Okay? Wala akong maisip na plot dito. I'll just use my... kung ano man yun! xD
As usual, another woman
means...
Another sin.
Avarice:
"A Piece Of Curse"
-o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o-
"AAAAAAAAHHHHHHHHHH!" nagulat ang mga tao sa library nang biglang nagsigawan sina Devon, Mica at Godmay.
Nagtinginan silang tatlo at tinakpan ang kanilang mukha ng libro.
Oh fudge! Nakakahiya! Isip-isip ni Godmay.
"Mga siraulo kayo. Nakakahiya yun ahhh!" bulong ni Godmay kanila Devon at Mica.
"Ikaw kasi ehhh! Ginulat mo kami!" sagot ni Mica kay Godmay.
"Nakakagulat ba yung ginawa ko?"
"Ay hindi! Natuwa lang kami kaya kami napasigaw." singit ni Devon.
"Tara! Labas na tayo." yaya ni Mica.
"Sige." na siya namang sinang-ayunan nina Devon at Godmay.
-o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o-
"Eeeeeeeeeeehhhhh! Loko kayo! Hindi ko na tuloy natapos yung librong binabasa ko." reklamo ni Mica habang hinahampas ang braso ni Godmay.
"At kami pa talaga ang sinisisi mo samantalang ikaw ang nagyaya palabas." singit na naman ni Devon.
"Eeeeeehhhh!" halos magsisisigaw si Mica sa hallway.
"Guys, tuloy natin yung kuwentuhan." yaya ni Devon.
"Hmp! Ayoko na! Pag nagulat or natakot kayo ako na naman sisisihin niyo." reklamo ni Godmay. Pano kasi, siya pagkuwe-kwentuhin tapos kapag nagulat sila o kaya naman ay matakot, siya ang sisisihin.
"Ano ba yan! Panira ng kaligayahan!"
"Hmmmm. Alam ko na!" biglang nagliwanag ang mukha ni Godmay. "Naaalala niyo pa yung ikuwinento ko about dun sa 'Composer's Mansion'?"
"Uhhmm. Oo! Ano yun? Uulitin mo yung kuwento?" tanong ni Devon.
"Hindi." at tumingin si Godmay kina Devon at Mica na tila ba may masama itong binabalak sa kanilang dalawa.
"Oh my god! Don't look at us like that." reaksyon ni Mica sa titig ni Godmay.
"I..."
...
"dare you..."
...
"to enter the 'Composer's Mansion'!" wika ni Godmay habang pilit niyang pinapalalim ang kanyang boses.
"Are you insane? Ikaw nga hindi mo kaya, ako pa kaya?" - Devon
"Hindi lang namin ikaw mag-isa ang papasok ehhh! Kasama mo ako pati si Mica."
"Hala? Pumayag na ba ko?"
"Wala nang magba-back-out. Papasukin nating tatlo ang 'Composer's Mansion'."
-o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o-
Devon's house
BINABASA MO ANG
Maidens of Sins
HorrorSeven women. Seven sins. Seven lessons. All, in one compilation of seven creepy stories.