A Night to Remember & Forget

16.4K 280 5
                                    

May kung anong pamilyar sa dancer. Pero hindi niya matukoy kung ano. Sigurado naman siyang hindi niya kilala dahil inupahan ito ng mga kaibigan niya para sa gabing 'yon. Still, the dancer has this certain allure na sa iisang babae lang niya nakikita. Kay Georgina Valdez.

College pa lang ay alam niyang may tama sa kanya si Georgina. Kaya lang ay hindi niya type ang babae. Masyado itong agresibo 'pag may ginusto. At walang ginusto si Georgina na hindi nito nakuha. Kaya hindi niya pinansin ang babae dahil naniniwala siyang isa lang siya sa mga kapritso ni Georgina.

Hindi ito sanay na tinatanggihan kaya habol nang habol sa kanya. Sa bawat pagkakataon naman ay gumagawa siya ng paraan para iwasan ito. Aaminin niyang nagagandahan siya sa babae. She's talented, too. Ganoon pa man, hindi maipagkakailang sanay magmanipula ng tao ang babae. At hindi siya papayag na maging laruan ni Georgina.

Bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Lee. The woman slid down the pole with grace, head first. Halos magwala ang mga kaibigan niya. Nang makatayo ang babae ay muli itong humawak sa poste at nagpaikot-ikot habang naka-extend ang isang braso. For a moment ay mukha ni Georgina ang nakikita niya sa dancer. Ipinilig niya ang ulo.

You're one big fool, Leandro. 

Pagkatapos ay bumitaw ang dancer at lumapit sa kanya. Hindi na siya nagulat nang kumandong sa kanya ang babae na nakatalikod. Naamoy niya ang pabango nito. Kumunot ang noo ni Lee. The smell is familiar that it sent his scalp tingling.

"Bedroom," mahina pero dinig niyang bumulong ang babae. She moved her hips suggestively before leaving. To his horror, Lee found his body responding.

Fuck!

Habang tuloy-tuloy ang pagsasayaw ng babae ay hindi maalis-alis ang tingin ni Lee dito. May gayuma yata ito dahil nawala na sa kamalayan niya ang mga nangyayari sa paligid. Kahit ang mga kaibigan niya ay hindi na niya naririnig.

Her performance ended too soon. Namatay ang mga ilaw kasabay ng huling nota ng sinasabayang tugtugin ng babae. Nang bumalik ang ilaw ay wala na ito. Ibang performer na ang nasa make-shift stage.

Napatayo siya, hawak pa rin ang bote ng alak. Dalawa na sa kaibigan niya ang tulog sa isang sulok at apat pa ang malapit na ring bumagsak na pilit ini-enjoy ang bagong performance. Si David ay nasa isang sulok, subsob na rin sa mesa.

Parang may sariling isip ang mga paa na dumiretso sa kuwarto niya si Lee. Hindi niya sigurado kung nandoon ang babae pero nagbakasakali siya. Or maybe she's gone, katuwiran ng isang bahagi ng utak niya. Dahan-dahan niyang pinihit ang door knob.

Fuck.

She was only a silhouette against his window. Natatabunan ang babae ng manipis na kurtina. Walang ingay niyang isinara ang pinto, ni hindi na niya ini-lock. Paglapit niya sa dresser ay ipinatong niya ang hawak na bote at nilapitan ang babae. Nakatanaw ito sa mga nagkikislapang ilaw sa labas. Hindi ito kumikilos sa kinatatayuan, parang naghihintay na makalapit siya.

"Hey," mahinang bulong niya saka hinawakan ito sa balikat. Her smell proved to be too much. Niyuko niya ang balikat nito at hinalikan. Suot nito ang robe niya na iniwan niyang nakasampay sa upuan. Fire burned in his veins with the knowledge.

"Took you long enough," sabi ng babae bago humarap sa kanya.

"I'm here."

Tumango ito. "That's all that matters."

"You're mine tonight," deklara niya.

She took a long drag of air before pulling down his head. "Yours."

Lust roared inside him when their lips met. Sa buong buhay niya ay hindi pa siya nakaranas ng ganito katinding pagnanasa sa kahit na sino. Kahit sa fiancee niya. Ano bang mayroon ang babaeng ito at ganoon na lang kung magwala ang demonyong nasa katawan niya?

Georgina's Sun (Version 2.0)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon