1: That Guy

20 1 0
                                    


"Dame. Dame... wake up!"

"Dame I said wake the fck up!"

Nagitla ako sa biglang tumampal sa mukha ko kaya agad akong napaupo sa kama nang wala sa oras. Inabutan ako ng tubig ni Krystal at tinanggap ko ito. Pinunasan ko ang tagaktak na pawis na tumutulo mula sa noo at saglit nawala sa sariling utak. Napanaginipan ko na naman yung lalaking iyon. Hindi ko sya kilala pero palagi syang nagpapakita sa panaginip ko.

Weird. Pero madalas ko syang napapanaginipang umiiyak over someone. His mom. O kaya naman mukhang problemado. O kaya naman minsan mukhang hinahabol na ewan. Ang problemado ng buhay nya sa panaginip ko. I don't know if he really exist at kung bakit madalas ko syang nakikita sa panaginip. This happened to me four years ago. Simula non, palagi ko na syang napapanaginipan. How weird can I get?

"Hindi ko na tatanungin kung ano ang napanaginipan mo dahil mukhang alam ko na ang sagot." napatingin ako kay Belle.

Bumuntong-hininga ako.

"Hindi ko talaga maintindihan kung anong pakay ng tao sa panaginip mo sa'yo at lagi syang nagpapakita sa'yo sa panaginip mo." dagdag ni Krystal.

"We don't know if he's real. Pano kung panaginip lang talaga, walang ibig sabihin?" I asked.

Inikutan ako ng mata ni Nicole, "Sa apat na taong pagpapakita nya sa panaginip mo walang ibig sabihin?"

"Pero imagine, for three fcking years lagi kaming nabubulabog sa pagtulog dahil lagi nalang kaming nagigising sa mga ungol mo. Tapos mapapanaginipan mo paulit-ulit na tao lang? How weird is that?" ani Belle habang binabalik ang kumot na kanina'y nahulog mula sa higaan ko.

"It's still 3:00am. Let's get back to sleep. Bukas na natin yan pag usapan. May pasok pa tayo mamaya." pagbasag ni Trina sa unti-unting namumuong katahimikan.

Bumalik na sila sa kani-kanyang kama at naiwan ako sa akin katabi si Yori na nakikinig lang kanina. She's not my friend tho, hindi ko alam kung anong kinagagalit nya sa 'kin kaya madalas ay hindi nya 'ko painakikialaman. O wala naman talaga syang pake. Better that way kasi ayoko rin naman syang pakialaman lalo na't ayaw nya sa 'kin. Ang hindi ko lang maintindihan, parehas kaming hindi magkasundo pero kami pa ang magkatabi sa kama. Haha.

"Turn your lamp off, Dame. Nasisilaw ako." ani Belle sa kabilang kama at ginawa ko ito. Katabi lang ng kama ko ang table kung san nakapatong ang lamp kaya mabilis kong naabot 'yon.

Hindi na ako nakatulog matapos non at nanatiling gising hanggang umaga. Ganoon naman palagi. Every time I wake up from dreams, hindi na ako nakakatulog ulit. Mabuti sana kung simpleng panaginip lang. Pero kadalasan ay palaging nauuwi ito sa pagiging bangungot dahil kung hindi ako umuungol ay nagsisisigaw naman ako.

Isa ito sa dahilan kung bakit pinili kong magdorm kesa sa bahay. Wala akong parating kasama don kundi mga katulong dahil laging umaalis ang mga magulang ko. Hindi rin kami masyadong nagkakausap ng kapatid ko kasi paalis-alis din sya kaya baka pag binangungot ako'y walang gumising sa 'kin. Ayokong mamatay.

"Aray." daing ko nang makaramdam ako ng kirot sa ulo. Ramdam ko ang paglapit ni Nicole dahil bukod kay Yori na kumakain ay kami nalang ang naiwan sa dorm dahil may mga pasok na ang iba.

"Dame, what's wrong?" hinahawakan nya 'ko sa magkabilang braso at labis na pag-aalala ang nakita ko sa kanyang mata.

"Oh, tubig." pag-abot ni Yori at tinanggap ni Nicole saka pinainom sa 'kin. "Ano na naman bang nangyayari sa'yo?" sabi nya na para bang inis na inis sa akin.

A Thousand Dreams Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon