Chapter 9

24 1 0
                                    

Miyuki's POV

"AYIIIIIEEEEE! Bat kayo magkasama? HAHAHAHAHAHAHAHA." -LukBruSha.

"Bawal ba?" tanong ko.

"Hindi naman. Eh kasi diba, LQ este nag away kayo?"

"Nag away ba kami? Parang wala naman. Oy Dayne, nag away ba tayo?" tanong ko kay Dayne sabay tingin sa kanya.

"Nope." sabi ni Dayne.

"Oh, hindi naman daw eh."

"KYAAAAAAAAAAAAAH!!! ang sweet sweet niyo talagang dalawa! Huhuhuhu umayghad No. 1 fan niyo na akooo! DaYuki for the waaaay! Woot woot!"

"Tumahimik ka na jan. Para kang baliw." sabi ko kay Luka.

"Ehem." napatingin ako kay Elyssa. Sinamaan ko din ng tingin si Trisha.

Kitang nandito si Elyssa eh. Tss.

Napatingin naman si Trisha kay Elyssa. Pag tingin niya dito, umirap lang siya.

"Hoy." tawag ko sa kanya.

Napatingin din naman siya.

"Bat mo ginawa yun?" tanong ko sa kanya.

"Ang alin?" pag mamaang-maangan niyang tanong.

"Irap." maikli kong sagot. Mahirap na, baka mahalata ni Elyssa na siya ang pinag uusapan namin.

Eto kasi ang upuan namin:

Ako-Dayne

-Table-

Trisha-Elyssa

"Naiinis ako sa kanya eh." sabi ni Trisha.

"C.R." sabi ko.

"No. Ayoko." sabi niya. Tsk tsk.

Kinuha ko ang CP ko at tinext si Trisha habang naka yuko ako. Tahimik lang rin naman sina Elyssa at Dayne.

So eto ang convo namin ni Trisha sa text;

Ako: bat ka naiinis kay Elyssa?

Trisha: landi eh. Buset.

Ako: pano mo nasabi? Nakita mo na bang may nilalandi siya?

Trisha: oo.

Ako: sino?

Trisha: yang katabi mo.

Ako: si Dayne?

Trisha: oo.

Ako: ganun. Bat ayaw mong sa CR tayo mag usap?

Trisha: mahirap na, baka landiin niya si Dayne mo. Tss.

Ako: Dayne ko? Tss.

At dun natapos ang text convo namin ni LukBruSha.

Pagtingin ko sa kanya, binigyan niya naman ako ng nakakalokong ngiti.

"Ay! Oo nga pala! Diba Dayne, ngayon yung DATE niyo ni Ate Yuki?" tanong ni Trisha kay Dayne. Sinipa ko siya sa ilalim ng upuan at nung tumingin siya sakin ay nag peace sign lang siya.

Diniinan pa kasi yung word na 'DATE' eh lalabas lang naman kami.

"Yep." sagot ni Dayne.

"Oh anong plano mo? San kayo pupunta?"

"Why would I tell it to you?" pangbabara ni Dayne.

Hahahaha. Yung mukha ni Trisha. XD

"K." yun nalang nasabi niya.

Napatawa naman ako ng malakas at nagtinginan ang mga estudyante sa Cafeteria dahil sa tawa ko.

Pero di ko sila pinansin at tumuloy pa rin sa pagtawa ng malakas.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!" tawa ko habang naka hawak sa tiyan ko at mangiyak ngiyak na.

"Huy!" binatukan ako ni Trisha.

Dun naman natigil ang pagtawa ko at bumalik sa pokerface ang aking mukha.

"Oh?"

"Bat grabe ka makatawa?"

"Bakit? Bawal ba?"

"Kailan pa naging tanong ang sagot sa isang tanong?"

"Ngayon lang."

"K, fine." pagsuko niya.

Wala eh, talo siya sakin. *smirk*

"Nga pala Dayne." napatingin kami kay Elyssa nang tawagin niya si Dayne.

Tumingin lang si Dayne sa kanya tsaka bumalik sa pagkain.

"May gagawin ka ba bukas? Papasama sana ako sayo. May bibilhin lang akong damit." nataas naman ang kilay ko ng sabihin niya yun.

Napatingin ako kay Dayne, patuloy lang ito sa pagkain at parang walang narinig. Pag tingin ko kay Trisha, naka taas ang kilay niya.

"Bakit si Dayne pa? Di mo ba kayang bumili nang damit mag isa?" -Trisha.

"Eh gusto ko eh. Bawal ba?" -Elyssa.

"May sinabi ba akong bawal? Tinatanong ko lang naman kung bakit si Dayne pa ah!" galit na sabi ni Trisha.

"Hoy, tumigil nga kayo." pagpapatigil ko sa kanila. Mahirap na, baka magsabunutan pa.

"Na kay Dayne ang desisyon kung sasama siya kay Elyssa o hindi."

Napangiti naman si Elyssa at napairap nalang si Trisha.

"I dont want to come with you, Elyssa." sabi ni Dayne na nakatingin kay Elyssa.

"W-why?"

"Cause I dont like to be with you, in short, I dont like you." diritsong sabi ni Dayne.

Napatayo naman si Elyssa saka tumakbo papuntang idk. Tch. Para siyang manliligaw na na busted. Babae nga lang siya. >_>

You're Mine, I'm YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon