Mine at Last

16.7K 362 66
                                    

Tumawa si Georgina nang mapakla. "Wag ka nga. Seryoso, Leandro. Paano mo ako nasundan dito?"

"Pamangkin ng OB mo ang isa sa mga OJT namin. Nadaanan ko siya sa work station niya minsang lunch break. Saktong nailipat na niya sa picture kung saan kasali ka. When I asked her about it, sabi niya ay kuha daw 'yon sa clinic ng Tita niya sa New Zealand."

Ang liit talaga ng mundo. Sa daming kompanyang pwedeng pasukan ng pamangkin ni Dr. Patricia Rowe ay doon pa ito nag-OJT sa kanila ni Lee.

"I didn't know you're pregnant, so I asked her about you. Hindi ka naman niya kilala kaya sa Tita niya siya nagtanong na ka-chat niya that time. Sabi ng Tita niya, isa ka raw sa mga pasyente nito. Noong una kinutuban na ako. But I need to be sure so I made her ask again. I put one and one together."

"I see."

"So tell me, bakit hindi mo ako kinontak nang malaman mong buntis ka?"

Nagkibit-balikat siya. "Ayaw ko nang guluhin ang buhay mo."

"Ano pa bang igugulo eh ginulo mo na dati pa?"

Napayuko si Georgina. "I'm sorry."

"Do you really mean that?"

"Yes."

"Then marry me."

Himalang hindi siya nagka-stiff neck sa bilis ng paglingon niya kay Lee. Awang ang bibig na nakatingin lang siya sa binata, ayaw lumabas ng mga balak niyang sabihin. Pati vocal chords yata niya ay na-shock sa biglaang alok ng binata.

"May sakit ka ba?" tanong niya.

"I'm perfectly healthy, physically and mentally. Kailangan mo ba ng medical certificate? Bukas na bukas din ay magpo-provide ako bilang ebidensya."

Pinakatitigan niya si Lee. Imbes na mailang ay lumaban ng titigan sa kanya ang binata hanggang sa siya ang sumuko. Kunwari ay sinalat niya ang noo nito.

"Wala ka namang lagnat pero kung magbitaw ka ng salita para kang nagdedeliryo," aniya.

Lee grabbed her hand. Tinangka niyang bawiin 'yon pero hindi pumayag si Lee. Lalo pa nitong pinagbuti ang pagkakahawak sa kanya. His long fingers entwined with hers, making escape impossible.

"I'm not sick, I'm not delirious either."

"Then what?" medyo may angil na ang boses niya. Pinaglalaruan na naman ba siya ng lalaki? O baka naman sinusubok lang nito ang damdamin niya? Ilang buwan silang hindi nagkita. He must be in need of some kind of validation of her feelings. Pero kung iisipin, bakit naman gagawin ni Lee 'yon? Eh mas malabo pa sa tubig baha and takbo ng utak nito.

"I'm just a man, sitting beside a girl hoping that she still loves me."

Imbes na matuwa ay lalo siyang nairita. She forcefully snatched her hand. "Gagohan pala 'tong usapan na 'to eh. Makaalis na nga."

"Wait, wait, wait. I'm sorry, okay? I'm not good with words. But please hear me out first. Please?"

Dapat umalis na siya. Dapat ay tinalikuran na niya si Lee. Hindi na siya dapat magpadala sa nakikiusap na mga mata nito. She realized her brother's animosity towards Lee is not unfounded. Somehow, alam ng Kuya Gael niya na kasing nipis ng papel lang ang depensa niya laban kay Lee. Tinitigan niya nang masama ang binata pero hindi ito nagpatinag.

Lee took a deep breath before speaking. "I have never known fear so great it rendered me useless until the night you were shot. Nang bumagsak ka sa katawan kong duguan, it felt like my heart stopped. Takot na takot ako noon, Georgina. I'm so scared na sa susunod kong paggising wala ka na sa mundong 'to."

Georgina's Sun (Version 2.0)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon