Prologue: 🔪His Sanctuary 🔪

756 18 6
                                    


Prologue: His Sanctuary

"T-tulungan mo ako...please."

Puno ng pasa at sugat ang katawan ng dalaga, nasa sahig ito hawak hawak ang isang paa ng lalake-- 'boss' ng mga lalakeng nakaitim na dumukot sa kaniya na ngayo'y nakatayo sa kanyang harapan.

Mala demonyong ngumiti ang lalake dahil sa kanyang naisip sabay sipa sa balikat ng dalaga kaya napabitaw ito at napahikbi sa sakit na kaniyang naramdaman.

"P-please..." Nagmamakaawang sambit ng dalaga. Sinusubukan niyang sumigaw ngunit tanging mahinang ungol lang ang kaya niyang magawa.

Nasa luma at abandonadong gusali ang dalaga kasama na ang mga lalakeng dumukot sa kanya.
Kahit madilim ay nakikita ng dalaga ang mga lalakeng dumukot sa kaniya na nanonood lang, ang iba'y naninigarilyo at ang iba naman ay natutuwang pinapanood siyang nasasaktan.

"Pinatay mo ang anak ko." malamig at matalim na sabi ng lalakeng sumipa sa kanya.

Hindi na magawang imulat pa nang dalaga ang kanyang mga mata dahil sa natamong bugbog nito.

"Ang nararapat sa iyo ay mamatay!" nakatanggap ng malakas na sipa muli ang dalaga at sunod nun ay ang malakas na pagkakahampas sa kanya ng baseball bat sa kaniyang ulo.

Hindi na niya kaya pa ang nararamdaman na sakit kaya napasigaw na ito.

Nawawalan na ng pag-asa ang dalaga.
Mas lalo pang dumagdag ang sakit na nararamdaman ng dalaga dahil sa malakas ng pagkakatama sa kaniyang ulo.

Narinig niyang nagsalita ang boss at pagkatapos nun ay naramdaman niyang may mga humawak sa kanyang braso at itinali siya gamit ang matitigas na bakal---kadena.

Nawawalan na ng pag-asa ang dalaga, nahihirapan na itong huminga na sa bawat paghinga nya'y ang kanyang puso ay parang naiipit sa kanyang mga ribs.

Nakarinig sya ng ting! senyales na may isang delikadong bagay na nakakabit sa kaniya at sunod ay ang pagtakbo ng mga lalakeng bumugbog sa kaniya na ilang saglit pa ay nasa labas na ng lumang gusali.

Napayuko ang dalaga at nakitang may nakakabit sa kadenang itinali sa kanya.

Napapikit na lang ito ng malamang ilang minuto na lang ay mamamatay na sya.

30mins...

Gusto na nyang mamatay.

'Gumising ka!'

Nakarinig siya ng bulong pero hindi na nya talaga kaya.

'Kaya mo yan, nandito pa kami...'

"H-hindi ko na k-kaya... "

Kung sino man ang mga taong kumakausap sa kaniya ay wala na siyang pakielam pa.

28mins.


'Sh*t! Ayoko pang mamatay!'


'Uwaaaahhh! The end of our world na!!!'

'Shocks! Hindi na ako makakakita score nito!'

Mas lalo pang lumakas ang mga bulungan at iyakan na kaniyang naririnig. Inipon niya ang kanyang lakas para imulat ang isang mata.

Madilim.

Walang katao tao.

"S-sino yan?" Bulong ng dalaga.

'Nandito kami, kami na ang bahala sayo magpahinga ka na muna.'

Sinunod ng dalaga ang sinabi ng sinumang kumakausap sa kaniya.
Ipinikit na niya ang kaniyang mga mata at ilang segundo ay nilamon na siya ng dilim.

'Don't worry, makakatakas tayo rito.'


26mins.


"Aaaarrrgghhhh!" Sumigaw ang dalaga at napatingala ito.

Bawat paghinga nito'y malalalim, minulat na niya ang kanyang mga mata at pwersang tumayo ng malamang nakaupo ito sa monoblock na upuan.

Buong pwersa niyang binagsak ang sarili sa matigas na sahig. Dahil gawa sa plastic ang monoblock ay mabilis na nasira ang upuan.

Napasmirk ang dalaga ng lumuwag ang kadenang nakatali sa kanya.

"Mga inutil."

Nang dahil lumuwag ang kadena ay mabilis nya itong inalis sa kaniyang katawan.

21mins.

"Sh*t!" Dahan dahan nya inilagay ang kadenang may bomba sa sahig at nagsimula ng tumakbo papalabas sa silid na iyon.

Pagkabukas niya ng pinto ay bumungad sa kanyang harapan ang mahabang hagdan. Wala ng maisip ang dalaga dahil kailangan niya ng makalabas at makalayo sa gusaling ito.

Kahit hinihingal ang dalaga ay nagawa nya paring tumakbo pababa sa hagdan. "Stupid stairs!" napamura ulit ito ng muntik na siyang matapilok na buti na lang ay nagawa nyang tumalon at saktong sakto sa semento.

Halos makalipas ng ilang minuto ay nakita na nya ang pintong nakasarado.
Mas lalo nya pang binilisan ang pagtakbo hanggang sa nakarating na siya sa ground floor ng gusali. Dali dali niyang nilapitan ang pintuan at halos gumuho ang kaniyang pag-asang makalabas sa lumang gusali na ito dahil nakalock ang pinto sa labas.

Buong lakas niyang tinulak ang pinto na gawa sa bakal.

10mins.

"Nakalock ang pinto." hinihingal na sabi nito.
Nilibot niya ang kanyang paningin, nang makita nya ito ay kumuha sya ng makapal na kahoy at pinaghahampas ang bintana na gawa sa salamin.

Tumilapon ang mga bubog hindi na niya pinansin ito at tinuloy lang ng dalaga ang paghampas hanggang sa nakagawa siya ng malaking butas at lumusot doon.

Nakaapak na siya sa damuhan at napangiti ito ng nakakaloko.

'Yehheey!'

'Tumakbo ka na!'

"Shut up you bitch!" sabi ng dalaga at nagsimula na itong tumakbo sa kakahuyan.

Madilim na ang kalangitan at ang tanging ilaw ay ang liwanang na nanggagaling sa buwan.

Hindi pa siya nakakalayo ay nakarinig sya ng malakas na pagsabog kaya nagkaroon ng malakas na pwersa. Napatapilok ang dalaga at hindi inaasahang may malaking bato na tumama ulit sa kanyang ulo at nawalan ito ng malay.

His Sanctuary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon