PROLOUGE

7 0 0
                                    

Bawat isa sa atin ay may taong nakatadhana.Di pa man natin nakikita sa ngayon pero dadating ang araw magtatagpo na kayo sa di inaasahang pagkakataon.

Minsan nakakasalubong mo na sila,nakikita at minsay napapansin mo pa.Kahit wala pa pero maghintay ka kasi may ibibigay ang diyos para sa iyo,at yon ay ang taong mamahalin ka ng totoo.

Mabait,Magalang at may Respeto sayo,Handang gawin lahat para sayo,Kaya kang alagaan hanggang dulo,Tatanggapin at mamahalin kung ano ka,at higit sa lahat ay Mamahalin ka ng totoo at kahit kailan ay hindi ka sasaktan.

Iilan lamang yan sa tipo ng mga babae sa lalaki.Pero halos karamihan ganyan na ganyan ang hinahanap na klase ng tao.Kagaya ko.

Pero paano kung mahulog ka sa isang lalaki na kahit kailan ay hindi ganun ang klase ng tao na pinapangarap mo, na kagaya ng magalang,marespeto at kahit ano pang magagandang asal na gusto mo sa lalaki,pero paano kung napakalayo niya sa mga tipo mo .

Mamahalin mo ba siya kung isa siya sa mga taong kinaayawan mo?Mamahalin mo ba siya kahit gaano kasama ang ugali niya?Mamahalin mo ba siya kahit napakasungit niya.At higit sa lahat ay mamahalin mo ba siya kahit Badboy at Playboy siya?

Paano kung mahulog kayo sa isa't isa ng hindi sinasadya?Mapipigilan mo bang mahulog sa isang tulad niya?Kaya mo bang pigilan ang sarili na mahulog sa taong minahal mo ng di sinadsadya?

Hindi hinahanap ang pag ibig, dahil dadating lang yan ng kusa lalo na sa tao at panahong di mo inaasahan.

Kaya tayo paulit ulit na nasasaktan dahil lahat ng iyon ay may dahilan.Ang dahilan na hindi pa siya ang taong para sayo.At ang dahilang hindi siya karapatdapat sayo.

Hindi man natin alam kung sino siya pero dadating ang panahon na wala kang kaalam alam na kung sino pa ang kinaiinisan mo siya pa pala ang mamahalin mo ng todo.

Kaya't hintayin na lamang ang panahon iyon Ang makatagpo ng isang mamahalin mo at mamahalin ka ng totoo.

Hindi mo rin alam na ang taong kinaiinisan mo ng todo,siya pa pala ang magmamahal sayo ng totoo.

Siya na pala talaga ang para sayo at ang nakatadhana para sayo......

At darating sa punto na magtatanong ka na lang sa sarili mo na...siya na ba?Siya na ba ang para sa akin?Siya na ba ang mamahalin ako ng totoo?At siya na rin ba ang taong matagal ko nang hinhintay?

It Might Be YouWhere stories live. Discover now