Super Flashforward

160 7 2
                                    

a year after...

Daniel's POV

Mahigit isang taon na akong nanliligaw kay Aliyah and hindi pa rin niya ako sinasagot. Nawawalan na ako ng pag-asa actually pero mahal ko talaga kaya hindi ko kayang sukuan.

Kahapon lang ay nag-mall kami kasama si Amber. Ang laki na nang naitulong niya sa akin. Sobrang tigas lang talaga ng puso ng Mommy niya. Tinatawagan ako ni Amber gabi-gabi para i-update about Aliyah. Siya ang nag-volunteer na gawin yun. At ang dahilan? Dahil daw ako na daw ang gusto niyang makasama ng Mommy niya habang buhay.

Nalaman ko na rin na anak siya ng may-ari ng Guidotti Imports but I don't really mind. Kasi puso ni Aliyah ang kailangan ko at hindi ang pera nila.

Marami na akong efforts na ginawa para sa kanya. Lalo na nung birthday nila ni Amber. Kahit tatlo lang kaming nag-celebrate, I find ways para maging masaya kami.

Ahm, alam niyo ba na minsan akong nagkasakit at hindi umalis sa tabi ko noon si Aliyah. Dun ako nabuhayan ng pag-asa. Dahil kung wala naman siyang nararamdamang espesyal para sa akin, di siya mag-aaksaya ng oras para alagaan ako diba?

I can't read her mind and feelings yet. Ewan ko. Pero alam mo yun?

Aliyah's POV

Isang taon ko nang pinahihirapan si Daniel. Naaaw na ako pero takot pa rin ako.

Noong araw na pinakilala niya ako sa magulang niya, napakasaya ko. Ewan ko. Dun ko naramdaman na siya na talaga ang para sa akin.

But when his Mom and Dad left para sa Business, ibinilin nilang wag ko na daw sasaktan ang anak nila. Dahil daw sa grabe ang sinapit niya nung nagbreak sila ng ex niya. He don't deserve to be hurt like that.

Marami nang isinakripisyo para sa akin si Daniel, pero hindi ko alam kung ano ang nagtutulak sa akin para wag muna siyang sagutin. TAKOT malamang. Kailan ka ba kasi mawawala para parehas na kaming sumaya?

Aaminin ko naman na sa isang taong dumaan minahal ko na rin si Daniel. Ang swerte ko na nga kung tutuusin eh. Hay.

Amber's POV

Nandito kami ngayon ni Mommy sa bahay. Ako nakakulong lang sa kwarto ko nang biglang nag-ring ang phone ko. And si Tito Daniel yun kaya sinagot ko kaagad.

Amber: Hello Tito? Bakit ka napatawag?

Daniel: Ahm, aalagaan mo ang Mommy mo ha? Mukhang di ko na yun magagawa sa kanya eh. :(

Amber: Bakit po?

Daniel: Two days from now, pupunta na akong New York para tulungan sina Mom and Dad.

Amber: Pero di pa kayo sinasagot ni Mommy diba?

Daniel: Mukhang malabo nang mangyare Amber ehh. Aalis na ako at hindi pa nya ako sinasagot.

Amber: Nakapag-impake ka na ba Tito?

Daniel: Oo. Bakit?

Amber: Dito ka na muna mag-stay for the two days bago ka umalis pwede ba?

Daniel: Okay lang sa akin. Pero bakit naman?

Amber: Basta. May pag-asa ka pa sa two days na yun diba?

Daniel: Ikaw talaga. Botong-boto sa akin. Sige. Ayusin ko lang 'to. Tapos bukas ng umaga, nandyan na ako.

Amber: Sige po Tito. See you.

At binaba ko na yung tawag. Sheeez! Aalis na si Tito, at wala pa ring nangyayare!?! Maaari kasing hindi na bumalik si Tito. Kaya dapat bago pa umalis si Tito, maging sila na ni Mommy, para magkasama sila sa New York at dun na rin makabuo ng pamilya.

Aaminin ko na rin kay Mommy na matagal na akong naka-set sa isang arrange marriage. This is why masyado akong nagmamadali na mahanap na nya ang taong mag-aalaga sa kanya.

Bakit ako pumayag? Kababata ko naman siya at isa pa mahal ko rin naman yung pakakasalan ko. Pero gusto ko bago kami maikasal, si Mommy muna.

Naiset ko na ang plano ko para sa 2 days and 2 night stay ni Tito Daniel. 9 a.m pa naman daw kasi ang flight niya. Sana lang umamin na si Mommy. :/

Aliyah's POV

Biglang tumahimik ang bahay kaya nagtaka ako. Lumabas ako ng kwarto and I see no one. Saan na naman kaya nagpunta ang buong cast ng bahay?

Nag-ikot ako sa buong bahay at wala talagang tao kahit si Amber. Magagabi na ah? Bigla namang may nagtext sa akin.

From: Amber My Princess <3

Message:

Mommy, niyaya ko ang mga maids and drivers natin sa isang 3 days and 2 nights stay sa resort natin. Magpaparty-party muna po kami ah? Kayo na po muna ang bahala sa bahay. Thanks! I love you! Mwahugs!

Yung bata talagang yun. Pinagbigyan ko na. Wala kasi yung barkada. School at Bahay lang lagi. Ako nga lang at si Daniel ang kabarkada nyan. At mula nung dumating si Daniel, naging mas masaya si Amber. Isa talagang napakalaking blessing nitong kumag na 'to.

Nagmuni-muni pa ako. Kaya eto

Pumunta na lang ako sa kwarto at hindi namalayang nakatulog na ako.

Jar of Hearts (JhIce FanFic MiniSeries)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon