Alcania 2: Letter

15 2 0
                                    

Jaaziel

Maaa! Whooh! Grabe nakakapagod naman tumakbo papasok dito sa bahay. Eh bakit kasi ako tumatakbo? Tsk! Shunga rin ako no?

Nasan ba si mama? Mahanap nga sa kwaeto niya. Dali Dali akong umakyat sa kwarto nila pero wala sya doon. Isang lugar lang naman ang pinupuntahan nya eh kaya dali dali akong pumunta doon.

At ayon nga nasa kusina si mama kasalukuyang nagbe-bake. Kaya pala hindi nya ako narinig eh naka headset pala.

Niyakap ko ang mama ko sa likuran.

Oh anak? Bakit? Tanong nya habang nililipat sa pinggan yung binake nyang cupcakes

Eh kasi--

A no nga yun?

Pinakita ko kay mama yung text na natanggap ko.

Bat na naman sila nagpaparamdam satin? Umalis nga tayo don para makapamuhay tayo sa mundo ng mga tao tapos eeksena sila?

Galit na sabi ni mama. Oo tama ang basa nyo. Hindi kami mga ordinaryong tao lang. Were beyond ordinary.

Baka nagsisimula na naman yung mga Dark Sorcerers na manggulo doon ma.

Sagot ko naman sa kanya. Gusto ko rin naman bumalik doon kasi namimiss ko na yung kuya ate at papa ko. Nagpaiwan kasi sila sa Academy para may mamahala doon at pumarito kami sa mundo ng mga tao para ligtas kami.

Tsk! Kahit kailan talaga hindi maubos ubos ang kampon ng mga Dark Sorcerers.

Nilalagyan na ng icing ni mama yung cupcake na binake nya at ready to eat na.

Kaya nga ma eh. We need to go back to Alcania World para maging aware tayo sa kung ano man ang pangyayari doon.

Pagkukumbinsi ko kay mama na bumalik sa totoong mundo namin.

Nagbuntong hininga muna sya at malalim ang iniisip.

Okay. Babalik tayong Alcania World as soon as possible.

At nginitian ako ni mama. Niyakap ko si mama ng sobrang higpit dahil sobrang saya ko. Halos mapunit na ang labi ko sa sobrang saya. Abot hanggang tenga.

Nagpaalam muna ako kay mama na pupunta muna akong kwarto ko kasi magbibihis ako. Pagpasok ko sa kwarto ay sumigaw sigaw ako at nagpagulong guling sa kama.

Yes! Babalik na kaming Alcania World.!

Walang pagsidlan ang sayang nararamdaman ko. Grabe after how many years ay babalik na ako sa totoong tahanan namin. Atlast!

Namimiss ko na yung room ko doon yung mga friends ko at syempre ang school. Dahil wala naman akong ginagawa ay mag iimpake na lang ako. Tutal babalik na naman kaming Alcania World.

Inuna ko muna yung mga damit ko sunod mga pants dress shoes etc. Whooah! Grabe nakakapagod naman mag impake ang dami kasing ng mga gamit ko eh.

Pagkatapos kong mag impake ay nahiga na ako sa kama dahil sobrang napagod ako. Grabe! Im so tired.

(Tok! Tok!)

Tss. Ano yun. Tiningnan ko yung bintana at may isang itim na uwak ang patuloy sa pagtuka ng bintana ko tsk storbo naman.

Binuksan ko ang bintana at may nakita akong liham. Kinuha ko ito at binasa.

Mahal kong Jaaziel,

Alam kong nakatanggap ka ng imbitasyon galing sa paaralan pero pagnakabalik kayo dito ay hwag na hwag mong ipagsabi ang totoong pangalan mo at totoong itchura mo dahil nagkalat na sa loob ng paaralan ang mga Dark Sorcerers. Ikaw ang hinahanap nila. Pagpasok mo dito sa paaralan ay ibahin mo lahat ng ano ka pati na rin ang mama mo. Magpanggap kang walang alam at mag iingat kayo palagi ng mama mo at mahal na mahal ko kayo.

P. S. Pagnabasa mo ang liham na ito ay kusa itong masusunog at maglalaho.

Nagmamahal, Daddy Chloiyd.

Kusang tumulo ang luha ko dahil sa nabasa ko. Di ko namalayan na nanginginig na pala ang buong katawan ko dahil sa sobrang galit ko.

Humanda kayo mga Dark Sorcerers pababagsakin ko ang lahi nyo! Tsk! Kailangan na talaga naming bumalik ng Alcania World.

Agad agad naman akong bumaba at hinanap si mama para masabi ko sa kanya ang pinadalang sulat ni papa.

Nadatnan kong nagbabasa rin ng sulat si mama. So pareho pala kaming pinadalhan ng liham ni papa.

I know what youre thinking Jaaziel. Plain na sabi ni mama sakin. Ngayon ko na lang ulit sya nakitang ganito makalipas ang maraming taon.

Maghanda ka dahil bukas na bukas ay babalik na tayo ng Alcania World. Pagkatapos nyang sabihin yun ay agad agad naman syang umakyat sa kwarto nya.

Mom is hella scary and damn right now. Pareho silang dalawa ni papa. Pag galit ay galit talaga sila.

Just wait and see Dark Sorcerers we will bring you down. You pissed the queen of Alcania World and you will pay the price for it.

Nasabi ko na lang sa hangin.

(Victoria)

Kasalukuyang nandito ako sa kwarto ko para magimpake ng mga gamit ko. Humanda talaga kayo Dark Sorcerers we will bring you down! Tsk!

Wala akong sinayang na oras at nagmamadali akong mag impake ng mga gamit ko. Gagamitin namin ni Jaaziel yung invitation para makapasok sa Alcania World. Kailangan muna naming mag lay low at gumawa ng panibagong katauhan para hindi kami makilala agad ng nga Dark Sorcerers. Kailangang planuhin namin ito ng maigi ni Jaaziel para hindi kami mabulilyaso sa mission namin.

Bukas na bukas ay magdidiscuss kami ni Jaaziel ng mga bagay bagay para ligtas kami at hindi makilala. Uubusin ko lahi nyo. Just wait and see.



Alcania World (Where Magic do Exist) (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon