8

32 1 0
                                    

Eric on the side ------->

Miyuki's POV

"Oh Ate Yukiii! Ge na! Kwento mo na! Hohoho eym zew excoiteeed~" -Luka/Trisha.

Pagdating na pagdating palang namin yan agad ang sinabi niya.

"Hindi ba pwedeng maghilamos muna tayo tsaka magbihis bago ako magkwento?"

Wala nga pala si Tita Aireen dito. Reunion daw nung classmates niya nung siya ay hayskul pa.

"Kpayn."

Tapos umakyat na kami para maghilamos at magbihis.

Pagkatapos, umupo na kami sa kama namin. Tabi kasi kami matulog.

"Oh ano na?" excited niyang tanong.

"Ganito kasi-----"

*Riiiiing Riiiiiiing*

Napatingin ako sa cellphone ko.

[Dayne Calling....]

(Chinange ko na ang name. Lols.)

Napatingin naman ako kay Trisha. Natawa naman ako sa mukha niya. Parang naluging negosyante. Hahahaha.

Sinagot ko yung tawag niya.

"(Audriana.)"

Tahimik lang ako. Sayang ang laway ko no. Mahal pa naman to. Kekeke.

"(Hey.)"

Wala parin akong imik. Napatingin ako kay Trisha. Binigyan niya ako ng bat-ayaw-mong-magsalita-look.

Sinagot ko naman siya ng basta-look.

Tapos ngumiti naman siya ng nakakaloko tapos ng hand sign siya ng "LQ?"

Tapos sinagot ko siya ng "W" handsign yung 'whatever'. Galing no? Parang mga pipe. Hahahahaha.

"(Hey Audriana.)"

"Oh." sabi ko ng boses na parang I-Dont-Care.

"(I just want to say sorry---)"

"K." diretso kong sabi at in-end ang call at pinatay si Trisha. Lol joke. Yung phone ko ang pinatay ko.

"AYIIIEEE~ LQ!! HAHAHAHAHAHAHAHA!" -Luka.

"Tse." sabi ko nalang.

"Oh sige na. Kwento na." at kinwento ko na.

Pagkatapos mag kwento...

"AYIIEE! NAGSESELOS LANG YUN NOH! HAHAHAHAHAHA!" yan reaction niya.

"Pano mo naman nasabi?"

"HALATA KAYA. YUNG TINGIN PALANG NIYA KAY ERIC MYLABS! HIHIHIHI" kinikilig na parang witch na sabi este SIGAW ni Luka.

"EH BAT KA NASIGAW???" sigaw kong tanong sa kanya.

"KINIKILIG KASI AKO! AHIHIHI~" -Luka/Bruha/Trisha. RHYME. HAHAHAHAHAHA.

"Pero teka.. Eric mylabs? Crush mo si Eric?" tanong ko sa kanya.

Umiwas naman ng tingin si LukBruSha. (Luka/Bruha/Trisha) Yung parang lagot-nadulas-ata-ako-litsi-look.

Sabi na nga ba.

-KINABUKASAN-

Sabay na kami ni Trisha na pumasok sa School.

Habang naglalakad kami, may tumawag sakin.

"Yuki!" paglingon ko, si Eric pala.

Napatingin naman ako sa bruha. Nag titwinkle twinkle na naman yung mata. Mukha siyang tanga. Lol.

"Oh?"

"Sabay ako sa inyo ah?" tanong niya samin tsaka tumingin kay Trisha.

Napatingin din ako kay Trisha, at aba, nagba-blush ang luka. Tsk tsk.

"Sige." sabi ko.

Bigla akong niyakap ni Trisha. At ngumiti siya ng parang nagsasabing 'thank-you'. Tss.

Nung makadating kami sa school, dumiretso agad kami sa room. Si Eric nag iba ng way dahil nga siya ay nasa Section C.

Umupo agad ako sa upuan ko na pinagigitnaan nina Elyssa at Trisha.

"Goodmorning Trisha at Yuki." bati ni Elyssa.

"Morning." sabi ko at nagnod lang si Trisha.

Nu yun, nahawaan ng ka supladuhan ni Ano? Teka, sino ba si Ano? Tss.

Dumating na ang teacher namin. Bla bla bla. Chu chu chu. Hanggang sa nagrecess na.

(A/N: HAHAHAHAHAHAHAHAHA lul. Okay epal lungs :D)

Palabas na kami ng room para pumunta sa cafeteria kaya lang napahinto ako.

"Ah, Luka at Elyssa, una na pala kayo. May nakalimutan lang ako." sabi ko sa kanila.

"Ganun. O sige ha." sabi ni Trisha at umalis na sila.

Napatingin naman ako kay Ano. Tch. Ano ako ng Ano.

Pumunta ako sa harapan niya. Nakayuko lang siya at nag susulat sa notebook niya.

"Hoy." tawag ko sa kanya. ANO BA ALAM NIYO NAMAN NA KASI KUNG SINO SIYA. K.

Tinaas niya ang mukha niya. Tumingin siya sakin tapos binaling ang tingin niya sa notebook niya.

Litsi.

"Sama ka samin ngayon sa Cafeteria." sabi ko sa kanya pero parang wala lang siyang narinig.

"Leche. Bahala ka nga jan. Ikaw na nga tong pinapasama. Bwiset." sabi ko sabay lakad na papuntang Cafeteria.

Bigla nalang may bumato sakin ng papel kaya lumingon ako sa likuran ko. Nakita ko si Dayne na nakatingin lang sakin.

Pinulot ko yung papel at binasa yung nakasulat dun.

Sa gitna, may nakasulat na 'SORRY AUDRIANA' tapos sa gilid gilid naman ay may nakasulat na maliliit na 'sorry' na halos napuno na ang papel.

Tumingin ako kay Dayne at ngumiti. Ngumiti din siya sakin at tumayo na at sabay kaming pumunta sa Cafeteria.

You're Mine, I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon