unexpected superhero :">

103 2 0
                                    

Everyday update ♥ thankyou sa mga nagread :">

"Hindi na... Girlfriend ko sya e...." nastuck sa ulo ko yun. Grabe naman kaya nyang sabihin yun?! Oo syempre kung iisipin ko yung sarili ko magagalit talaga ko kasi nagsisinungaling sya,pero sa sitwasyon kasi namin ngayon,lalo na na Sikat sya at nobody lang ako,nakakatuwa kasi hindi nya inisip na baka masira ko yung reputation nya.. tinarayan lang ako nila Samantha tapos umalis na sila.

ALEXA: Bakit mo naman sinabi yon?

PATRICK: Para di ka nya guluhi, wag mong pansinin yon.

ALEXA: Di ka ba nahihiya? na baka ipagkalat nya yon? 

PATRICK: Hindi ...

ALEXA: whaattt?! nasisiraan ka na ba ng bait?

PATRICK: Sa tingin ko nga din e.. kasi parang tanga ko kanina, hindi ako sumama sa tropa ko para maglaro ng basketball.. instead bumalik ako sa school kasi alam ko may babaeng magisa dun at kailangan ako...

napatingin ako sakanya,Ano ba tong naririnig ko? Nananaghinip ata ako.. yung lalaking hindi mabubuo ang araw kung hindi ako bubuwistin ganyan ang sinasabi ngayon? Ako ata ang nababaliw e.

PATRICK: baka matunaw ako nyan hehe.

ALEXA: Ah sorry.. ahm dito nalang ako,nakakahiya naman e.

PATRICK: kung yan gusto mo sige.. Pahabol ka sa snatcher ah. (sabay ngiti.)

  Tumawa lang ako ng mahinhin. kinurot nya yung pisngi ko.

PATRICK: HAHA Ang taba mo pala !! sige na !

              Hindi padin ako maka get-over sa sinabi nya.Bakit naman ganun? Nakainom ba yun?

Paguwi ko bless lang kay mama at papa tapos nagayos na ko ng susuotin ko para sa meet up. Excited na ko makita si Gerald!! Hinanap ko yung dress ko na floral tapos flats. Ok na to. Isang araw nalang kasi yun e.

            Nagubukas na ko ng twitter ko,Saktong iti-tweet ko palang yung   "I'm so excited for @GeScott 's meet-up." nagtweet si Gerald "Hi guys from QC, I'm sorry I can't come to the meet-up on sunday,I've got lots of thing to do.Really sorry.." na stuck ako for the moment. Ha? Kung kelan prepared na prepared na ko tsaka naman sya aatras ? FOUL na yun!  Ano nalang gagawin ko? Grabe naman to si Gerald.Daming nadisappoint syempre pero satingin ko wala ng mas lalala sakin. pinatay ko nalang yung computer tapos nahiga ako. 

"Ano ba yan Gerald! Bakit ang paasa mo?" sabi ko sa sarili ko.. Well sa picture ni Gerald na punong-puno ang kwarto ko. Hehehe. Obsession na ata to e.Pero ayaw ko naman sirain araw ko kaya natulog nalang ako.

      Wooohh SABADO NA! walang pasok awyiieee! Kaso tambak HWs kaya di din ligtas.Nalulungkot padin ako kasi special day dapat bukas e. Tinignan ko agad cellphone ko 3 unread messages:

AISHA: Sorry bes,di daw tuloy bukas..

CHRIS: Hi Alex! ☺

Unknown number: Hello beautiful ☺

Yung secret admirer ko ata yon. tinanong ko kila Aisha kung sino yon, di din daw nila kilala. Grabe hanggang weekends ba naman talagang gumagawa siya ng paraan.Pero okay lang sweet naman.

ALEXA'S MOM: Nak.Alex. Gising ka na ba?

ALEXA: Opo Ma.

ALEXA'S MOM: Halika lumabas ka dito sa kusina at may iuutos ako sayo.

ALEXA: OPO!

 parte naman ng weekends ang utos e.Wala akong magagawa.

ALEXA'S MOM: Anak, uutusan sana kitang pumunta sa SM.Bili ka neto.

 pumayag naman ako.Naligo ako tapos nagready na.Hinatid ako ni Dad.Grabe yung feeling na ang daming tao sa SM tapos ikaw magisa ka lang.. Maya-maya may sumigaw 

"MAY BOMBA!!"

Nagtakbuhan yung mga tao,Nagiyakan, yung iba bumama nalang at nagdasal. Ako na stuck ako sa may gitna di ko alam gagawin ko, tatakbo ba ko o o luluhod din o iiyak.Maya-maya may tumatakbong mama na sobrang bilis lahat ng nasa harap niya hinahawi nya.Hinawi nya ko ang lakas niya.Alam nyo yung saying nila na "My life flashed before my eyes.." parang ganun yung nangyari sakin.Akala ko the end na..pati yung kwento na to.. Kaso may sumalo sakin sa likod ko.Di ko maaninag kung sino siya basta buhat niya ko habang tumatakbo siya palabas. Nang nakalabas na kami ng mall medyo umonti yung mga tao tapos mga nahimasmasan,

Binaba nya ko.Tinignan ko kung sino siya... nabigla ako! di ko akalain na si....

my 3 prince Charming?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon