2: Finally

9 1 0
                                    

Nakasunod pa rin ako sa kanya at ang bilis nyang maglakad! Yung isang hakbang n'ya siguro tatlong hakbang ko na dahil ang tangkad nyang nilalang. But I am sure he's the guy! He is that guy na laging dahilan nang pagkakulang ko sa tulog at kung bakit mukha akong walking eyebags. For four fcking years hindi ako makatulog dahil sa kanya! At sigurado akong sya iyon dahil sa apat na taong halos gabi-gabi nyang pagpapakita nya sa akin, alam na alam ko na kung anong hitsura nya.

"Aray miss, dahan-dahan naman." sabi nung babaeng nabunggo ko. 

"Sorry po ate." hinawakan ko sa balikat si ate at humingi ng pasensya sa pagkabunggo ko sa kanya saka binalik ang paghahanap kay guy in my dreams.

Sht. I can't see him anymore!

"Dame! Who the hell are you chasing?" hingal na hingal na sabi ni ate habang bitbit pa ang sandals nyang pagkatulis-tulis ng heels. "Nakakaloka ka. Sino ba yun? Boyfriend mo?"

"Ah, no. I... thought he's someone I know." palusot ko. 

"Kainis ka. I am so starving. Labing anim na oras akong bumyahe parito tapos pagtatakbuhin mo pa 'ko. Kaloka." angal nya habang binabalik ang heels nya sa paa. "Let's get back to the restau, can we?"

Dahan-dahan akong tumango at nagpahila sa kanya pabalik. Nakalimutan kong hindi pa pala ako nag-umagahan kaya napadami ako ng kinain hanggang sa maalala ko ang sinabi n'ya sa 'kin kanina.

"Ano yung sinasabi mo sa 'kin kaninang naaksidente ako?" tanong ko habang busyng-busy syang kumain. 

Napatigil sya sa tanong ko, saka huminga ng malalim. "I don't know what's with you at hindi mo pa rin naaalala ang nangyari sa'yo four years ago. Akala ko din sinabi na ni mommy sa'yo dahil yun ang sabi nya nung huli kaming magkausap."

Nanatili akong tahimik habang nagkukwento sya.

"Noong una sabi ng doctor normal lang daw, ganon daw kadalasan ang mga nangyayari sa mga taong nanggaling sa aksidente. Ang hindi maalala ang nangyaring trahedya. Kaya hinayaan namin at hindi binanggit sa'yo."

"Anong klaseng aksidente ba?"

Lumingon sya sa ibang direksyon, para bang iniiwasang makaharap ang mga mata ko. 

"Nahulog ka."

"Yun lang?"

"Ba't mo ba tinatanong? Gusto mo magpacheck up tayo? Wala bang kakaiba sa katawan mo?"

Umiling ako.

"May kasama ba 'kong nahulog non?" out of nowhere kung tinanong at natawa sya.

"Anong klaseng pagkahulog yon? Duet?"

Tawa sya ng tawa at nagpatuloy sa pag kain. Ako patuloy na hinahalughog sa utak ko ang sinasabi nyang aksidente. Bakit wala akong maalalang aksidente? Pa'no ako nahulog? Saan? Sobrang tindi ba ng pagkahulog ko para wala akong maalala? Nabagok kaya ang ulo ko?

"Kailan ako naaksidente?" seryosong tanong ko. 

"May 13, 2013." 

"Kailan ako nagising?" 

"2 weeks after."

I buried my face on my palm. How can other people know I was into accident kung ako mismo hindi ko alam? 

"Wag mo na ngang problemahin yan. Ang importante, ligtas ka. Let go of the past, Dame. Mas mabuti na ring wala kang maalala." I tried to recall some happenings that happened four years ago bago ang May  13. Pero wala akong masyadong maalala. Kukunti lang, tapos hindi pa klaro. What the hell is wrong with me? "Samahan mo nga ako sa powder room, may imemeet akong friends later kailangan kong magretouch."

A Thousand Dreams Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon