KABANATA 4

3 2 0
                                    

Nakaupo kami ni Tanga sa magkasalungat na sofa at matalim na tinititigan ang isa't-isa. Nag mano nga siya kanina pero banta kong masama talaga ang ugali niyan. Pakitang tao lang siya kina Ninang at Lola.

Kasi tingnan mo nga kung paano niya ako titigan ngayon. Parang nasipa ko iyong ano niya. Tsk.

Lumabas si Ninang galing kusina dala dala ang isang tray at sa likod niya ay mabagal na nakasunod si Lola. Inilapag niya iyong tray na may isang baso ng pineapple juice.

Bumaling siya sa inaanak niyang akala mo naman kung tratuhin niya ay parang paborito niyang artista.
"Iho, mag juice ka muna." Ngiti niya.

Mukhang nagigiliw ng lubos ang Ninang ko kay Tanga, ha. Pwes, ako hindi. Mas adorable pa ang mga ipis kaysa sa kanya!

Maligaya namang inabot ni Tanga iyong baso at sumimsim dito. Hayyy! Sipsip.

Napairap na lang ako sa kawalan.
"Nang, ang tagal mo sa kusina isang baso lang ang dala mo? Nauuhaw rin ako tsaka si Gian." Sarkastiko kong sinabi, matalim na tinitingnan si Tanga.

"Bakit, mga bisita ko ba kayo?" Nagtaas ng kilay si Ninang.

Nakakainis! Lalo nang nakita kong nagpipigil ng tawa si Tanga.

Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Gian sa braso ko, pinapakalma ako. Nakaupo lang siya sa tabi ko. Nawala naman agad ang pagkainis ko. Para talagang gamot sa init ng ulo itong si Gian.

Tumayo ng tuwid si Ninang sa gilid ko at humalukipkip, sa tabi niya ay nakatayo si Lola na bahagya ng kumuba ang likod dahil na rin siguro sa katandaan.

Nagpalipat lipat ang tingin ni Ninang sa akin, kay Gian, at kay Tanga.

"Ngayon. Maaari na ba ninyong ipaliwanag sa akin kung anong pinag awayan ninyo sa labas kanina?" Mahinahong aniya ngunit may awtoridad pa rin ang tono.

"E, kasi nakatayo lang ako doon..." "Hindi ko naman po kasi iyon sinasadya..." "tapos bigla na lang akong nabasa..." "hindi ko talaga napansing may tao roon dahil..." "kung nag iingat lang sana..." "mag iingat naman sana ako kung nakita ko lang..." "tatanga tanga kasi!"

"TIGIL!" Sigaw ni Ninang.

Pareho kaming napatiklop ng bibig ni Tanga. Dapat kasi pinauna niya akong magsalita, e. Akala niya pagbibigyan ko siyang lasunin ang utak ng Ninang! Loko-loko!

Nananaksak na ang tingin ni Ninang. Mariin siyang pumikit at nang magbukas ang kanyang mga mata ay medyo nawala na ang liyab doon.

" Hindi ko ganito na imagine ang pagkikita niyong dalawa. Jusko! At paano ko kayo maiintindihan kung nagkochorus kayo? Isa isa lang." Mahinahon na namang sabi ni Ninang, nagpipigil ng init ng ulo.

Ikaw SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon