"Hey there little pichii" greet ko sa alaga kong zhitsu na color white and brown. Napaka sweet daig pa ang mga boyfriend niyo.
Knock knock
"Shet naman oh. Kadarating ko lang may pumupun--" so ayon na nga hindi ko pa pinapasok pumasok na agad "hi there my precious sister." Bati ko kay Ceska. Yan nanaman yung mala puso niyang mata
Naka kuha nanaman ata ng boylet
"Ano nanamang kalandian ang ilelesson natin sa araw na ito?" Wala kong ganang sagot sakanya
"Grabe naman sa kalandian little sister. Dont worry titigil na ako sa kalandian ko because!!! Im pregnant my sissy." Ha?! Ano?! Wtf
"Are you stupid idiot CESKA?! Hindi ka pwedeng mabuntis shet. 3rd sem ka palang right?! Mapapatay ka ni Dad pag nalaman niyang bu---" di ko pa natatapos yung sasabihin ko ng magsalita nanaman si Ceska
"Dont worry si Aeron naman ang daddy ng dinadala ko and Im sure na matutuwa sila" kampanteng sagot niya at hinawakan ang tummy niya "my little. Welcome to my love list baby! Mommy loves you"
Bigla naman akong naluha. Actually Im excited to be call tita soon. Akalain mo yun?
"So come with me little sister, dinner na. I-aannounce ko ito"
Bumaba naman ako dahil pinapababa na ko ni Ceska. Magkakasama kami ngayong kumakain. Si daddy sa middle at sa gilid si mommy na katabi ni ate Cez at sa kabilang side naman katabi ko si Ceska
"Dad, mom I need to tell you something" si ate Cez. Nagbigay siya ng tipid na ngiti at tska tinignan kami isa isa. Agad namang sumingit si Ceska, epal talaga
"Dad me too I have" si Ceska
"Go ahead ladies. Ikaw Cheska wala kabang sasabihin?" Tanong ni mommy sakin
"Ahm wala po. Maids and guards pwedeng iwan niyo muna kami?" Nagsialisan ang mga alipores at sumenyas ako kay ate Cez ng GO AHEAD, TELL IT NOW
"Dad, mom I know na nasa right age na ako for this and I know how to manage my self. Im pregnant" biglang napanga nga sila mom at dad pati narin kami
"W-what?! A-are you pregnant?" Naguguluhang tanong ni Ceska "D-dad Im pregnant too" nabigla nanaman si daddy at sila ate Cez
"Ceska? Dont fool us" mahinang sabi ni ate Cez
"Why would i? Why? Ikaw lang ba dapat ang magdalang tao?" Pinisil ko ang kamay ni Ceska at sinamaan niya ko ng tingin
"Masyado ka pang bata" ate cez
"Eh halos isang taon lang naman ang agwatan natin ah? Problema ba yun? Masyado kang epal eh" umawat si mommy at pinigilan si Ceska
"Ceska, Cez enough"
"Yan kasi ang hirap sayo, gusto mo ikaw lang ng ikaw. Puro nalang ikaw, gusto mo ikaw yung laging pinupuri, gusto mo ikaw lang yung nangunguna. Such an immature!" Sigaw ni Ceska kay ate Cez na kinagulat ni daddy
"Hindi ako nakikipag kompitensya sayo Ceska. You know me, ginagawa ko lang ang role ko bilang panganay" mahinahong sagot ni ate Cez kay Ceska
Alam kong wala ng papatunguhan tong usapan na to. Kelangan ko ng pigilan ang dalawa kong kapatid
"Hindi niyo kelangang mag sagutan sa harapan ng parents natin. You should know how to respect our mains, pwede ba?" Sabi ko. Nilingon ako ni ate Cez at sinamaan ng tingin
"And the saints speak. Who are you to speak that way? Bka nakakaimutan mo na mas nakakatanda ako sayo" biglang sabi niya na kinagulat naming lahat.
"And the Maria Clara revealed who is the real one." Sagot ko naman
"Cez, Ceska, Cheska! Enough! All of you should learn how to respect. Ganyan na ba kayo ka walang modo? Sa harap ng mga magulang niyo nagsasagutan kayo? Hindi niyo na kelangang magtalo sa pagbubuntis niyo dahil parehas ko kayong anak at apo ko ang dinadala niyo. Sorry Cheska nadamay kapa sa gulo ng mga kapatid mo." Sabi ni daddy tska siya nagbigay ng tipid na ngiti
"The favorite daughter" hirit pa ni Ate cez. Hindi na talaga siya magpapapigil "The hindi magpapatalo and the favorite Daughter" dagdag niya pa tska naman nagkulo ng bonggang bongga ang dugo ko
"Ofcourse THE MARIA CLARA" I said with smirk
"Masyado ka na talagang bastos. Hindi mo alam kung pano ang gumalang Francheska!" Sigaw nanaman niya sakin at akmang sasampal ito pero wala dumamping palad sa pagmumukha ko
"Stop it Cez! Hindi mo kelangang pag buhatan ng kamay si Cheska!" Sigaw ni Ceska.
Bigla namang pumatak ang luha ko. Ceska is my favorite person, She is my first bestfriend, my first doctor. I remember when I was seven years old, wala sila mommy dito at kami lang ni Ceska ang nandito sa bahay kasama ang mga maids. Pinabantay kami nila mommy sa mga maids at sabi rin niya kay ate Cez na huwag siyang aalis pero laging umaalis si ate Cez tapos dumating yung day na nagkaroon ako ng lagnat tanging si Ceska lang ang nag alaga sakin. Ceska is my savior. Mahal na mahal ko yan kahit may kalandian siyang taglay
"Wag ka ngang makealam dito!" Sigaw niya kay Ceska
"FRANCEZ! Enough! IPAKITA MO NAMAN NA MAY NATITIRA KAPANG RESPETO!" Sigaw ni mommy kay Cez
"S-sorry po ma. Sorry" yun lamang ang nasabi niya tska siya tumakbo pataas
"Are you okay little sister? Okay kalang ba? Shhh stop crying na. Hayaan mo siya" iniangat ni Ceska ang mukha ko at tska pinunasan ang mga luha ko
Natapos ang pesteng dinner na ito ng walang kakwenta kwenta. Ewan ko ba my family is my weakness. Yes I admit na maldita ako pero ang pagmamaldita ko ay inaayon ko sa sitwasyon at sa mga taong pinakikisamahan ko. Never akong sumagot kila mommy at daddy kasi nirerespeto ko sila. They are the reason why Im here at kung bakit ako nag exist dito sa mundong ito.
Arghhhhh, I HATE YOU FRANCEZ!!! Nakakainis. Si Francez kasi yung tipong akala mo birhen kung kumilos pero kaming magkakapatid lang ang nakakaalam ng tunay na baho niya. I warned her before na ibubulgar ko ang baho niya oras na bastusin niya ang taong nagpalaki at naghirap mabuhay lang kami.
Simula pagka bata namin lagi naming pinagtatakpan ang baho niya. Yung mga pagkakamali niya, kami naman netong si Ceska susunod sunod naman na parang tanga na puro 'YES ATE' hayst. Okay na ring nakita nila ang tunay na ugali ni Cez