Nandito na ako sa meeting place namin ni Jasper baby loves ko. Nagtext sya na medyo malelate daw sya. Okay lang naman ieenjoy ko na lang muna ang hangin dito sa park. Sobrang favorite kong tumambay sa park dahil nakakawala ng stress.
Maya maya dumating na ang boyfriend ko. Ang hot nya talaga. Ang gwapo!!! Jackpot talaga ako dito.
"Hi babyyyy! Happy monthsary!" bungad ko sa kanya sabay abot ng gift ko.
"Moreen, kelangan nating mag-usap"
"May problema ba Jasper?"
"Sa tingin ko kelangan na nating itigil to"
"Alin? yung pagcecelebrate ng monthsary? Ehhhhhh! Ayaw mo ng months ang binibilang? Gusto mo years? Emegesh! Pinakikilig mo naman ako baby eh!"pero tahimik lang si Jasper, nakayuko.
"Ano bang problema Mr. Jasper Montes?"
tumingin sya sa mga mata ko sabay sabing...
"Moreen, I'm sorry pero si Yllain kasi..."
"Ano? Anong meron kay Yllain?" mahinahon kong pagtatanong kahit feeling ko alam ko na ang nangyari. si Yllain yung officemate nya maharot na may gusto kay Jasper ko!
Selos na selos ako lagi sa kanya pero laging sinasabi ni baby na wala akong dapat ikaselos dahil ako naman daw ang mahal nya.
"Ano, Jasper? Anong meron kay Yllain?"
"si Yllain kasi... may nangyari samin nung galing kami sa party nila Mike"para akong binuhusan ng malamig na tubig nung marinig ko ang sinabi ni Jasper.
gusto ko syang sampalin, suntukin, sipain, putulan ng --- tangina kasi eh! Akala ko ba ayaw nya sa babae na yun!? Bakit ngayon!? Bakit ganito!?
tuloy tuloy lang ang agos ng mga luha ko, ni hindi man lang ako yakapin ni Jasper para pakalmahin. Tangina! Ginusto rin talaga ng gagong to!
"So anong gusto mong mangyari Jasper? Paano tayo? Bakit ganito?"
"Sorry Moreen pero lalaki kasi ako, may pangangailangan din ako na hindi mo maibigay. si Yllain, naibibigay nya lahat yun"dun ako nakakuha ng lakas para sampalin sya ng paulit-ulit. Sinasampal ko sya habang iyak ako ng iyak.
Tangina ayoko na! Nagtiwala ako eh! Nagmahal ako eh! Minahal kita Jasper! Bakit ganito!?
Patakbo akong umalis at pumunta sa terminal ng jeep, di ko na kaya. Gusto ko ng umuwi. Pagod na pagod na ako.
ni hindi man lang nya ako sinundan. Siguro nga pinaglaruan nya lang ako.
Vcard ko lang talaga siguro ang habol nya sakin.
hindi ko yun kayang ibigay sa kanya basta basta.
Hindi.
YOU ARE READING
He's my Fuck Buddy
RomansaThis is a story about a girl who has been broken and tried omegle to distract herself. Then she met someone, decided to meet him for pleasure purposes.