KABANATA 3

3 2 0
                                    

Hinintay muna ni Gian na makauwi sina Ninang at Lola kagabi bago siya nagpasundo sa drayber niya. Rangya ng buhay, e!

Hindi rin kasi ugali non na iwanan ako. Kapag alam niyang mag-isa nalang ako kung umalis siya, hindi na siya aalis. Simula pa yan noon. Pero 'pag ginagawa niya ngayon, katulad kagabi, abot langit ang lundag ko. Nakakainis ka, Selp! Kasi lahat ng kabutihan at pag-aalala niya sa 'yo bilang kaibigan, ngayon binibigyan mo na ng kahulugan. Lahat nalang sa 'yo may meaning! Pwede ba?

Aasa, magiexpect, iiyak kasi masakit tapos sa nalalabing segundo ng araw aasa pa rin. Pagmamahal pa ba o kawalang awa sa sarili?

"Beast!" Napatalon naman ako sa pagkakaupo sa sofa.

Heto na naman ako sa ganitong feelings para sa presensya niya.

"Inabutan kitang tulala. Ano bang pinag iisip mong, babae ka?" Namaywang siya sa harap ko.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Wala ka na do'n! Ano? Handa ka na?" Tumayo ako, kaso mas matangkad pa rin siya.

"Tawagin ko lang sila." Tinuro ko ang kuwarto kung saan ko pupuntahan sila Ninang.

Sa sasakyan kasi kami ni Gian sasakay patungong airport. Alas singko pa lang ng umaga. Alas nuwebe 'yong flight namin pa Maynila. Kaso dalawang oras pa ang byahe patungong airport.

"O, sige sige!" Tumango tango siya at komportableng sumalampak sa sofa.

Ang gwapo niya talaga kahit saang anggulo kaso wala talaga akong pag-asa kahit saan ding anggulo. Kung ako lang sana ang lalaki sa aming dalawa. Hindi ko siya titigilan. Liligawan ko siya oras oras. Kaso babae ako, e. Dapat ako 'yong nililigawan. Maria Maria ang peg. Hindi na nga uso ngayon kaso gusto ko parin ma experience na nililigawan ng taong gusto ko.

Dumiritso na ako sa kwarto nina ninang at lola. Inabutan ko sila doong naglalagayan ng lipstick. Si Lola ang pinapagandahan, si Ninang ang may hawak nong lipstick.

"Lola, ano ba yan! Mas maganda naman ang babae 'pag walang ganyan, e." Sabi ko nang tumigil sa hamba ng pintuan.

"Hindi, ah. Mas maganda nga 'pag may kulay ang mukha, e." Ani Gian sa likod ko. Langya! Nagulat ako.

Humahaba ang leeg niya habang dinudungaw sina ninang at lola. Hindi ko magawang lingunin siya dahil bigla niya nalang dinantay ang kanyang baba sa aking balikat. Lumalakas ang tibok ng puso ko. Iyong feeling na bubuksan na ni Kuya Will ang kahon tapos naninindigan ka para sa jackpot. Ganong klase ng kaba!

Ang halimuyak ng panlalaking pabango niya ay nililipad ang huwisyo ko at ang kanyang pisngi na halos dumikit na sa pisngi ko ay nagpapanginig sa kalamnan ko.

Gusto ko siyang itulak pero ayaw ko.

Ngayon ko lang napansin ang ekspresyon ng mga mukha nina Ninang at Lola. Si Ninang ay mukhang hindi kumbinsido, si Lola naman ay parang nanonood ng paborito niyang love team nong kanyang kapanahunan. Ang cute ni lola kiligin.

"Alis na tayo! Dalawang oras pa naman ang byahe." Nagkaroon ako ng rason para subukang igalaw ang nabato kong katawan.

Sa kabilang side ako umikot para hindi ko makasalubong ang mukha ni Gian. Tuloy tuloy akong naglakad pabalik ng sala. Hindi na ako lumingon sa kanila at binitbit ko na ang isang malaking packbag ko at isang maliit na maleta. Maliit lang naman kasi mga damit ko. Paulit ulit nga lang, e. Halos kalahati pa ay bigay ni Gian.

Ikaw SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon