Alcania 1: Invitation

17 2 0
                                    

Jaaziel

Wow! Ang ganda naman dito. Para syang paraiso sa sobrang ganda. Mga naglalakihang puno na kumikinang at ang daming paro paro na nakalipad patungo at paikot sakin. Nakakaaliw silang tingnan.

Tumungo ako sa may lawa at grabe wala na akong masasabi. Napakalinaw ng tubig na para bang crystal at pwede ka ng manalamin. Dito ko lang nakita ang mga bagay na hindi ko pa nakita noon sa tanang buhay ko. Tiningnan ko ang damit ko at ang gara. Nakadress ako ng puti at may koronang bulaklak pa ako. Tiningnan ko ang mukha ko sa tubig at may tattoo ako na kulay blue sa bandang kaliwa ng pisngi ko at parang kumikinang pa ako. Grabe hindi talaga ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

Naglakad lakad pa ako at napadpad ako sa isang malawak na lupain na puno ng ibat ibang uri ng bulaklak at puno may mga pixies din na nag aalaga sa kanila para hindi sila malanta. Nakakatuwa silang pagmasdan dahil parang nag aasaran din sila.

May babaeng lumapit sakin pero hindi ko maaninag ang mukha niya . Parang naging blurry yung paligid nung dumating sya. Tsaka hindi ko rin maintindihan kung ano ang sinasabi niya. Parang naging bingi ako sa oras na Ito.

Argh! Ang sakit ng uli ko at para bang binibiyak Ito. Naluluha na ako pero hindi pa rin ako tinutulungan nung babaeng lumapit sakin at hindi ko pa din sya madinig .

Habang nagsasalita sya ay parang namamanhid din yung katawan ko. Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko at parang may bumubulong sakin pero hindi ko maintindihan kung Ano.

Tinaas nung babae ang kamay nya at may lumabas na itim na usok doon na sya namang nagpahinang lalo sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga oras na I to.

Akala ko ay katapusan ko na pero mabuti na lang at may isang tao na tumulong sakin laban sa babaeng yun. May binigkas din na lenggwahe yung estranghero pero hindi ko marinig dahil blurry na din yung paningin ko.

Mas lalong nagalit yung babae at gumawa sya ng napakalaking bola na gawa sa itim na usok at tinapon ito sakin.

Huwag!! Ang narinig ko lamang galing sa estranghero na tumulong sakin then everything went blank.

Kring! Kring! Kring!

Argh! Kala ko totoo na pero panaginip lang pala yun. Grabe pinagpawisan talaga ako don ah. Kala mo may gyerang magaganap tsaka parang nandon talaga ako eh. Nafefeel kong parang namanhid yung buong kalamnan ko. Tsk! Winaksi ko na lang yun saking isipan at nagsimula ng magligpit ng hinigaan ko para makapunta ako sa school ng maaga .

Dali dali akong naligo dahil baka malate ako . Exam pa naman ngayon sa prelim kaya ay dapat maaga ako ngayon. Nakakahiya kayang malate . Lalo na terror yung teacher namin.

Pagkatapos kong maligo ay nag ayos na ako ng sarili. Ang maganda sa school namin ay walang uniform . Pwede kang magsuot ng kung ano except na lang kung nakulangan ka sa tela ay hindi pwede yun. Anong pinunta mo? Aral o landi. Diba? Tssk!

Dali dali akong bumaba sa kusina para kumain dahil nasisiguro kong naghahanda na yung mama ko. Pagdating ko ay masasarap na pagkain agad ang nakahain sa harapan ko.

Good morning ma! Bati ko sa kanya sabay halik sa pisngi . Ganito yung morning routine ko. Close kasi kaming magkapamilya eh kaya nakasanayan na din.

Good morning din anak. Bati din ng mama ko sakin.

Ang sweet sweet talaga ng mama ko. Sya pa talaga ang naglalagay ng pagkain sa pinggan ko. Kaya lab na lab ko ang mama ko eh. Tsaka napakaswerte ko sa kanila ni papa. May pagka strikto naman sila pero nasa tamang lugar naman. Ayaw lang kasi nilang may mangyaring masama sakin kaya ganon.

Bilisan mong kumain dyan Shen dahil para malelate ka na. Terror pa naman yung taecher nyo. Sabi ni mama sakin. Lahat kasi ng nangyayari sa buhay ko ay sinasabi ko sa mama at papa ko. Kaya close na close at spoiled ako sa kanila eh.

Binilisan ko ang pagkain at nagpaalam na sa mama ko dahil malelate na talaga ako.

...

Argh! Andami namang gagawin dito sa school nakakapagod ah. Andaming exams napaparating at ang daming projects na ipapasa . Mabuti na lang at nag aral ako kagabi kaya alam ko ngayon ang sagot sa mga tanong . Tsk! Ganito talaga ang buhay estudyante nakakapagod.

Okay class ! Itago nyo na lahat ng gamit nyo except sa ballpen at permit nyo okay?

Yes sir!

Wooah, ito na talaga magsisimula na ang bakbakan. Nakakamala talaga ng utak yan si sir magpa exam. Kala mo wala ng bukas. Parang gusto nyang walang makapasa na estudyante sa klase nya tsk. Pero wag syang pakampante dahil kung pinaghandaan nya yung exam nya. Mas pinaghadaan ko naman at mas nag aral ako ng triple para makapasa ako

...

Hay salamat naman at natapos ko ng sagutan lahat ng exams namin. Grabe! Natuyo talaga yung utak ko tsk Prelim pa naman. Pano na lang kaya sa sumunod? Tsk.

Kinuha ko yung cellphone ko dahil tumunog hmm. Pagbukas ko ay nalaki agad yung mata ko.

From: 09*********

CONGRATULATIONS! YOU HAVE BEEN INVITED TO ENTER MAGICZELLE ACADEMY. HAVE A GREAT DAY!

SEE YOU SOON JAAZIEL SHEN

Nabitawan ko agad yung cellphone ko. How did they know my name? Wala naman akong binigyan ng number ko ah. It's impossible

Dali dali akong umuwi samin dahil parang hindi maganda yung pakiramdam ko.

...

Chapter 1 done! Comment and vote for dedication! Thank you!

Alcania World (Where Magic do Exist) (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon