Hindi pa na i-edit. ^_______^v wait na lang natin na si Miss Editor. :)
Maraming salamat sa mga minamahal kong mga readers at voters. :) Hart ! Hart ! LoveYah! <3
Chapter 3
POV' Abi
Pagtapos ng maliligayang araw
"Hey sis! Do you want to eat with me?" Yun agad ang tinanong ko pagkasakay namin sa kotse.
"Sure ate, hmmp saan ba?" Inosenteng pagkakasabi nya
"Secret! Open that box" I pointed my red box sa paanan nya. "kunin mo yung black na panyo."
"huh? Ano naman ang gagawin ko ate?" I only give her a very sweet smile.
"Piringan mo yung mata mo."
"But ate?! An-"
"I said now! Don't be K.J. Jerica." Mariing pagkakatugon ko.
Buong biyahe tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. I already set our dinner with her boyfriend, sana nandun na siya. At mukang magiging masaya si Jerica nito, kasi dadalhin ko siya sa favorite resto nya and makikita nya pa si Lorenz.
Naputol ang napakahabang katahimikan nang nagsalita si Jerica, "Ate sana hindi na lang natin nagging magulang sila, sana magkatrabaho na ako para magawa ko na lahat ng gusto ko. Ate hirap na hirap na ako, mas gugustohin ko pa siguro na walang pakialam ang mga magulang ko sa akin, kesa naman na pinapansin nila ako pero pinapakelaman naman nila ako." Naiiyak na pagkakasabi nya.
"Jerica, don't worry ate always her for you, don't mind them sa ngayon sondin muna natin sila, pero kapag dumating yung time na hindi na natin kaya pareho aalis na tayo sa demonyong bahay na yun. Kahit anong mangyari tayo pa rin ang magkakampi." Then I pat her shoulder. "Now sis tanggalin mo na yung panyo, dahil may ipapakita ako sayo." Unti unti na nya inalis ito and I saw her eyes open so wide at napawi ang kalungkotan ng isang ngiti.
"OMG! I love this resto! Let's go nagugutom na ako ee." At dali dali siyang bumaba, napailing na lang ako at sumunod na rin sa kanya.
Pagkapasok naming ni Jerica sa loob hinanap agad ng mata ko si Loren, pero wala siya. Maybe na traffic lang yun.
"Tara may pinareserve na ako na table para sa atin."
"Talaga ate! Alam mo ba laging puno itong resto kasi sobrang sarap ng mga pagkain tapos ang ganda pa ng view sa labas. Sana doon tayo." Sabay puppy eyes, ang ganda talaga ng kapatid ko, mana sa akin.
"Hahaha! Ang Cute mo ! kaya tumigil ka na dyan kasi doon nga yung place na napili ko." Na una na ako maglakad sa kanya. Pero ang laki ng pagkakataka ko dung nasa terrace na kami, wala pa talaga si Lorenz. Hay bakit kaya wala pa yun. "Tara maupo na tayo. Iseserve na nila yung mga favorite foods mo." Then I give her a sweet smile.
"Ate thank you!" Sinasabi nya ito habang nakatanaw sa magandang tanawin, kitang kita kasi ngayon ang mga lights ng syodad ng Metro Manila.
"Wala yun. Alam mo naman na ikaw lang nagpapasaya sa akin. Hahaha! Ang korni ko, tama na nga ang drama." Dumating na ang mga pagkain pero wala pa siya. Nasaan na kaya yun? Napatingin ako sa relo ko its already 8:20pm.
"Ohh! Ate bakit parang may hinihintay ka?"
"Hala! Wala nohh!" Pagmamaangan ko. Umiling iling na lang siya at tinuloy ng pagkain. Kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na luminga linga. Pero na pansin ko na wala naman.
"Ako ba ang hinahanap mo Abby?" May pagkamayabang na pagkakatugon nito , kaya sabay kami na patingin ni Jerica sa lalaking nagsalita sa likodan ko.
Hindi nga ako nag kamali dumating nga siya, si Lorenz, kaya sasabihin ko na sana na Surprise....
"Hello girls, nandito lang pala kayo mga anak. Tara lets it." Patay si Mommy ! bakit siya nandito?
Tinignan ko ng masama si Lorenz pero nakita ko sa mga mata niya na nag aalala siya. Kaya napatingin na lang ako kay Mommy.
"Why have you been here without my permission?" Naiinis na sabi ko.
"Aba ! masama ba na salohan ko ang mga anak ko mag dinner?" Tsk. Tsk. Kapal talaga ng matandang ito.
"But Mommy---"
"No But's!" At napatingin siya sa puwesto ni Lorenz. " Ikaw sabihin mo na ang dapat mong sabihin at para makaalis ka na dito." Mataray na pagkakasabi ni Mommy.
Nag aalala na ako, ano ba itong nanyayari? Imbis na nakikita ko yung mga ngiti ng kapatid ko ay hindi. Parang tuloy akong nanghihina. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko na malungkot ang kapatid ko.
"Sige para makaalis na nga ako dito" Sabi ni Lorenz. " Jerica makikipag break na ako sayo and goodbye, thank you Ate Abby at pinapunta mo ako dito." At ngumisi siya na parang demonyo at tumalikod na.
Tumayo bigla si Jerica at tumingin sa akin ng masama at tinuloy na ang pagsunod kay Lorenz, Hinawakan niya ito sa kamay. At nagbabadya na babagsak ang mga luha sa mga mata niya. Hindi ko na ririnig ang mga pinag uusapan nila pero labis akong nag aalala sa kanya. At muka akong ewan sa kinauupoan ko dahil wala ako magawa.
"Dahil sa paglabag mo sa utos ko kaya nanyayari ito kaya huwag mo akong sisisihin sa katangahan mo." Sabi ni Mommy sa akin.
Bumalik na saharapan namin si Jerica ng luhaan na kanina lamang ay pinipigilan nya. Napansin ko sa mga mata nito na labis siyang nagagalit.
"IKAW ATE PINAGKATIWALAAN KITA ! PERO ANO ITONG GINAWA MO?! Huh? ALAM MO BA ANG SAKIT SAKIT NG GINAWA MO DITO." Sabay turo sa kaliwang bahagi ng dibdib niya. Hinwakan ko yung kamay nya.
"Jerica sorry hindi ko alam na ganun ang mga sasabihin nya. Pinapunta ko siya rito para i-sopresa ka, para maging masaya ka." Ngumisi siya sakabila ng mga luhang pumapatak sa mga mata niya.
"WHAT?! Para maging masaya? Hah! Thank you ate." Sarcastic nitong pagkakasabi sa akin/ "ANG SABIHIN MO AY NINALAK MO ITO PARA SAKTAN AKO! GAG-" hindi na nya natapos ang kanyang mga sasabihin dahil nasampal ko siya.
"Sorry Jerica hindi ko sinasadya, dala lang ako." Tinignan nya ako ng masama at habang hawak niya ang kanyang pisngi. Tumabi ni Mommy sa kanya at hinila na papalabas ng Resto.
Napahagulgol ako sa sakit na nararamdaman ko.
Nawalan na ako ng kakampi. Nawalan na ako ng kapatid at bestfriend. Shit ! Kasalanan ko ito ee.
Saan ba mapuputa ang ending ng kwento na ito?
Susuko na ba ako? Kasi parang hindi ko na kaya.
Wala na ba talagang makakaintindi sa akin?
Wala na bang saysay ang buhau ko?
At Hanggang kalian ako magtitiis sa mga sakit na nararamdaman ko?
POV'Lorenz
Sorry ate Abi and Jerica but I need to do this. Tinakot ako ng mommy nyo, kung hindi ko ito gagawin mawawalan ng trabaho ang mga magulang lang ko at pati buhay ko ay sisirain nya.
"Patawad." Yun na lamang ang nasabi ko palayo kay Jerica. Alam ko na nasasaktan siya sa mga oras na ito, pero sana balang araw ay maintindihan nya rin ako.

BINABASA MO ANG
No One Can Understand Me
RomanceDarating kaya yung panahon nalilingon siya sa akin?