Alcania 3: Alcania

8 1 0
                                    


Victoria

Kasalukuyan akong nagliligpit ng gamit ko para mamaya ay wala na kaming iisipin ni Jaaziel. Kailangan na naming bumalik agad agad sa Alcania World para matulungan yung pamilya namin doon. Nilagay ko na sa maleta yung mga importanteng bagay at bahala na yung mga ibang gamit ko.

Pagkatapos kong magligpit ay pumunta ako sa kwarto ng anak ko para makita kung ano ang ginagawa nya.

Kumatok muna ako.

Pasok! Narinig kong sagot mula sa loob. Kaya agad agad ko namang hinawakan ang doorknob para buksan ito.

Oh ikaw pala ma. Anong sadya mo dito? Sabi nya.

Wala lang. Tara na at kailangan na nating makabalik sa Alcania as soon as possible. Sabi ko sa kanya ata agad namang nagliwanag ang mukha nya.

Ok po.

Gumawa na ako ng lagusan para madali kaming makapunta doon. Nasa huling stage na ako ng mapansin kong may mga Dark Sorcerers ang nakapaligid sa bahay namin. Shit! Natunton na nila ang bahay namin. Nagmamadali kong tapusin ang portal ba ginawa ko para hindi nila kami abutan.

Tama tama ring nakapasok na kami sa portal at ng paglingon ko ay tuluyan na silang nakapasok sa bahay. Phew! Muntik na yun ha.

It takes us few minutes para makarating sa bukana ng Alcania. How I miss this place. Kailangan muna naming magtago dahil hindi pwedeng basta basta na lang kami papasok dito ng walang dalang plano.

Uhm ma, San tayo tutuloy ngayon?

Sa isang lugar na hindi mo pa napupuntahan anak. Ang lugar kung saan una kaming nagkatagpo ng papa mo. Ngiting saad ko sa kanya at sya naman ay bahagyang kinilig.

Nagsimula na kaming maglakad at hindi pa rin nagbabago ang lugar na ito. Ang ganda pa rin. Habang patuloy kami sa paglalakad ay may mga presensya kaming napansin kaya nagtago kami kaagad at tinago ang presensya namin. Tsk! Mga dark sorcerers na naman. Kahit magtago pa sila sa ibang anyo ay makikita at makikita ko pa rin ang aura nila.

Tsk! Bilisan nyo nga dyan! Baka may makakita pa satin at mabuko pa tayo. Alam kong naghihinala na ang council ng mundong ito sa atin. Pagalit na sabi ng isang lalaki na mukhang nasa mid 20s pa. Mukhang makapangyarihan rin ang isang to dahil sa aura na lumalabas sa kanya. Hindi din sya basta basta. Kailangan bigyan ko sila babala.

Masusunod po Prinsipe Miles. Sabi ng isang matandang lalaki at batang babae. So isa pala syang prinsipe. How lucky I am dahil nakita ko ang prinsipe nila.

Hay salamat naman at tuluyan na silang umalis. Kailangan naming magmadali ni Jaaziel dahil maggagabi na hindi ligtas ang bukana na ito pag gabi.

Jaaziel

So sya pala ang prinsipe ng mga Dark Sorcerers? Well may itchura naman sya at yung katauhan nya ay sumisigaw ng arrogance at authority. Tsk! Tiningnan ko ang ulap at maggagabi na pala. Kailangan na naming makarating sa lugar na sinasabi ni mama sakin. Nakakapagod na rin kasing maglakad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alcania World (Where Magic do Exist) (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon