Unang Pahina

2 0 0
                                    


Nandito ako ngayon sa part time job ko. Which is a flowershop. Gustong gusto ko talaga ang mga bulaklak. Lalo na yung nakikita mo silang masigla at buhay na buhay.

"Miss?"

Yung ang bango nila. Mapapangiti ka nalang.

"Miss"

"Hmm?" Sagot ko hbang nakangiti at tumingin sa lalaki sa harap ko. "Hala! Sorry sir! Ano po sainyo?"

"Isang bouquet ng tulip Miss." Sagot nya.

"Palagyan ba ng note o anything na isusulat sir?"

"Yes"

"Isulat nyo lang dito sir" binigay ko naman ang ballpen at isang designed paper. "Pagkatapos pwede po kayong umupo muna don" turo ko sa isang silya dun. "Habang naghihintay."

Inarrange ko naman ang bouquet ng tulip. Hinay hinay ko silang nilagay sa isang already made na lalagyan. Tinignan ko ulit ang mga bulaklak.

"Yan perfect!" Sabi ko at bumalik na dun.

Kinuha ko naman ang note na nasa cashier side.

"To my dearest girlfriend. Start your day with a smile".

Haysss. Ang swerte ng babae.
Pero pustahan mag be break din to.

"Excuse me sir!" Tawag ko. "Eto na po ang bulaklak"

Binigay nya sakin ang pera at umalis na agad. Di man lang hinintay ang sukli. Wow nagmamadali.

Umupo nalang ako habang naghihintay ng mga customers. Mabibitter ka talaga pag dito ka nag tatrabaho. Yung bang araw araw may pumupunta dito para bumili ng bulaklak para sa girlfriend nila. O di naman kaya may kasamang girlfriend tas yung babae ang pipili. Tas ang sweet sweet tignan. Yung ang sarap nila tirisin at tusukin gamit nitong ballpeng hawak hawak ko.

"Uy hinay hinay lang. Maawa ka naman sa ballpeng hawak mo"

"Kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko sakanya at tumayo upang ayusin ang damit ko.

"Kadadating ko lang" Patawa nyang sabi.

"Ahhh sige. Magbihis muna ako. Para mag out na."

"Sige"

Pumunta ako sa office at nagbihis. Di ko man lang namalayan na hapon na pala.

"Una na ako Austin" Paalam ko."

"Sige ingat ka" Pahabol nya.

10 A.M - 3 P.M kasi ako dyan sa flower shop. Habang si Austin naman ay 4 P.M - 9 P.M.

Bibili pa ako ng pagkain namin ni Allhea. Ako kasi bibili ngayon tas sya naman bukas. Dumaan muna ako sa isang karenderya at dumiritso na sa apartment namin.

"Ba't ba ang dilim dito? Nasan kaya ang babaeng yun?"At ini on ang switch.

"Allhea? Anong nangyari buang?" Sigaw ko sakanya dahil para syang patay dun sa cr na nakabukas.

Nilapag ko ang mga pagkain sa mesa at pinuntaha siya. "Huy? Napano ka nga?"

"Na slide ako sa sabon puta" paiyak nyang sabi.

"Yan kasi ang gaga mo" at tinulungan syang tumayo.

"Iihi sana ako tas ayun may sabon pala. Kaya sa short nalang ako umihi" iyak pa din nya.

"Kadiri ka buang!" At binitawan sya.

"Aray t*ngna! Joke lang uy, tulungan mo ko uli"

Pinaupo ko nalang sya at inihanda ang mga pagkain.

"Oh yan kain na gaga" at tinignan ko sya.

"Oh? Bat ngumuso nguso ka?"

"Subuan mo ako"

"Sampalin kita? Yung paa mo ang na slide hindi kamay."

Nagsimula na kaming kumain.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 27, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Lingering Memories (SeulMin Fanfic)Where stories live. Discover now