KABANATA 12

1 1 0
                                    

Hindi talaga ako mapalagay. Kanina ko pa naiisip si Jek-jek. Unggoy na iyon!

Paano niya nalaman na jobee nagpapagaan ng loob ko? Ah...kay Ninang nga raw. Tinanong talaga niya si Ninang? Bakit naman niya ginawa 'yon? Bakit niya sinuong ang ulan para mapuntahan lang ako dala-dala iyong jobee. Nag aasume na talaga ako. Sino naman kasi ang hindi sa ganoong signal na ipinaparating sa'yo. Lahat 'yon effort! Para kay Ninang? Anong klaseng rason 'yon? Bwisit na Jek-jek! Ang dami-dami ko ng iniisip dumagdag pa 'to.

"Hanna!"

"Ay Jek-jek!"

Napatakip ako ng bibig. Langya! Nanggugulat kasi tong si Ninang kaya ano ano nasasabi ko, e.

"Bagong gulat na ekspresyon, Nak?" Ngisi ni Ninang.

Napailing na lang ako. Tiyak namang lalo niya lang akong aasarin dahil bakit ko ba kasi nasambit iyong pangalan ng Unggoy na 'yon? Oo, nandon na ako, e, kasi naiisip ko siya pero kahit na, no!

Dumiritso si Ninang sa ref at kumuha ng pitsel doon tsaka lumapit sa akin at inagaw iyong basong iniinuman ko na nasa aking kamay.

"Nang, maraming baso, e!" Apila ko.

"Bakit, naghuhugas ka ba?" Katwiran niya.

Tsk. Naghuhugas naman ako ng pinagkainan minsan, e!

Nagsalin siya ng tubig sa baso at mabilis itong nilagok. Uhaw, e!
Pagkatapos niyang ilapag ang baso sa lababo ay hinarap niya ako sa mapanuksong ekspresyon.

"Bakit Jek-jek?"

Sabi na, e!

"Kasi makulit yang inaanak ninyo." Dahilan ko.

Alam kong hindi klaro ang sagot ko kaya hindi hihinto yang si Ninang.

"K. Ge, may lakad ako ngayon, Nak. Ikaw na muna dito ang bahala." Aniya.

Whe? Hindi na siya magtatanong pa? Aba, ayos!

"Opo, Nang. No probs. Ah, si Lola po pala?"

"Umattend ng senior citizen event dito sa home owners association. Sige, alis na ako, Hanna, ha. I-lock ang pinto."

"Opo opo, Nang."

Hinatid ko si Ninang sa labas at nakaabang na pala roon ang isang taxi.

"Chos, pa taxi taxi ka na, Nang, ha." Biro ko habang binubuksan ang pinto ng sasakyan para sa kanya.

Nag flip pa siya ng buhok sa akin sabay pasok na sa loob ng taxi. Iba rin, e!
Sinara ko na rin ang pinto ng sasakyan ng maiigi.

Nang tumakbo na ang taxi ay bumalik na rin ako sa loob ng bahay at kaka lock ko pa lang ng pinto ay umalingawngaw na agad ang nakakairitang boses.

"Tao po? Han-han, nandiyan ka?" Katok niya sa bintana.

Ikaw SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon