3: Olivia

22 1 0
                                    


Tatlong araw ang lumipas pagkatapos kong makausap si guy in my dreams. Tatlong araw na rin magmula noong tawag ako ng tawag don pero hindi nya sinasagot. At hanggang ngayo'y hindi nya pa rin ako tinatantanan sa panaginip ko. Kaya kailangan ko syang makausap as soon as possible dahil palala ng palala ang nangyayari sa 'kin. Kahit minsa'y hindi ako natutulog ay nagpapakita sya sa utak ko kaya madalas sumasakit ang ulo ko. I look like a living eyebags! Wala na 'kong tulog!

"Aray!" sa hindi ko malaman kung pang ilang pagkakataon ay bumagsak ako sa sahig at napahawak sa ulo ko. May pinapakitang scenario na naman sa utak ko. Sa una ay hindi klaro pero unti-unting nagiging malinaw. 

That guy, again.

This guy in my dreams. 

What the hell is he planning to do?

Nasa cliff s'ya. Umiiyak, mukhang problemado. Sigaw ng sigaw. Mukhang wala na sa katinuan. Eto yung cliff na madalas kong nakikita sa panaginip ko. Napuntahan ko na ito three years ago noong sunod-sunod ang pagpapakita ng lugar na ito sa panaginip ko. Hindi ko alam kung paano ko nahanap. Basta unti-unti ay nagiging pamilyar yung mga daang tinatahak ko at napagtanto ko nalang na nasa cliff na ako na palagi kong nakikita sa panaginip. 

"DAME!" pinitik ni Trina ang noo ko kaya napabalik ako sa huwisyo. Unti-unti akong bumalik sa katinuan at walang sali-salita ay dumiretso ako palabas ng dorm saka hinanap ang kotse ko. Kinuha ko ang susi sa bulsa ng pants ko saka binuhay ang makina neto.

Aba, kung magpapakamatay sya, saka na pag tapos na nya 'kong tulungan! Sa ngayon, kailangan nya munang mabuhay kasi kailangan ko sya! 

Alam kong matutulungan ako ng lalaking yon. 

Noong makarating ako ay may naaninag akong kotse hindi kalayuan sa kinaroroonan ko. Dahan-dahan lang ang pagpapatakbo ko hanggang sa inihinto ko na ito. Nakatayo sya sa may dulo ng cliff kaya dali-dali akong bumaba at baka tumalon na sya don. Nagmamadali man ay dahan-dahan at walang kaingay-ingay ko syang nilalapitan. 

"AAAAHHHH---"

"Hoy." tawag ko sa kanya na ikinagulat n'ya at nawalan ng balanse kaya kamuntikan syang nahulog buti nalang at nakahawak yung isa nyang kamay sa malaking bato. "Sht!"

Mabilis ko syang nilapitan nang hindi iniinda kung gaano kataas itong kahuhulugan ko dahil takot ako sa matataas. Hinawakan ko ang kamay n'ya habang sigaw sya ng sigaw, hinihingi ang tulong ko. 

"Hold on please hindi ka pwedeng mamatay. I need your help!" I said habang hinihila sya pataas. Nangangatog ang mga tuhod ko sa pwedeng mangyari sa kanya dahil pag nahulog sya'y kasalanan ko. Alam ko yon.

Buong pwersa ko syang hinila. Mabuti na lamang at naka-pull over sya at hindi dudulas yung kamay ko kapag hinihila ko sya. 

"Ano bang ginagawa mo dito?!" singhal nya noong okay na. Woah, that was close. Pero teka. Ang bastos naman ng bunganga nito? Wala man lang thank you?

"Welcome, I saved your life." I sarcastically said.

"So should I say thank you dahil muntik mo na rin akong mapatay?" 

"Gagawin mo din naman yun diba? Buti nga sinagip kita."

"Of course not. Tss"

Padabog syang umupo sa damuhan at sumandal sa isang puno na may mga inuukit na pangalan kaya binasa ko iyon.

Noah love Olivia.

Kunot-noo kong binabasa ang mga ito at ibinaba ang tingin ko. Litrato ng dalawang tao. Yung lalaki ay eto yatang si lalaki sa panaginip ko habang yung babae ay hindi ko naman kilala, pero pamilyar. Well, sila namang dalawa hindi ko kilala pero parehas silang pamilyar. I must've seen this girl somewhere.

"Ikaw ba si Noah?" tanong ko habang hindi pa rin inaalis ang tingin ko sa mga nakaukit sa puno. 

"What do you want? Pa'no mo 'ko natunton?" asar na sabi n'ya.

"I said, I need your help. At kaya kita natunton ay napanaginipan ko ng gising na nandito ka." 

Kunot noo s'yang tumingin sa 'kin at para bang inaakusahan akong ginagago ko sya. Siguro kung sa ibang tao manggaling ay ganon din ang maiisip ko. But no, this fck is real. And I don't know kung bakit nangyayari sa akin ito. 

"You are mentally ill." iiling-iling na sabi n'ya.

"Go, insultuhin mo 'ko hangga't gusto mo at tatanggapin ko lahat yun. Pero kailangan mo 'kong tulungan. I've suffered for four damn years dreaming of you, wala akong sapat na tulog, laging sumasakit ang ulo and look at my eyefckingbags! Hindi nalang mukhang bag! Mukha ng maleta!"

Pinasadahan nya 'ko ng tingin. From head to foot, and vice versa. Tapos ay umiling-iling. What now?!

"Miss, mukha ka namang maayos physically. Pero ang payat mo, and the eyebags you're talking about, mukha na ngang maleta. Pero wala akong oras makipaglokohan sa'yo." at ipinikit nya yung mga mata nya habang nananatiling nakasandal sa puno. 

"Eh hindi naman kita niloloko eh. Look..." naghanap ako ng dahilan para mapapaniwala ko syang nagsasabi ako ng totoo, "Were you involved in a car accident few years ago?"

Natigilan s'ya. 

"I told you, hindi kita niloloko."

"Miss, alam ng mga tao yan. Binalitang nadisgrasya kami dito at baka ikaw lang yung nagsipag na hanapin yung mga taong  naaksidente which is ako, at ang girlfriend ko."

"Pero hindi ako nagsisinungaling!"

Umiiling na naman s'ya. Huminga ako ng malalim at binalikan ng tingin ang litrato nya kasama yung babae saka ko inilapit ang kamay ko para mahawakan ito at bigla akong bumagsak sa damuhan.

"I'm sorry we had to go through this. Kung nagsisisi ka, pwede kitang ibalik sa inyo."

"I am going with you. Hindi kita iiwan, Noah."

"I love you, Oli--- shit!"

Habang nagsasalita yung boses nila sa utak ko ay binibigkas ito ng bibig ko. Bumalik ako sa ulirat noong ramdam ko ang mahigpit na hawak niya sa balikat ko, ni Noah. Nakatulala sya sa harap ko saka ako itinulak. 

"Sino ka ba talaga? How did you---"

"I am Demetrice but people calls me Dame. I see future and pasts through my dreams o kaya naman ay kusang ipinapakita ng utak ko. I don't know what's wrong with me. Kaya kailangan ko ng tulong mo."

"Bakit ako?"

"Dahil ikaw lang ang tanging taong palaging nagpapakita sa panaginip ko." 

Kitang-kita ko kung paano maguluhan ang mukha n'ya. Parang ayaw nya pa rin akong paniwalaan pero sa nakikita ko, mukhang unti-unti ko na s'yang nakukumbinsi. 

Dahan-dahan s'yang tumango, "Fine."

Napangiti ako sa sinabi n'ya saka muling ibinalik ang tingin ko sa larawang nakadikit sa puno.

"Yang babae sa litrato... sino s'ya?"

"None of your business." masungit na tugon n'ya.

"Para kasing nakita ko na eh. Familiar."

"She's Olivia."

Olivia... who are you? Bakit tingin ko nakita na kita?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Thousand Dreams Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon