Jar of Hearts (JhIce FanFic MiniSeries)

676 8 1
                                    

Kailan mo kaya matatagpuan ang True Love mo kung isa kang BAKLA na tulad ko?

Aliyah's POV

Ako po pala si Aliyah Guidotti. 22 years of age. Ako ang nag-iisang tagapagmana ng kumpanya ng aking mga magulang. Nasa ibang bansa ang Business namin kaya sobrang layo nina Mama at Papa sa akin.

Actually, may isa akong kapatid. Dapat siya ang magmamana ng kumpanya pero naaksidente siya nang pamilya niya. Fortunately, nailigtas ang kaisa-isa nilang anak na si Amber. Siya na lang ang kasama ko sa aming bahay at sa aking buhay. Kahit pitong taon pa lang ako nung namatay si Kuya, hindi ako nag-atubiling alagaan ang batang ito. At bilang bakla na rin, aminin naman natin na hindi ako mabibiyayaan ng anak except mag-asawa ako ng babae which is a NO NO for me, kaya yun, sobrang nawili ako sa pag-aalaga sa kanya.

Syempre, hindi ko inalisan ng karapatan si Kuya at ang asawa niya. Ipinakilala ko pa rin sila kay Amber. Mommy ang tawag niya sa akin. Nakakatuwa ngang napagsabay ko ang pag-aaral at pag-aalaga sa aming munting prinsesa ehh. Dahil naman sa ka-busyhan ko sa pag-aalaga sa kanya at sa umaapaw na pagmamahal sa kanya, yun NBSB ang lelang niyo!

15 years had passed and now..

Amber: Happy Mother's Day Mommy! I love you so much! I know bata ka pa nung na-ulila ako pero pilit mong pinagsabay ang pag-aaral mo at pag-aalaga sa akin. At gusto ko pong magpasalamat para dun. Tumayo ka pong Nanay at Tatay para sa akin,. Kaya Mommy, ngayong Mother's Day, I prepared something. Kaya halika na po. Sakay na po tayo sa Kotse ko. :)

Aliyah: But Baby saan mo naman ako dadalhin?

Amber: Matagal ko na pong gusto kayong dalhin dun. Basta! Sama ka na po!

Aliyah: Nako! Kung hindi lang kita mahal! Tara na nga!

Yes! You read it right! Lagi naming sinecelebrate ang Mother's Day! Kahit na bakla ako, this litlle princess of mine don't fail to surprise me every Mother's Day. Pero nakakapagtaka ang isang ito! Hindi niya ako sinurprise ehh! Binati niya lang ako at pinapasama kung saan siya pupunta. Hay! Saan kaya ako dadalhin ng isang 'to? Kung hindi ko lang mahal ang isang 'to hindi talaga ako sasama! :3

Makalipas ang ilang oras ng pag-iisip ko kung saan niya ako dadalhin, tumigil na ang sasakyan. At sa isang PUB? Bakit niya ako dinala dito? Hmmm. Mukhang may hindi magandang mangyayare ah. T.T

Amber: We're here Mommy!

Aliyah: Anong gagawin natin ditp?

Amber: You'll be enjoying yourself Mommy. Nasa tamang edad ka na. 15 na ako Mom, and almost 3 years na lang pwede na akong magpaligaw. Ehh, baka kung hindi pa ako kumibo, maunahan pa kitang mag-asawa niyan. At magiging mag-isa ka pag nangyari yun. Ayaw kitang malungkot. Kaya, yan pasok ka na diyan. I'll pick you up later okay? :*

Aliyah: Pero Amber..

Amber: Wala nang pero-pero Mommy. Gorabel na. Push mo yan 'te!

 Wala akong nagawa kundi ang pumasok kahit na ayaw ko naman. Syempre, ayoko namang masayang ang effort ng pamangkin ko no? So eto ako ngayon, nakaupo sa may bar counter at umiinom. Then, may nakita akong tumabi sa akin at kinausap ako.

Guy: Hi Miss! May problema ka rin ba kaya ka pumunta dito?

Aliyah: Ahm, wala akong problema. Gusto ko lang magsaya.

Guy: Ahh, ganun ba? Naghahanap kasi ako ng makakausap eh. Pwede ka ba? 

Aliyah: Sige! Wala naman akong gagawin eh!

Jar of Hearts (JhIce FanFic MiniSeries)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon