Another woman, another sin.
Gluttony,
"Dinner Buffet Ticket"
-o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o-
*Rumble*
Nagugutom na si Kelly pero hindi parin natatapos ang Math period. Gusto na niyang magreklamo sa teacher niya dahil sa tagal magdiscuss pero hindi naman pwede.
*Rumble*
"San nanggagaling yung tunog na yun?" lumingon si Abby kay Kelly at ngumiti na parang alam niya ang sagot sa tanong niya. "Looks like galing na naman kay Kelly."
"What's new?"
Nagtawanan ang lahat ng classmates ni Kelly samantalang si Kelly naman at isunubsob ang mukha niya sa armchair niya.
"Class! Quiet!"
Thanks ma'am for saving me. (-,-")
"Okay class, so overtime na pala tayo. I'll just continue the discussion for tomorrow."
*whole class* "Goodbye ma'am!"
-o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o-
"Kelly, ang dami mo namang binili. Mauubos mo ba yan?" nagtataka si Gracia dahil sa dami ng biniling pagkain ni Kelly. May burger, potato chips, choco drink, gatas at cupcake.
"Gutom ako kanina eh. At tsaka marami naman akong pambili kaya ayos lang kahit hindi ko 'to maubos." nagsimula nang kaumain si Kelly.
"Ubusin mo yan. Maraming batang nagugutom."
"So? Pag ba nabusog ako, mabubusog sila?"
"Hindi. I mean, ang swerte swerte mo at nakakabili ka ng ganyang karaming pagkain ng hindi ito pinaghihirapan samantalang sila, kailangan muna nilang magtrabaho buong maghapon para may makain."
"Paki ko ba sa kanila? Edi kainin nila yung tira ko kung gusto nila."
"Ang sama mo naman."
"Eh bakit mo ba kasi pinagtatanggol yung mga yun? Ako ang kaibigan mo. Sila, hindi mo kilala. Kaya dapat sakin ka kampi."
"Bahala ka na nga lang diyan. Kumain ka na."
-o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o-
"Oh ano? Di mo naman naubos yung binili mo."
"Eh?! Ano naman ngaayon?"
"Alam mo Kelly, ayos lang naman kumain ka ng marami pero wag sobra sobra. Yung tipong nasa point ka na ng pagsasayang."
"Ano bang problema dun? Binabayaran ko naman eh! Bahala ka na nga diyan." tumakbo si Kelly pabalik sa classroom at naiwan si Gracia sa kinatatayuan niya.
"Kelly!"
-o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o--o-
After class, nakaramdam ulit ng pagkagutom si Kelly kaya naisipin niyang kumain muna sa canteen na malapit sa labas ng school nila. Hindi niya kasabay si Gracia ngayon dahil sa hindi niya ito pinapansin.
"Uhm... Pa-order nga po ng burger steak, one piece chicken meal, mushroom soup, large fries tsaka large na coke float."
"Okay ma'am. So you ordered one burger steak, one one-piece chicken meal, one mushroom soup, one large fries and a large float. 230 pesos ma'am."

BINABASA MO ANG
Maidens of Sins
HororSeven women. Seven sins. Seven lessons. All, in one compilation of seven creepy stories.